INTERVIEW WITH
THE CANNIBAL FAMILY
BY WILLY VERANO
CHAPTER 1My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Walong kabataang mga Vlogger ang sadyang pinuntahan ang isang masukal na kagubatan kung saan sa gitna nito ay may malaking Mansion na pag mamayari ng kilalang Cannibal Family sadyain talaga ito sa mga nais sila mainterview ng personal.
Subalit ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan at video sa kanila ng mga bisita nila roon nais kasi nilang private ang mga magaganap na interview sa kanila ng mga personalidad na magtutungo roon sa kanilang Mansion.
At ang walong kabataang ito ay sina.
Xandra, Lucila, Jade,
Kasama ang limang lalaki na sina
Emz, John, Joros, Enric, at Niko.Sa pagtungo pa lamang nila sa Gate ng Mansion agad nang kinumpiska ng dalawang Guard ang kanikanilang Gadget at pinagsasama nila ito.
"Pati ba naman Cellphone? Bad trip naman."inis na sabi Niko.
"Huwag ka na mag reklamo pa! First off all alam na naman natin ang rules rito "agad na sabi Ni Lucila.
"Pepwede naman ninyo kunin ang mga Gadget ninyo na ito pero hindi kayo makakapasok sa Mansion."sabi ng isa sa dalawang Guard.
"Hindi po... Pasensya na po sa sinabi ng kaibigan namin"agad na paghingi ng pasensya ni Jade.
"Hoy Niko! Nakakainis ka talaga! Kaming mga girls nga hindi nag rereklamo!"inis na sabi ni Xandra.
"Nasa inyo na mga Gadget namin? Baka maari na kami pumasok?"sabi naman ni Joros.
"Totoo nga kaya hindi na sila kumakain ng tao?" Biglang sambit ni Emz.
"Malamang totoo? Dahil kaya nga sila sikat kasi sila ang pamilya ng Cannibal na hindi na kumakain ng tao."sabi agad ni Emz
"At isa pa yung Ama at Lolo ng pamilyang ito ay may posisyon sa Gobyerno kahit lantaran nilang sinabi na pamilya sila ng Cannibal sa katanuyan naging daan pa nga ito na iboto sila ng mga tao"sabi ni Enric.
"Tama ka? Mga Cannibal na may malasakit sa kapakanan ng ating bansa"nakangiting sabi ni Xandra, at nagsipasok na sila sa Mansion.
At sa pagpasok nila sa Gate ng Mansion, agad silang sinalubong ng Ina sa Pamilya ng mga Cannibal.
"Kayo ba ang aming paunuhin? Ikinagagalak ko at namin ang inyong pagbisita sa aming Mansion."magiliw na sabi nito at nagpakilala nga ito sa kanila at ito nga ay si GINANG TESSIE.
"Ikinagagalak din po namin ang pag tanggap ninyo sa amin rito sa mansion."magalang na sabi ni Lucila.
At nagpapakilala na nga rin sila sa mga ito."Bago ko kayo i tour sa Loob ng Mansion at ipakilala sa mga iba pang miyembro ng pamilya. Ipapakita ko muna sa inyo ang aming napakagandang Garden. Hindi lang mga magagandang bulaklak ang naroon meron din mga sarisaring gulay na magandang isahog sa mga lulutiin nA tao."sabi ni Tessie na nakangiti pa.
'Tao..."halos sabay na sambit nila nabigla nga sila sa sinabing iyon ni Tessie. Pero bigla na lamang itong bahagyang tumawa.
At muli itong nagsalita."Hahaha! Biro lang! Hindi naman kayo mabiro huwag kayo mag alala ang henerasyon namin. ang mga Cannibal na hindi na kumakain ng tao. Ang mga Cannibal na kumain ng tao ay mga nauna pa sa amin na Henerasyon."pagpapaliwanag ni Tessie sa kanila.
Kaya naman nakahinga na sila ng maluwag sa sinabing iyon ni Tessie.
'Mahilig din po pala kayo sa Prank?" Sabi ni Joros.
"Akala ko talaga totoo na? Kinabahan ako roon huh."Sabi ni Niko.
"Ligtas kayo rito sa amin harmless kaming mga Cannibal. Kaya lang namin pinagbabawal ang mga Gadget. Ayaw kasi namin ipakalandakan ang ano mang yamang tinatamasa namin ngayon. At Maraming salamat sa mga taong naniwala sa Asawa ko at sa aking ama na kaya nila gampanan ang tungkulin nila sa bayan."masayang sabi ni Tessie.