KUYA SAN CHP 1

34 1 0
                                    

KUYA SAN
{SOUL BIG BROTHER}
{SOUL EDITION}
CHAPTER > 1
AUTHOR WILLY VERANO

Sino sino sa mga kaluluwang papasok sa Bahay ni Kuya San ang mabibigyan ng pagkakataon muling mabuhay?

Subaybayan ang kwento ng walong kaluluwang bibigyan pagkakataon muling mabuhay sa bahay ni Kuya San..

Ang walong mga kaluluwang mabibigyan ng pagkakataon mabuhay muli ay pawang mga makasalan at mga kinitil ang sariling mga buhay o mga taong hindi marunong magpatawad sa kapwa at ito ay sina..

Trixie, Stella, Eubert, Rainier, Aubrey, Angela, Reden, at Jorred...

Sa kanilang pagkamatay ang kanilang mga kaluluwa ay napunta sa bahay ni Kuya San.

Dahil silang walo ang napili upang mabigyan ng pagkakataon muling mabuhay sa panibagong buhay..

Ngunit hindi lahat ay mabibigyan ng panibagong buhay ang mga mapapalad lamang ang siyang muling pagkakaloobam ng panibagong buhay.

At ang mabibigo ay ilalagay sa dapat kalagyan ng kanilang kaluluwa sa impyernong nag hahatid ng walang hanggang pasakit at paghihirap sa mga kaluluwang hindi pinahihintulutan sa kalangitan..

At sa kanilang pag mulat sa bahay ni Kuya San, lahat sila ay may bahid ng pagtataka pero wala silang kamalay malay na sila ay pawang mga kaluluwa na lamang.

Dahil sa bahay ni Kuya San. Kahit na kaluluwa na lamang sila ang pakiramdam nila ay tulad lamang ng mga taong namumuhay sa mundo ng mga buhay.

Kaya ang mga Task na gagawin nila ay maaari pa rin maging kumplikado sa kanila dahil habang naroon sila sa loo ng bahay ni Kuya San sila ay tila mga pangkaraniwang tao lamang na mga..
Natatawa, nasasaktan, Umiiyak, nagagalit, nalulungkot, nilalamig at iba pa..

At lahat sila ay napatingin sa paligid na tila may hinahanap ng may marinig silang isang boses, na hindi nila nakikita nguniy kanilang naririnig at sinabi nitong...

"Welcome sa bahay ko, at ako si Kuya San....." Sabi ng isang boses na animoy nananahan sa kanilang Tenga dahil hindi naman nila ito nakikita..

At sa boses na iyon agad silang nabahala..
"Sino ka! Bakit hindi ka namin makita!" Agad na sabi ni Jorred 21 Years Old.

"Anung kalokohan ito? Bahay ni Kuya? Parang Pinoy Big Brother?" Pag tataka ni Eubert 19 Years Old.

"Kung sino ka man? Mag pakita ka!" Sabi naman ni Rainier. 16 Years old.

Pero kapansin pansin na walang Mga Cctv o kahit anong camera o speaker sa paligid kaya hindi nila alam kung saan nag mumula ang boses na iyon.

At ang bahay ni Kuya San ay walang itaas na bahagi pero may kalakihan naman ito ngunit iisa lamang ang kuwarto ang meron ito.

Meron itong kusina, Salah at Cr tulad ng mga pang karaniwang meron ang mga tahanan upang mas madama nilang sila ay mga buhay pa.

Ginalugad na rin nila ang kabuuhan ng bahay at wala talaga silang nakikitang Speaker o mga Camera na sadyang nakapagtataka talaga kung saan nanggagaling ang boses na naririnig nila At muli na naman nag salita si Kuya San..

"Kinakausap ko lamang kayo sa inyong mga isipan kaya hindi ninyo ako makikita madidinig ninyo lamang ak0." Sabi muli ni Kuya San.

"Stop This Crazy Thing! Aalis na ako!" Agad na sabi ni Trixie 18 Years old at binuksan niya ang pinto palabas sa bahay na iyon.

Ngunit ikinagulat nila ng makita nila ang labas ng bahay ni Kuya San. Dahil nabatid na nilang nasa Gitna pala sila ng dagat dagatang apoy,

At ang bahay ni Kuya San ay lumulutang lamang sa ibabaw ng dagat dagatang apoy ng impiyerno, ngunit hindi ito nasusunog sa dagat dagatang apoy at dahil nga roon agad isinara ni Trixie ang pinto.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon