PASAHERO
BY WILLY VERANOIsa akong Taxi Driver..
Halos magdamag na ako namamasada para lamang mas malaki ang maiuwi kong pera para sa aking pamilya.
Masyado kasing mataas ang Boundary ng Taxi na ginagamit ko.Kaya kailangan ko talaga sagarin ang katawan ko para may maiuwi namam akong sapat na pera sa aking Pamilya.
At sa sobrang Dedikasyon ko sa Trabaho bilang Taxi Driver. Hindi na ako natatakot pa dumaan sa kinakatakutang Balete Drive lalo na kapag sasapit ang gabi.
Mas mahalaga kasi sa akin ang pagkain at pangangailangan ng pamilya ko kaya wala na akong oras pa para matakot pa sa mga kababalaghan.
At ngayon gabi may pumara sa aking babae sa mismong Balete Drive. Sa isip isip ko malakas ang loob ng babaeng ito dahil doon mismo sa balete siya pumara ng Taxi.
Nakakatitiyak akong hindi siya multo dahil White Lady nga ang multong nagpapakita sa Balete Drive. At sa suot niya hindi nga siya matatawag na White lady. At masasabi kong Isang pangkaraniwang tao lang din siya na tulad ko.
"Saan po Tayo Ma'am...
Tanong ko rito ng ito ay sumakay.Pero hindi ito umiimik at hinayahan ko na lang muna ito dahil kakasakay pa lamang niya..
At Patingin tingin ako sa kaniya sa aking side Mirror. Dahil sa isip isip ko baka White Lady nga talaga ang naisakay ko. Dahil sa wala itong imik at tila malungkot pa ang kaniyang mga mata. At sa Side Miror ng Taxi ko baka makumpirma ko kung multo ba siya o hindi?
At nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi nag bago ang Reflection niya sa salamin. Ganoon pa rin siya at palagay na ang isip ko na hindi talaga siya multo.
At ilang sandali pa may pumara pa na dalawang lalaki....
"Ayos lang po ba Ma'am kung magsasakay pa ako? Pasensya na po kailan ko lang po kasi kumita ng pera.."agad kong sabi sa babae.
Pero mabilis itong umiling hudyat na pagtanggi nito. Kaya nirespeto ko na lamang ang babae at nilagpasan ko ang dalawang lalake....
At nag lingunin ko muli ang babae para tanungin kung saan nga ba ang destinasyon niya?
Bigla akong na pa preno....
Dahil sa bigla na lamang nawala ang babaeng pasehero ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sandaling iyon dahil multo pala talaga ang naisakay k0?
At kinain ko ang sinabi ko na wala ng oras para ako ay matakot pa..
Dahil nangilabot pa rin ako..
At agad ko pinaandar ang kotse palayo sa kahabahan ng Balete Drive...At kinabukasan.
Laman ng balita ang isang Taxi Driver na hold up at napatay ng dalawang lalaki ng parahin nila ito sa Balete Drive..
Pero nahuli naman ang mga ito sa Checkpoint habang gamit nila ang Taxi ng kaawang awang pinaslang nilang Driver. At nang makita ko ang mga mukha ng dalawang suspek sa pahayagahan...
Nakatitiyak ako na iyon ang dalawang lalakeng isasakay ko sana sa Taxi ko..
At laking pasasalamat ko sa Multo ng Balete Drive dahil iniligtas niya pala ako sa kapahamakan...Kaya naman minsan inaalayan ko siya ng kandila at munting dasal sa Mismong Balete Drive. At umaasa na ako balang araw matagpuan na niya ang kapayapaan na hinahanap niya...
END.