KUYA SAN CHP 2

14 2 0
                                    

KUYA SAN
{SOUL BIG BROTHER}
{SOUL EDITION}
CHAPTER > 2

Agad silang naghanap ng matataguan, hindi na sila naghiwahiwalay pa ng sa ganoon alam nila kung nasaan ang bawat isa at hindi mapahiwalay ang isa man sa kanila.

Nag kulong sila sa basement ng bahay ni Kuya San. At naisipan muli ni Reden na patayin ang main Switch ng bahay ni Kuya San. Dahil madadaanan naman nila ang main switch sa patungo nila sa basement.

At dahil patay na nga ang mga ilaw mahihirapan silang mahanap ng taong nagbabaga dahil sa apoy ng impiyerno na patuloy sumusunog sa kanya.

Lahat sila ay nasa loob na ng basement, kung pepwede lang hindi pwede huminga ay ginagawa na nila.

Pero dahil tila buhay sila habang nasa loob ng bahay ni Kuya San. Hindi nila kakayanin ang matagal na hindi paghinga.

Sobrang dilim na ng paligid at halos hindi na nila makita ang isat isa.

Tanging mga pigil hininga ng bawat isa na lamang ang kanilang naririnig.

At dala ng katahimikan dinig nila ang bawat yabag ng taong sunog at patuloy na nagbabaga.

At pakiramdam nila nasa tapat na ito ng pintuan ng basement. Pinagpapawisan na sila ng husto sa nerbyos kasabay ng takot.

Hanggang sa mag liyab ang pintuan ng basement dahil unti unti nasusunog na ito ng hawakan nito ang Door Knob ng Nakalock na pinto ng basement.

At sa apoy na iyon lumiwanag ng bahagya ang paligid ng Basement kasabay ng pagkawasak ng pinto.

Nagawa pa rin silang mahanap nito sa kabila ng kadilimang bumalot sa bahay ni Kuya San, nagawa silang mahanap nito dahil nga sa nag sama sama sila at ang presinsiya nilang sama sama, ay madaling niyang nahagilap.

"Lahat kayo... Mararanasan ang pag durusa ko..." Malungkot na sabi nito kasabay ng pagsigaw.

At pagtungo sa kanila..

"Aaaahhhhh!

Napasigaw sila sa takot ng tunguin sila ng taong nagbabaga dulot ng apoy ng impiyerno.

Gayunpaman agad silang kumaripas ng takbo sa iisang direkyon upang hindi pa rin sila mag kahiwalay hiwalay.

Bagamat madilin medyo kabisado na nila ang bawat sulok ng Bahay ni Kuya San kaya alam nila kung saan man sila tutungo.

Magtatago sana sila sa kuwarto ngunit naisip ni Jorred na kung sa Swimming Pool sila mag kubli.

"Teka.. Sa Swimming Pool na lamang tayo mag kubli.. May kutob akong hindi siya pupunta roon.. Dahil mawawalan siya ng kakayahang tupukin tayo roon dahil na sa tubig tayo.." Suhestiyon ni Jorred.

Na agad sinang ayunan ng lahat, dahil may punto rin naman si Jorred at lumipas na ang mga ilang minuto at meron na lamang labinlimang minuto bago magtapos ang ikalimang task.

Kaya naman nag iba sila ng direksyon at patungo na sila sa swimming pool Area. Ngunit hindi nila akalain na malapit na muli sa kanila ang taong nagbabaga.

At sabik na sabik ito na sunugin silang lahat.

Kaya mas lalo na nilang binilisan ang pag takbo at agad nagsitalunan sa swimming pool. Maliban lamang sa isa sa kanila na biglang nakadama ng pangamba at alinlangan.

Dahil sa masalimuot niyang dahilan ng kamatayan. Na naalala niya ng minsang sumuong siya sa tubig ng Swimming Pool.

"Eubert.. Dalian mo tumalon ka na rito!" Sabi ni Angela.

Ngunit bahagyang umatras si Eubert at sinabi niyang..

"Hindi ko na kaya pa.... Hindi ko na kaya muling sariwain ang pagkakasala ko....
Hindi ko kaya.... Hindi ko kaya.." NAguguluhang sabi ni Eubert.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon