LAGUSAN NI NENENG
BY WILLY VERANO{DAISUKEANGEL0691}
Sa isang probinsiya...
May isang munting baryo payapa naman roon at ang mga tao ay mag kakasundo.
Si Neneng na may tunay na pangalan na IMELDA ay lumaki at nag kaisip sa baryo na iyon.
Ulilang lubos na ito namatay ang kaniyang mga magulang sa edad niyang sampong taon gulang pa lamang..
Gayunpaman..
Kinukupkup naman siya ng tiyahin niya sa baryo na iyon.
At sa kasalukuyan nasa 18 years old na siya.
Sa ganda ng kutis ni Neneng, at sa ganda rin ng kaniyang mukha maraming mga kalalakihan ang nanliligaw sa kaniya.
--------------
Pero..
Wala naman siya napupusuan sa mga ito, dahil kung siya ang papipiliin gusto niya yung lalaking kayang baguhin ang estado ng buhay niya.
Ayaw na niya kasi pang mag saka ng kanilang mga pananim.
Gusto niya ng maginhawang buhay, kaya kung mag aasawa siya ng taga baryo rin walang mag babago sa buhay niya.
At baka mas mag hirap pa siya yun ang sa pananaw ni Neneng.
Kaya madalas tinataguan ni Neneng ang kaniyang mga manliligaw na madalas siyang kulitin.
Sinasadya pa niya ang loob ng kagubatan mataguan lang ang mga ito.
-----------
At doon nakakita siya ng tagong lagusan, na natatakpan ng matatayog na damuhan.
Isa itong maliit na lagusan na kailangan mo pang yumuko para makapasok.
Pero sa pagpasok niya sa lagusan na iyon na animoy kweba?
Isang bagong komunidad ang kaniyang nadatnan.
---------------
"Anong lugar ito? Paano nagkaroon ng tila bayan sa dulo ng lagusan?" Pagtataka ni Neneng.
Gayunpaman..
Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad para mAs alamin pa kung ano nga ba ang meron sa dulo ng lagusan.
At sa kaniyang pag lalakad wala naman gaanong pagkakaiba.
Halos katulad lamang ito ng mga pangkaraniwang baryo.
Ang ipinagtataka lamang ni Neneng kung bakit may bayan sa loob ng lagusan?
At sa pagpapatuloy ni Neneng..
Nakakita na siya ng iilang mga tao na abala sa kani kanilang gawain."Nakakapagtaka talaga? Pero halos normal lang naman ang lahat sana naman may makilala ako rito na lalaking mag aangat sa buhay ko"Sabi ni habang patuloy sa pag lalakad.
Sa pagpapatuloy ni Neneng.
Pinagmasdan niya ang mga taong abala sa kanikanilang gawain.May naglalaba, nagwawalis, nag iigib, may mga ilang nagluluto din sa labas ng bahay dahil di uling ang gamit nila para di mapuno ng usok ang loob ng bahay.
"Wala ngang pinagkaiba? Parehas lang nakakapag taka lang talaga na nasa dulo sila ng lagusan na iyon? Alam kaya ito ng iba sa amin?" Mga tanong sa isipan ni Neneng.
Hanggang sa..
May mga batang nag hahabulan at akisidenteng nabunggo nila si Neneng.
"Ayos lang mga bata wala iyon."nakangiting sabi ni Neneng, dahil napatingin sa kaniya ang mga bata.