KASABAY NA PASAHERO

13 1 0
                                    

KASABAY NA PASAHERO
BY WILLY VERANO

Gabi na nang nag pasya na akong umuwi galing sa kaarawan ng kaibigan ko.
Ihahatid sana nila ako sa sakayan kung saan may dumaran na Tricycle. Pero tumanggi na ako dahil kayo ko naman at malapit lamang ang sakayan.

11:00 pm na ng gabi ng mga sandaling iyon habang naghihintay ng Tricyle na masasakyan patungo sa Terminal ng Bus.

Nang mapansin ko ang bilog na buwan..

"Heto ang ayaw ko yung bilog na bilog ang buwan? Tapos mag isa lang ako.. Sana na lang pala nagpasama na lang ako.'panghihinayang ko dahil ngayon kinakilabutan na ako roon habang mag isang naghihintay sa sakayan kung saan may dumaraang mga Tricycle.

At ilang sandali pa..
May dumaan na nga Tricycle at wala nga itong pasahero agad ako hinintuhan ng Tricycle at sasakay na sana ako sa loob ng Tricycle. Pero papasok pa lamang ako agad akong pinahinto ng driver at sabi nitong.

"Miss dito ka na lamang sa likuran ko sumakay ayaw niya kasi ng may katabi."sabi ng lalake sa akin.

"Huh?" Pagtataka ko dahil sa wala namang tao sa loob ng tricycle niya pero seryoso ang mukha ng lalake.

"Miss sige na dito ka na lang sa likuran ko sumakay dahil ayaw niya ng may katabi 'muling sabi ng lalake.

Takot man at naguguluhan..
Sumakay na ako sa likuran ng driver ng Tricycle. Dahil hindi ko na rin kaya mag isa pa roon at maghintay pa sa pag dating muli ng isa pang Tricycle...

"Sa terminal lang po kuya."sabi ko agad sa Driver.

"Sige..
Pero idadaan ko muna itong isa kong pasahero sa destinasyon niya madadaanan lang din naman iyon papuntang Terminal."tugon ng lalake.

At napatanong ako sa sarili ko.

"Mukhang may paseherong multo talaga akong kasabay? Mukhang hindi naman ito Prank?"takot kong sabi sa isipan ko.

At dahan dahan ko nga sinisilip ang side mirror sa kanan na nakatapat sa loob ng Tricycle. Dahil baka sa salamin makita ko ang multong pasahero.Kaya kahit binabalot na ako ng takot tinignan ko ang side mirror pero wala naman akong nakitang multo..

"Kuya... Sabihin mo nga may multo ba talaga akong kasabay?"takot kong sabi kasabay ng pagtatanong ko sa driver.

"Oo...."agad na tugon ng Driver.

Kaya sa puntong iyon.
Kasabay ng kumpirmasyon ng driver
Mas nanghilakbot ako at mas lalong natakot. .

At napapikit na lamang ako habang patuloy sa pag andar ang Tricycle.

Hanggang sa.

Naramdaman ko na lang na huminto ang Tricycle at buong akala ko ay nasa Terminal na kami ng bus...

Pero sa pagmulat ko ng mata laking gulat ko na nasa kalsada kami kung saan nasa gilid lang namin ang isang sementeryo.
Sa labis na takot ko halos wala ng salitang lumalabas sa akin tanging pagkatakot na lamang kasabay ng aking pagpapawis kahit malamig naman ng mga sandaling iyon.

"Bumaba na siya.."
Pero may sinabi siya sayo."sabi ng Driver sa akin.

"Huh? Ano?"takot kong tanong.

"Ikaw na daw magbayad ng pamasahe niya. Kaya ikaw ang sisingilin ko miss."sabi ng Driver sa Akin.

"Lang hiya! Ako pa pinag bayad ng multo! Pambihira naman..."inis ko na lamang na sabi.

At napalitan na nga lang ng pagkainis ang takot ko sa multong pasahero. Dahil sa ayaw pumayag ng driver na hindi ko bayaran ang pamasahe ng pasero niyang multo.

End.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon