7/ 11 - SEVEN ELEVEN
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORYMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}AKO SI FELIX....
Gabi na iyon....
At kabilugan pa ng buwan..Pasapit na ang alas onse ng gabi..
At Ang dami kong nakain mula sa handa ng binyag ng anak ng tropa ko..
Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang tiyan ko sa dami ng nakain ko ibat ibang putahe..
At dahil gabi na nga masyado..
Wala na rin masyadong nag daraang mga kotse...
Kaya napagpasyahan kong maglakad na lamang pauwi sa tahanan namin..
Pwede naman lakarin, at aabutin lang naman ako ng 30 minutes kung lalakarin ko ito kaya ayos lang..
At ayos na rin iyon para na rin mapag pawisan sa dami ng nakain ko, bawas cholesterol na rin..
Nagpatuloy ako sa paglalakad..
Hanggang sa mapadaan ako sa isang SEVEN ELEVEN CONVINIENT STORE..
Napag pasyahan kong pumasok roon nakaramdam na rin kasi ako pagka uhaw sa aking ilang minutong pag lalakad mula sa bahay ng tropa ko..
At Nakakagulat dahil kahit gabi na marami pa rin costumer sa Seven Eleven na iyon..
Sa palagay ko mga Call Center agent ito na medyo malapit sa kinatatayuan ng 7/11.
Dahil nadaanan ko rin iyon sa aking paglalakad, at malapit nga lang ito..
Agad akong nag tungo sa mga inumin at namili roon ng bibilhing inumin..
Napagpasyahan kong bumili ng isang Gatorade SAKTO energy Drink pampawi ng pagod sa aking ilang minutong paglalakad..
At agad na rin ako nag tungo sa Cashier, pero mahaba haba ang pila at nasa dulo pa ako ng pila..
Naiiniis at naiinip na ako sa kakahintay habang nakatayo sa dulo ng pila.
Sa palagay ko napaka kupad ng Babaeng kahera sa pag serve ng mga costumer.
Gayunpaman wala akong magagawa kundi ang maghintay..
Hanggang sa.....
Isang hindi inaasahang pangyayari ang ma eexperience ko sa 7/11 nang gabing iyon sa kabilugan ng buwan..
Dahil habang nasa dulo ako ng pila...
Walang ka ano ano....
Bigla na lamang nanlamig ang aking pakiramdam....
Yung lamig na nakakapangilabot...
Palinga linga ako sa paligid habang nasa dulo pa rin ng pila..
Ang weird ng pakiramdam ko sa mga sandaling iyon...
Habang ako ay nilalamig ng husto, hindi lamang dahil sa aircon ng 7/11....
Pakiramdam ko rin sa mga oras na iyon, ay tila lahat ng tao sa akin ay nakatingin..
Kaya naman pinagpapawisan na rin ako, kahit ako ay nilalamig kasabay ng aking pagkakilabot...
At hindi ko na napigilan pa, huli na ang lahat...
Dahil ganap ng Naka dungaw na ito sa aking pwetan, kasabay ng pang kalat ng mabahong amoy nito sa loob ng 7/11..
Hiyang hiya akong lumabas ng 7/11 hindi ko na binili pa ang Gatorade..
Kainis kasi bakit para sa Crew lang ang Cr ng 7/11....
THE END...