MGA MINERONG ASWANG
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Abalang nag mimina sa kailaliman ng lupa ang grupo ng mga aswang. Tagaktak na ang kanilang mga pawis sa matinding pagod at init sa loob ng minahan. Kinakapos rin sila ng hangin dahil na sa ilalim na parte sila ng minahan.
Pero dahil nga mga aswang sila hindi pangkaraniwan ang kanilang katawan. At nakakaya nila ito tagalan pero hapong hapo pa rin sila sa matinding pagod. Lalo pa at kakapiranggot na pagkain lamang ang inihahain sa kanila ng mga taong umaalipin sa kanila.
Wala silang magawa sa kanilang sitwasyon lalo pa at ang bawat isa sa kanila. Ay may suot na kwintas na dinasalan ng napaka mabisang orasyon.
Habang suot nila ito hindi nila mailalabas ng lubusan ang pagiging aswang nila. Ito ay hindi nila matatanggal sa kanilang leeg. At walang sino mang aswang ang makatatanggal nito.At hindi lang iyon dahil sa kapag tumigil sila sa pag tatrabaho. Ang kanikanilang anak o mahal sa buhay na pawang nakakulong ay sasapitin ang kamatayan sa harapan nila mismo. Isang pangyayaring ayaw nilang sapitin ng kanilang mga anak o mahal sa buhay
Kaya kahit hirap na hirap sila sa halos mag hapong pagmimina ay tuloy pa rin sila. Isang minahan na pinamumunuan ng isang private company. Na naniniwala nga sa mga aswang. At ang mga aswang ang nais niyang maging mga tauhan ng sa ganoon wala na siyang mga taong seswelduhan. Ng sa ganoon wala masyadong kabawawan sa mga ginto na mamimina nila.
Kaagapay nila rito ang isang Bihisang matandang Albularyo na kung tawagin ay si Mang Gustin.
Bukod pa sa mga kwintas na pumipigil sa tuluyang pagiging aswang nila. Ay may mga kadenang pabigat pa sa kanilang magkabaling paa. Kadenang may kasamang solid na bilog na bumibigat ng sampong kilo bawat isa. Kaya hirap sila tumakas. Pero hindi rin naman nila naiisip na tumakas dahil ang kapalit num ay ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Mga lalaki lamang na aswang na may hustong edad ang nasa minahan. At ang mga asawa nila anak at ibang kaanak na babae ay nakakulong sa underground ng gusali ng private company na iyon.
Ang mga aswang na nahuhuli nila at ginagawang mga trabahante o mga alipin. At ang mga aswang na piniling mag bagong buhay. At mamuhay ng normal katulad ng normal na tao ang mga inalipin nila sa Minahan.
At ang bagay na ito ay batid ni MANG GUSTIN. Dahil na rin sa matagal na itong Albularyo. Marami na siyang kaalaman patungkol sa kababalaghan. Kaya nga Alam nga niya kung sino ang mga masasamang aswang. At kung sino ang mga aswang na sadyang nagpapakabuti. Sa tingin pa lamang niya. at ang mga ito ang puntirya ng mga tauhan ng pinaka boss ng Private Company na iyon. Upang hindi sila mapalaban ng husto.
Inooferan sila ng malaling halaga ng pera para sa pag mimina. At kapag napapayag nila ito dadalhin nila ito sa gusali at pasusuotin muna ng Kwintas na may mabisang orasyon ni Mang Gustin. At dahil nga roon para na silang normal na tao. At sunod na nilang dudukutin ang mga kaanak nito para mapwersa ito mag trabaho sa minahan.
Madali lang nila napapaniwala ang mga kaanak nito. Kaya kusang loob sila na sumasama at napapasuot pa ang kwintas. Bilang tanda na kabilang sa Private company na iyon. Pero lahat ng iyon ay palabas lamang para sa mga pansarili nilang kapakanan.
Karamihan sa mga asawa ng mga Minerong aswang ay may mga taglay na kagandahan. Kaya kahit alam nilang aswang ang mga ito ang mga kababaihang aswang ay pinag sasamantalahan pa rin ila.
Pinag sasamantalahan nila ito habang nakagapos ang mga kamay nila paitaas sa mga kadenang nakakabit sa konkretong kisame. At nakakakadena din ang magkabilang paa nila sa mga kadenang naka baon sa konkretong sahig.