MERMAID
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Jimuel...
Ay nagising na lamang sa isang isla sa malawak na karagatan. Nagising siya sa tabing dagat ng isla.
Tila wala pa siyang naalala sa mga naganap, bago siya mapunta sa islang iyon sa gitna ng malawak na karagatan.
Agad nadama ni Jimuel, ang sugat niya sa ulo at napahawak siya rito.
----------
"Te....Teka ano bang nangyari? Bakit ako narito?" Tanong sa sarili ni Jimuel.
At pilit niya inaalala ang mga pangyayari.
Hanggang sa may nakita siyang palutang lutang na mga kagamitan sa tabing dagat.
"Mga kagamitan?"sambit ni Jimuel.
At bigla itong napatayo ng maalala na niya ang lahat.
"Tama.. Medyo naalala ko na ang lahat? Pero hindi pa rin ako kapanipaniwala? Mga Sirenang nagpatumba sa Yate namin? Mga sirena ba talaga? O dala lamang imahinasyon?" Sabi ni Jimuel na hindi pa rin lubos mapaniwalaan ang mga Sirena.
"Imposible... Hindi sila totoo."paulit ulit na sabi ni Jimuel sa sarili.
At nagpasya siya mag lakad lakad nagbabakasali na may iba pang survivor.
"Mga kasama! Sumagot naman kayo! Kung narito rin kayo!" Tawag ni Jimuel.
Pero..
Halos mapaos na siya sa kakatawag, walang tugon siyang nakamit.
Kaya nasandal na lamang si Jimuel, sa puno ng niyog.
"Mukha ako lang ang nakaligtas sa aming lahat. Malaking problema ito paano nila ako ma rerescue? Sira na ang Cp ko walang kahit anong gamit para makahingi ng saklolo."sabi ni Jimuel na nawawalan ng pag asa.
-----------
Nang biglang..
Sa di kalayuan..
Nakakita siya ng isang magandang dilag na walang suot na pang itaas sa gitna ng karagatan.
Halos natatakpan lamang ng bahagya ng mahaba nitong buhok, ang kaniyang Dibdib.
"Miss! Anong pangalan mo! Taga dito ka ba sa isla?" Agad na tanong ni Jimuel, habang palapit siya rito.
---------
Ngunit.
Agad itong lumayo...
Lumangoy ito ng mabilis palayo sa kaniya
"Hindi...
Sambit na lamang ni Jimuel, ng makita niya ang kalahati nitong katawan na Isang buntot ng isda.
"Sirena.. Isang Sirena."hindi makapaniwalang sabi ni Jimuel.
Ngayon nga ay kita na mismo ng dalawang mata ni Jimuel, ang isang Sirena na agad lumangoy palayo sa kaniya.
Magka ganun man..
Kahit may nakita siya isang hindi inaasahang nilalang.
Hindi na iyon gaano naging importante sa kaniya.Ang mahalaga lamang kay Jimuel, sa mga sandaling iyon ay ang makaalis sa isla na iyon At makabalik sa siyudad.
-----------
Kaya lamang..
Nasa gitna nga siya ng malawak na karagatan. At kung gagawa man siya ng balsa batid niya hindi ito uubra sa mga hampas ng alon sa karagatan.