POKEMON
{Gonna Kill Them all!}
Author Willy VeranoMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
"Tulong! Tulong!" Sigaw ng isang lalaking galing sa kabundukan puno ng bahid ng dugo ang kasuotan nito at putol pa ang kanang kamay.
'"Tulungan ninyo ako! Ang kanang kamay ko pinutol ng isang pokemon!" Sabi muli nito sa mga tao sa labas ng kabundukan.
At tulad ng inaasahan pinagtaka ito ng mga tao sa isang baryo sa labas ng kabundukan. Lalo at sabihin niyang isang pokemon ang may kagagawan ng pagkaputol ng kanang kamay niya?
Isang hindi kapani paniwalang bagay."Maghulos dili ka! Ilang taon ka na ba? At nasabi mong pokemon ang may gawa niyan? Sa pagkakaalam ko at sa pagkakaalam ng Lahat! Isang Storya lamang itong Anime na gawa ng Japan! Paanong pokemon ang may gawa niyan! Baliw ka na ba!" Sabi ni Bryan na nasa 20 plus ang Edad.
"Magka edaran lamang tayo! At kapag nakita mo ang gumawa sa akin nito manimiwala kang pokemon talaga siya! Isa siyang Mantis Pokemon! At sa pagkakaala ko Scyther ang pangalan niya! Totoo ang sinasabi ko! Hindi ko ito gawa gawa lamang! Totoo ang Pokemon! Totoo sila at papatayin nila tayo!" Sabi muli ng lalaking ito.
"Nababaliw ka na dahil sa kalagayan mong yan! Tara na dadalhin ka na lang namin sa pagamutan.'' Sabi ni Bryan sa lakaking iyon.
Nang biglang....
Nakakita sila ng isang lumilipad na Berde ang kulay na patungo sa kanila, at mabilis nitong hiniwa ang ulo ng lalaking iyon.
Ang bilis ng pagkilos nito may iba pang mga taga Baryo, na pinugutan niyang ng mga ulo! kaya naman nangilabot ang lahat at nagsipagtago sa kanikanilang bahay.
At matapos nitong pumaslang saglit itong huminto sa harap ni Bryan. At nakita niya ito mismo ng kaniyang dalawang mata.
Kulay ang Berde ang Kulay nito at may dalawang mahabang Blade na nag mimistulan niyang kamay. At ang kurba ng blade niya ay halintulad sa isang Mantism"Isa ka ngang Pokemon at ikaw si Scyther." Nasabi na lamang ni Bryan at sa takot niya hindi na siya nakakilos pa.
At umalis na nga ang Pokemon na si Scyther at bumalik na sa kagubatan, matapos niyang pumaslang ng mga tao ng pugutan niya ng mga ulo ito.
"Hindi ako makapaniwala totoo sila? Totoong may Pokemon at mapanganib sila.." Nasabi na lamang ni Bryan habang pinagmamasdan ang pinugot na ulo ni Scyther..
Ang mga karumaldumal na pangyayari sa Baryong iyon, ay agad ipinabatid ng mga ng mga taong natirang buhay sa baryo sa kinauukulan.
Sinabi nila sa kinauukulan sa siyudad na isang pokemon ang may kagagawan ng pamamaslang na iyon. Pokemon na nag ngangalang Scyther.
Si Bryan ang mismong nanguna sa mga ito para ipatid ang tunay na kaganapan sa baryo.
Ngunit tulad ng iniasahan ni Bryan, hindi sila pininawalaan ng mga ito, bagkus pinagtawan pala sila ng mga kapulisan. Dahil hindi naman kapanipaniwalang isang Pokemon ang may kagagawan ng pagpaslang.
Isang katotohanan na hindi kapanipaniwala walang sino man ang nakapag Camera sa Pokemon na Si Scyther, dahil na rin sa takot nila ng mga sandali na iyon at hindi na nila nagawa ito.
"Mas maniniwala pa kami, na may rebeldeng sumalakay sa inyo at pinaslang ang mga tao sa baryo. Ano bang mga nakain ninyo? O baka naman naka drugs kayo? Kaya ganiyan kayo mag isip? Mga pokemon? Hahaha! Nag mumukha lang kayong katawa tawa sa mga pinagsasabi ninyo.'" Sabi ng Hepe ng pulis sa Siyudad.
"Totoo ang sinasabi namin,isang pokemon talaga ang may kagagawan, nakakatawa isipin sa mga hindi naniniwala. Kagaya ko ng hindi ko pa ito nakikita! Pero kanina! At kaming lahat na naririto na nag punta sa bayan! Kitang kita namin isang pokemon ang pumaslang sa kanila! Mabilis niyang pinugot ang mga ulo nila!" Giit muli ni Bryan.