JOYRIDE
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Kwento ito ng anim na magkakaibigan na sina, Jet, Borge, Rex, Chris, Diane at si Charlie na boy Friend ni Diane.
Nagkayayaan ang magkakaibigan na mag outing sa isang probinsiya bilang bonding na rin nila.
Dahil medyo b.c nasa sila sa kanikanilang work.
Kaya nung nag week end at nasabayan pa ng holiday nag decide sila na mag outing sa isang resort sa isang malayong probinsya.
Dahil wala ng mas sasarap at gaganda sa mga beach ng probinsya.
Kinaumagahan nag simula na sila bumiyahe.Hindi na sila nahirapan sa service dahil may sariling kotse si Borge, second hand nga lang at tatlong buwan pa lang sa kaniya ito mula lang nabili niya ito sa isang kakilala.
Gabi na sila ng makarating sa resort kaya napagpasyahan na lang nilang magpahinga muna.
At isang kuwarto lang ang ni rentahan nila dahil ilang araw din sila mamamalagi sa resort para makatipid na rin.
Sulit naman ang narentahan nilang cottege dahil sakto lang ito sa kanilang anim.
Kinaumagahan nag libot na sila sa resort nag swimming ng walang humpay. Ganito ang routin nila sa nagdaang tatlong araw at sa huling araw nila naisipan ni Borge na mag joyride sila sa probinsyang iyon.
Ngunit tumutol si Charlie dahil bigla siyang kinutuban na may mangyayaring masama sa gagawin nilang joyride.
Ngunit kahit anong tutol niya pinagtawanan lang siya ng mga ito.
At nasunod pa rin ang gusto ni Borge, at dahil pati ang girlfreind ni Charlie ay sang ayon din sa joyride at sumama na rin siya.
At yun na nga ang nangyari nag joyride ang mag babarkada na yon sa probinsyang kanilang puntahan sinimulan nila ng umaga..
Nag da drive lang si Borge na tila walang walang katapusan.
"Iba talaga ang mag joyride sa Probinsya!! less traffic!!!"sigaw ni Borge habang nag da drive at ang iba ay ganon panay hiyawan at sigawan.
Maliban kay Charlie na kinukutuban pa rin ng masama sa hindi niya malamang niyang dahilan sa joyride na iyon.
Pero hindi naman niya hahayaan na hindi samahan si Diane, dahil baka ito ay magtampo sa kaniya.
Malayo layo layo na rin ang narating ng Joy ride nilang magbabarkada at tila ba narating na nila ang kaduluduluhan ng probinsyang iyon.
Kung kanina may pailan ilan pa silang nakakasulubong na kotse pero ngayon ni isa ay wala na..
"Bumalik na kaya tayo Borge? malayo layo na rin itong narating natin baka abutin pa tayo ng gabi?" sabi ni Charlie.
""Ano ka ba pre! magtatanghali palang? puputulin mo na agad ang joy ride natin nandito tayo para magsaya"" tugon ni Borge na ayaw pa pipigil.
Sinang ayunan naman ng iba niyang kaibigan at ng Girlfriend ni Charlie ang sinabi ni Borge.
Kaya tuloy pa rin ang Joyride nilang magkakabarkada.
Hanggang sa tumirik ang sasakyan ni Borge
""Badtrip naman bakit ngayon pa nangyari ito?" agad naman nagbabaan ang magkakabarkada sa kotse.
"Borge dalian mo ayusin mo na ang makena!" Sabi ni Jet.
Napakamot ng ulo si Borge.
"Mga tol ang totoo niyan? Wala akong alam sa pag aayos ng makena alam ko lang mag drive."sabi ni Borge