SA SUSUNOD MULI

16 1 0
                                    

SA SUSUNOD MULI
BY WILLY VERANO

Hatinggabi...
Nang maalipungatan si Henry
Habang ang asawa niyang si Aiza ay napakahimbing pa ng tulog..
Ganoon din ang kanilang anak na si Bea na pitong taon gulang lamang ay tulog din SA pagitan nilang dalawa.

At Naalipungatan nga si Henry dahil sa ingay na nadidinig niya sa labas ng kanilang bahay. Agad pa ngang napatingin si Henry sa kanilang orasan..

"12:15 am Pa lang?
Ano bang ingay iyon.."pagtataka ni Henry.

At nag pasya na ito bumangon sa kamang kinahihigagan nila. Para mag tungo sa bintana ng makita niya kung ano ang meron sa labas...

At bahagyang napaatras siya at nagulat nang makita niya sa labas ng kaniyang tahanan. Ang isang misteryosong tao na nasa harapan ng kanilang tahanan at may  hawak hawak ito na kandilang itim na may sindi.. At Sinasabayan pa niya ito ng malakas usal ng dasal na hindi maintindihan ni Henry ang lenggwahe..

Nagulat man at natakot...
Mas nangibabaw pa rin ang pagiging haligi ng kanilang tahanan ni Henry.
At lumabas nga siya ng bahay para paalisin ang taong iyon sa harapan nila..
Subalit sa pag labas niya wala na roon ang taong nasa harapan ng kanilang bahay.

"Imposible? Paanong nawala siya agad? Nakapagtataka.."pagtataka nga ni Henry dahil dinig na dinig pa niya ang dinarasal nito habang siya ay palabas ng kanilang tahanan

At gulong gulo nga ang isipan niya na muling pumasok sa bahay nila at bumalik sa kuwarto. At babalik na nga sana si Henry sa kanilang higahan..

Nang muli na namang niyang madinig ang mga usal ng dasal sa labas ng kanilang tahanan..

At agad niyang binuksan ang bintana pero sa pagkakataon na iyon pinagsisigawan nga ang taong iyon. Para ito ay umalis na Pero animoy wala itong naririnig at patuloy lang ito sa ginagawa niya..
At sa pagkakataon na iyon kumuha na nga ng itak si Henry para ipanakot rito.
Subalit nawala na naman ito sa labas ng kanilang tahanan.

'Kung sino ka man! Tatanan mo ang bahay namin!"pagtataboy ni Henry sa misteryosong tao.

Sadyang Napakatahimk ng gabi...
Para sa lahat maliban kay Henry.
Dahil animoy walang nakakarinig sa mga pagsigaw niya. At sa mga usal ng dasal ng misteryosong tao. Dahil nga sa wala man lang nagising na kahit isa sa mga kapitbahay nila sa kabila ng mga kaganapan..

"Hindi na ito nakakatuwa mukhang may kakaiba rito"pagkabahala na nga ni Henry.

Hanggang sa...
Unti unti ng nag aalab sa apoy ang loob ng kanilang tahanan.
Biglaan nga ang pagkakaroon ng sunog sa loob ng kanilabg bahay sa di ni niya malaman na dahilan.

At dali dali nga sinuong ni Henry ang nag aalab na apoy para iligtas ang kaniyang mag ina.

Takang taka na siya nangyari subalit wala ng oras pa para mag isip sa kung ano nga na ba ang nangyayari? Dahil ang kaligtasan ng kaniyang mag ina ang mas mahalaga sa kaniya sa mga sandaling iyon.

At pag dating nga niya sa kanilang kuwarto....

Ang apoy na kanina lamang tumutupok sa kanilang bahay ay bigla na lang nawala....

Pero hindi iyon ang mas ikinagulat ni Henry dahil ang mas ikanagulat niya ng mawala ang kaniyang mag ina sa kuwarto..

"Nasaan kayo! Nasaan kayo!"agad niyang hanap sa kaniyang mag ina.

At muli nga niyang binuksan ang bintana ng kuwarto nila at doon nakita niya ang kaniyang mag ina sa labas ng tahanan nila at paalis na ang mga ito kasama ng  misteryosong tao na iyon.

At sa kagustuhan nga ni Henry na agad abutan ang kaniyang mag ina. Tatalon na nga siya mula sa bintana...

Nang biglang..
Pigilan siya ng kaniyang asawa.

'Henry nananaginip ka! Ano bang nangyayari sayo? At Kailan ka pa nag sleep walk? At tatalon ka pa sa bintana..."sabi ni Aiza matapos niya pigilan ang asawa sa pagtalon sa bintana.

"Panaginip lang pala....
Buti naman panaginip lang.."sambit ni Henry at napayakap pa nga ito sa kaniyang asawa habang nakatingin sa anak nilang mahimbing pa ang tulog..

At sa muli nilang pag sara ng bintana..
Isang misteryosong tao nga ang nakatanaw sa tahanan nila habang hawak ang kandilang may sindi kasabay ng kaniyang ngiti at sinabi nitong.

"Sa susunod muling Hatinggabi...

End

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon