DEMON SLAYER CHP 2

18 1 0
                                    

DEMON SLAYER
BY WILLY VERANO
CHAPTER 2

[ STORY INSPIRED BY ANIME DEMON SLAYER ]

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Kinabukasan.

Nag patuloy sa pagsasansay si HIYOSHI.
Si IMONORASHI lamang ang kasama niya sa pagsasanay.

Dahil kasalukuyang nagpapagaling pa si Khiba at Ikazaki.

"Napakahina ko pa, kahit hindi na ako naapektuhan ng kapangyarihan ng Demon na yun hindi ko pa rin siya nagawang talunin."sabi ni Hiyoshi na tila minamaliit ang sarili.

"Ginawa mo ang lahat dahil sayo nagawang paslangin ni Ikazaki ang Demon na si Rikushi, at kahit paano nabawasan ng malakas na tauhan si Muzaki at dahil iyon sayo."sabi ni IMONORASHI

"Gusto ko maging malakas! Napalakas! Para magawa kong protektahan ang lahat! Ayaw ko ng maduwag gusto kong lumakas."sabi ni Hiyoshi.

At mabilisan niyang kinain ang mga bawang at Sibuyas na nag papabaho ng hininga niya.

Dinagdagan pa niya ito dahil desidido na talaga siya.

---------------

"Ganiyan nga nakikita kong matindi mong determinasyon."sabi ni IMONORASHI.

May gamit ng Face Mask si Hiyoshi, para naman nakakalapit siya sa mga kasamahan niya ng hindi na iniisip ang napaka baho niyang hininga.

----------

At sa mga lumipas mga araw..

Humuhusay na rin si Hiyoshi sa larangan ng katana

Na ikinatutuwa naman ni IkazakI, at ng pinuno nilang si Rui.

"Ginagawa niya ang lahat! Kaya dapat huwag din kayo tumigil sa pag sasanay! Lalaban tayo kasama si Hiyoshi!" Sabi ni  Rui sa mga Iba pang DEMON SLAYERS

MAGALING na si Khiba at Ikazaki ng mga sandaling iyon.

Kaya may improvement din kay Khiba, sa pag gamit niya ng Katana.

"Humuhusay ka na rin Khiba! Magaling."sabi ni Ikazaki.

"Talaga? Mabuti naman at may pinatutunguhan ang pag sasanay ko kasabay ni Hiyoshi."sabi ni Khiba.

Samantala.

Nasa bintana lamang si Yuno, nakatanaw lamang ito sa kanila.

"Babalik pa kaya ako sa dati? Na mimiss ko na ang mag lakad lakad sa napakagandang liwanag ng araw."lumuluhang sabi ni Yuno.

At sa mga lumipas mga araw....

Isang kaguluhan ang nagaganap sa isang lugar na hindi kalayuan sa Demon Slayer Society.

Ito ay ipinamalita sa kanila ng mga kanilang alagang uwak na gumagala sa ibat ibang lugar, para mag bigay ng impormasyon kung saan gumagawa ng kaguluhan ang mga Demon.

--------------

"Humanda ang lahat pupuntahan natin ang lugar na tinutukoy ng mga uwak!"sabi ni Imonorashi.

"Hiyoshi ihanda mo na ang sarili mo mapapalaban ulit tayo."sabi ni IKAZAKI.

"Sasama din ako."sabi ni Khiba

"Ako din.."sabi ni Yuno.

Agad naman nangamba ang ibang mga Demon Slayer.

Dahil baka kapag nag BLOOD ART DEMON BERSERK si Yuno.
Ay maging dagdag pa ito sa problema.

"Mag tiwala tayo kay Yuno sa pagkakataon na ito kay Yuno, naniniwala ako na hindi siya magiging problema."sabi ni Hiyoshi.

"Para lang sa kaalalam ninyo nag sasanay din si Yuno, kontrolin ang emosyon niya kapag na sa Berserk mode siya, at hindi na niya ako sinasaktan! Tinataya ko ang buhay ko para sa pag sasanay ng kapatid ko kaya sana pagkatiwalaan ninyo siya."Sabi ni Khiba.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon