WHO'S IN?
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC : DAISUKEANGEL0691
MY YOU TUBE CHANNEL :
KANTOKUTAN HORROR STORYSi Migs at ang kaniyang mga kaibigan ay nagpasyang rentahan ang isang haunted house sa bulubundukin. Para sa kanilang Halloween Party.
Ito ay bagong pakana sa internet na ginagawang parentahan ang mga Haunted house na nabibili ng ilang mga negosyante. Dahil malaki ang kita lalo na pag sasapit ang november at may mga Producer din na nirerentahan ang mga Haunted House Just By Shooting Scene oF movie.At sa kanilang napiling Nirentahang Haunted House magaganap ang Tunay na Kababalaghan na hindi nila inaasahan.
Ang Haunted house na ito ay nakatayo na mula nung Eigthien Hundreds pa.. at Talagang nakakakilabot ang labas at loob ng Haunted House na iyon. Na matatawag na rin na mansion. May tatlong palapag ito at may kalakihan. Hindi ito talagang nililinis kitang kita naman sa mga alikabok at mga sapot ng gagamba na naroroon.
"Guys, nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Migs sa mga kasamahan.
"Ilan ba tayo lahat rito?" Tanong ni Troy.
"Seryoso hindi mo alam kung ilan tayo? Isang dosena lang naman tayo." Sabi ni Alvie.
"Naroon pa ang iba ang iba sa sasakyan hinahakot pa ang mga kagamitan natin." Sabi ni Glenda.
"Ang Creepy nga rito! Ang tanong may multo naman kaya?" Sabi ni Dino.
"Walang multo! Pinaglololoko ninyo lang ang sarili ninyo." Sabi naman ni Bridget.
"May multo kaya! wala lang tayong kakayahan makita sila dahil hindi tayo binayayaan ng kakayahan makakita ng mga kaluluwa." Sabi ni Migs.
"I hate that power i never wish makakita ng multo! Nakakatakot iyon kumpara sa mga haunted house. But whatever? Hindi naman talaga sila totoo." Sabi ni Bridget.
"Hindi raw naniniwala? Pero takot makakita ng multo? Mga babae talaga ang gulo ng mga kaisipan.'" Sabi ni Dino.
Ilang sandali pA nakapasok na rin sa Haunted house ang ilan pa nilang kaibigan bitbit ang kanikanilang kagamitan at iba pang mga pang halloween party.
Ito ay sina Jackie, Sammy, Loyd,Claire, Nathan at Eugene.
"Simulan na natin mag sabit ng mga Decoration! Sulitin natin ang gabi! Mahal kaya renta natin rito Jusy For 3 nights." Sabi ni Eugene.
"Huwag ka na manghinayang nag ambagan naman tayong lahat para rito. at isa pa ok itong napilin nating haunted house. Para na nga itong haunted mansion marumi nga lang ang daming alikabok." Sabi ni Jackie.
"Halos lahat ng Haunted House or Haunted Mansion madumi! At magulo para may dagdag takot Factor at kaya nga haunted abandano na kasi." Sabi ni Claire.
Pero si Loyd, Nathan at Sammy ay biglang nagtakbuhan patungo sa pangatlong palapag..
"Ang mauna! Hindi tutulong sa pag aayos ng Decoration!" Sabi ni Sammy sabay karapas ng takbo.
"Ganoon pala? Hindi ako papahuli!" Sabi ni Nathan.
"Ako ang Mauuna!" Sabi ni Loyd.
Sabi pa nila bago kumaripas ng takbo patungo sa pangatlong palapag.
"Kahit kailan talaga mga pasaway ang tatlong iyon." Sabi na lamang ni Migs.
Sa pagkaripas ng takbo nila. Sammy ,Loyd, at Nathan agad nilang narating ang pangatlong palapag.
"Ako ang nauna!" Sabi ni Sammy.
"Madaya ka naman! Bigla ka na lang tumakbo dapat sabay sabay!" Sabi ni Loyd.