NUNO SA PUNSO
AUTHOR WILLY VERANO"Pre totoo ba ang nuno sa puns0?" Tanong ni Joey kay Caloy.
"Siguro? Kasi hindi mamatay matay ang mga kwento tungkol sa nuno sa punso. Pero ako? Hindi ako naniniwala sa Nuno sa Punso." Sabi ni Caloy.
"May bigla na lang kasing umusbong na punso sa likuran ng bahay namin. wala naman iyon nuon? Pero bigla na lang parang kabute may punso na sa likuran ng bahay namin." Sabi muli ni Joey.
"Huh? Talaga? Pero sa tingin ko bahay lang iyon ng mga langgam o mga anay? Kasi nga kwento kwento lang naman ang mga nuno sa punso! Wala siyang katotohanan." Sabi ni Joey.
"Pero nakapagtataka pa rin kasi? Paano nag karoon ng nuno sa punso sa likod bahay namin? At paano kung totoo iyon? Baka manuno kami." Nag aalala sabi ni Joey
"Huwag ka mag alala sisirain ko ang punso na iyon. at kung may Nuno man talaga sa punso? sa akin siya magagalit dahil ako ang sumira ng bahay niya.'" Sabi ni Caloy.
"Nakakamangha ka naman? Hindi ka naniniwala sa Nuno sa punso? Pero dami mo alam." Pagkamangha ni Joey.
"Hahaha! Mga nasagap ko lang iyon na kaalaman halika na ituro mo na yung punso at sisiran ko na ito." Sabi ni Caloy.
At dali dali nga nilang tinungo ang punso sa likod bahay nila Joey. at handa na si Caloy na sirain ito para sa kanIyang kaibigan.
"Huwag na lang kaya? Nag aalala ako baka mapahamak ka? Paano kung may Nuno talaga?" Nag aalalang sabi ni Joey.
"Walang nuno! Langgam lang o mga anay ang nariyan! Pero kung sakaling may nuno man? Huwag ka mag alala sa akin lang siya magagalit dahil ako ang sumira ng bahay niya. Ganoon sila! Kaya relax lang." Sabi ni Caloy.
At sinimulan na ngang pagtatadyakan ni Caloy ang punso. Buong lakas niya itong pinagtatadyakan at unti unti nga niya itong natitibag.
"Panoorin mo kung paano ko wasakin it0! Walang Nuno! Kwento wala wenta lang yun!" Sabi muli ni Caloy habang pinagsisipa niya ito.
Hanggang sa bigla na lamang nanakit ang kanIyang mag kabilang binti. At sa sobrang sakit napapasigaw na lamang sa sakit si CALOY.
"AAHHH! ANG Sakit! Ang mga binti ko kumikirot! Aahhh!" Sigaw ni Caloy habang namimilipit ito sa sakit.
Nahiwagahan si Joey sa biglaan na lamang pagsakit ng magkabilang binti ni Caloy. At doon siya mas lubos na naniwala na totoo nga na may nuno sa punso.
"Ang nuno sa punso ang may gawa nito! Totoong may nuno sa punso!! Sabi ni Joey.
"Aaaahhh! Ang sakit talaga!" Sigaw muli ni Caloy.
Kaya naman agad tinawag ni Joey ang matandang albularyo sa kanilang lugar. At ng tawasin niya si Caloy na ngayon ay
hindi na makalakad matapos kumirot ng husto ang kanyang mga binti.Nakumpirma nga ng matandang albularyo na nanuno si Caloy. Nagalit ito sa pagsira ni Caloy sa Bahay niya at sa galit nito pinaralisa niya ang magkabilang binti ni Caloy AT PInamaga pa.
"May paraan pa ba? Para bawiin ng Nuno ang ginawa niya kay Caloy? Kawawa naman ang kaibigan ko." Agad na tanong ni Joey sa albularyo.
"Meron pang paraan pero depende sa ihahandog ninyong pagkain sa kaniya at kaya kong alamin ang kagustuhang handog ng nuno sa punso sa pamamagitan pa rin ng pagtatawas." Sabi ng Albularyo.
"Ganoon po ba? Kung ganoon simulan ninyo na! Para sa kaibigan ko!" Sabi ni Joey.
At agad na ngang sinimulan ng albularyo ang pagtatawas at ikinagulat niya ang kanyang nakita. Dahil ayon sa tawas hindi pagkain ang nais niya mas higit pa roon na maaring hindi nila maibigay rito.
Kaya naman nabagabag si Joey at Caloy.
"Anong sabi ng Nuno? Anong gusto niya? Para makalakad ako ulit!" Sabi ni Caloy.
"Sabihin ninyo na? Anong pagkain ipag luluto ko siya!" Sabi ni Joey.
Napalunok at napahinga ng malalim ang matandang albularyo, bago niya sabihin ang nais ng nuno na kapalit para muling makalakad si Caloy.
"Huwag kayong mabibigla pero ayon sa tawas ang nais niya ay makapanood ng Live Concert ng Momoland sa Korea at ma meet in person si Nancy!" Sabi ng matandang albularyo.
At doon gumuho ang mundo ni Joey higit lalo ni Caloy. Dahil hindi nila kaya tuparin iyon lalo na at kapos sila sa pera.
"Langhiya K. POP Fan pala siya? Patawad Caloy hindi natin Afford ang gusto ng Nuno na iyon! Bibilhan na lang kita ng Wheel Chair!""sabi ni Joey
"HINDI!!
At napasigaw na lamang si Caloy sa isang masaklap na katotohanan.
THE END.