KAPAG TUMIGIN KA AKIN KA

13 1 0
                                    

KAPAG TUMINGIN KA? AKIN KA!
AUTHOR WILLY VERANO

SI Cleo ay minsan nagpunta sa Art Gallery para lamang tumingin ng ibat ibang art ng ibat ibang mahuhusay na artist. Gawain niya talaga ito kahit hindi naman siya mahusay sa Art. Nalilibang lang talaga siya tumingin ng ibat ibang art. At na go good vibes siya at nahihiwagahan sa mga ibig sabihin ng bawat art na nakikita niya.

Ngunit isang Painting ang nakaagaw pansin sa kaniya isang painting na natatakpan ng Tela. Tila isang painting na hindi pwedeng tignan?

"Bakit nakatakip ito ng tela? Pambihira painting na hindi  pwede makita? Ayoko na talaga sa Earth!" Sabi ni Cleo.

At nilagpasan na lamang niya ito kakaunti lamang ang tao sa Art Gallery na iyon dahil sa Monday iyon at karamihan sa mga tao ay nasa trabaho o eskwelahan.

Tumingin tingin na lamang si Cleo ng ibang mga painting na naroroon. At sa paglilibot niya sa Art Gallery nakita na niya lahat ng Painting ng ibat ibang artist maliban na lamang sa Painting na natatakpan ng Tela.

At ng pabalik na siya muli niya itong nadaanan at muli niya itong pinagmasdam at doon niya napansin may nakasulat sa ibaba ng painting na natatakpan ng Tela tungkol sa painting na iyon.

At ang nakasulat rito na isa itong Painting o Obra ng isang Babaeng Millenial na bigo sa pag ibig. At imbis na Study First Ehh.. Love First mo na ang inatupag. At sa kahahanap niya ng Love Life para lang siyang umaasa sa wala dahil walang nagtatangkang manligaw sa kaniya. Kaya sa sobrang Depress ng babaeng ito.

Pinasya niyang magpakamatay pero bago siya magpakamatay ipininta niya ang Mukha niya gamit mismo ng kaniyang larawan. Upang gawing Obra at sinulat niya ang katagang....

"Kapag tumingin ka? Akin ka!!"

At ayon sa kwento lahat ng tumitingin sa kaniyang Obra na siya mismo ang nakaguhit ay naglalaho dahil magiging pag mamay ari na siya nito. Mapababae man o lalake ay naglalaho na parang bula at ang unang naging biktima nito ay mismong pamilya niya.

------------

"Kalokohan? Larawang nangunguha? At may sumpa? Sa pelikula lang ito nangyayari." Sabi ni Cleo na may pagkainis.

Kaya naman pinasya niyang tanggalin ang Telang nakatakip rito. Upang tignan ang painting ng isang Milenial Na babaeng nag Suicide matapos iguhit ang sarili gamit ang sarili niyang Larawan.

At sa pagtanggal niya ng Tela nito bahagya siyang napaatras at natawa dahil puno ng Tigidig ang mukha nito at ang kapal pa ng Kilay at ang ilong nito animoy nasagasaan ng Pison.

"Hahaha! Lol! Kaya pala Walang Love Life anong mukha yan! STONE AGE! Hahaha!" At Napatawa ng malakas si Cleo.

Ng biglang may maramdaman siya sa kaniyang Likuran..

Biglaan ito at hindi niya talaga inaasahan dahil kanina lamang siya lang ang tao sa dakong iyon ng Art Gallery. At sa paglingon niya nakita niya mismo ang Nasa Larawan sa painting na iyon at sinabi nitong...

"Akin ka!" Sabi nito..

"Aahhhhhhh! Ang Pangit!" Sigaw ni Cleo.

At agad siya nagtatakbo palabas ng Art Gallery ngunit sa paglabas niya ng pinto ng Art Gallery bumalik lamang siya muli sa Mismong Loob ng Art Gallery at nakita niya muli ito at muli siyang napasigaw.

"Aaahhhhh! Ang pangit!" Sigaw muli ni Cleo.

At tumakbo ulit siya ngunit paulit ulit lang ang nangyayari pababalik lamang siya sa kaniyang pinanggalingan.

"Akin ka.. . Akin ka!" Sabi muli nito...

"Aaahhhh! ANG pangit mo talaga!" Sigaw muli ni Cleo.

"HuWag nang choosy hindi ka naman Yummy! At Jutay ka rin naman!" Inis na sabi ng Multo ng Painting dahil sa paulit ulit na sabi nitong pangit siya.

"Aaahhhhhh! Bakit alam mo! Waahhhh!!" Gulat na sabi ni Cleo.

At wala na nga siyang nagawa pa inangkin na siya nito sa mundo Ng larawan niyang Pinalooban ng Sumpa. Nakulong na rin roon si Cleo kasama ng iba pang mga biktima...

Pero in The End natakot lang talaga si Cleo dahil sa kapangitan nito.

END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon