THE HAUNTED
AUTHOE WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Rex kasama ang apat niyang kaibigan na sila Edwin, Gladys, Lester, at kapatid nitong si Leslie. Ay pawang mga College student na mahilig mag punta sa abandonadong lugar.
Tulad ng abandonadong bahay, Simbahan, Ospital at kung saan saan pa na matatawag ng Haunted.
Nais kasi nila yung tipong tatakutin nlla ang kanikanilang sarili? Kakaibang Excitement kasi iyon na hindi nila maipaliwanag.
Masaya sila kapag nakaka experience ng mga nakakatakot na pangyayari sa mga Haunted na lugar na pinupuntahan nila.
At napagdesisyonan nga ng magkakaibigan na mag tungo sa isang Abanson Cemetery.
Para sa isang mas nakakatakot na kaganapan! Na maaari nilang ma Expireince roon sa kalaliman ng gabi.
"Sana naman hindi lang pagpaparamdaman lamang ang gawin ng mga multo? Ang tagal tagal na natin ginagawa ang pagtungo sa mga Haunted na lugar. Pero puro pagpaparandam lang ang napapala natin? nakakawala na rin ng Thrill." Sabi ni Leslie na medyo Boyish.
"Tapang huh? Baka bigla kang maging dalagang pilipina kapag may nagpakitang multo sayo!"" Pananakot ni Lester na kapatid ni Leslie.
"May kasabihan nga matakot sa buhay. Huwag sa patay.." Sabi ni Leslie.
"Ssshhh.. Tahimik mag masid masid muna tayo sa paligid." Sabi ni Edwin.
"Ilang katawan na ang nailibing rito, at dahil abandonado na itong sementeryo na ito. Wala ng dumadalaw sa kani kanilang puntod. Nalulungkot ako para sa mga nakalibing rito" Sabi ni Gladys.
"Huwag ka na malungkot, kahit abandonado pa ang sementeryo na ito. Kung nais sila dalawin ng kanikanilang mahal sa buhay. Mag pupunta sila rito ganun lang yun ka simple." Sabi ni Rex.
"Oo na po sir.." Sabi na lamang ni Gladys.
Hanggang sa may narinig silang pag iyak hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Iyak na dulot ng sobrang kalungkutan..
"Multo na iyon... Umiiyak na kaluluwa." Sabi ni Edwin.
"Multo agad? Hindi pa nga natin nakikitta puntahan mo na natin.." Sabi ni Leslie.
At siya pa ang nanguna sa mga ito patungo sa kinaroronan ng pag iyak na iyon sa Abandonadong Sementeryo sa Gitna ng kalaliman ng Gabi..
Sa pangunguna ni Leslie sa pinanggagalingan ng iyak na iyon sa Abandanong Sementeryo.
Dali dali namang sumunod sila Rex, Edwin, Gladys, at ang kapatid nitong si Lester.
Madalim ang paligid dahil nga sa kalaliman ng gabi, gamit nila ang dala dala nilang sari sarilng Flash Flight.
Upang agad nilang makita ang kanilang daraanan sa madilim na abandonadong sementeryo na matatawag na rin na rin na Haunted Cemetery.
At pagdating nila roon, nakita nila si Leslie na pilit pinatahan ang isang batang babae. Na nasa Walo o sampong taon gulang pa lamang ang edad.
"Batang babae lang pala ang umiiyak at hindi multo.." Sabi ni Edwin ng makumpirna nila na tao at hindi multo ang umiiyak.
"Pero anong ginagawa ng batang babae na iyan rito sa dis oras ng gabi?" Pagtataka ni Rex.
"Umiiyak ang bata, tulungan na lamang natin baka naliligaw siya? Dalhin natin siya pinakamalapit na pulisya. Baka hinahanap na siya ng magulang niya" Mungkahi ni Gladys.
Hanggang sa mga sandali na iyon, pilit pa rin pinapatahan ni Leslie ang batang babae.
Pilit naman tinatanong ni Lester ang batang babae. Kung bakit nasa abandonado siyang sementeryo sa dis oras ng gabi.