NIGHT STALKER

18 0 0
                                    

NIGHT STALKER
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Gabi na iyon..

Nang bumaba sa Jeep si Marlon patungo sa baranggay kung siya residente rito..

Pinag pasyahan niya na lakarin na lamang ang daan patungo sa inuupuahan niyang bahay.

Tahimik na ang paligid..
Hating gabi na rin kasi
Marami ng tulog na mga tao..

May nakikita na lang siyang mga Tanod na romoronda para sa mga kabataang tumatambay pa sa dis oras ng gabi..

---------

"Ohh, madalas ka ng napapagabi huh?" Sabi ng isa sa mga tanod na nakasalubong niya.

"Ahh, oo nga may pinagtataguan lang kasi ako.'Pabirong sabi ni Marlon.

"Aahh, ganon ba? Hahaha! sige ingat sa pag uwi roronda pa kami banda doon."Sabi muli ng tanod.

At umalis na ang mga ito.

----------

Nag patuloy si Marlon sa paglalakad patungo sa inuupuhan niyang bahay.

At sa kaniyang paglalakad..

Bigla na lamang umalulong ang mga aso sa paligid na kaniyang ikinagulat! At the same time ikinatakot....

Kaya naman napabilis ang paglalakad ni Marlon, dahil bigla nga siyang kinilabutan sa pag alulong ng mga aso na nangangahulugan na may masasawi..

----------

"Grabe naman ang mga asong iyon.. Bakit sila umalulong? At sabay sabay pa? Bilog pa naman ang buwan."Sabi ni Marlon habang naglalakad ng mabilis.

-----------

Pero sa kaniyang paglalakad...

Bigla na lamang siyang nakarinig ng yabag ng paa sa kaniyang likuran...

Saglit siyang napahinto at agad ito nilingon sa pag aakalang may tanod sa kaniyang likuran..

----------

Ngunit..

Isang tao lamang ang nakita niya,  nakayuko ito at nakasumbrero upang matakpan ang kaniyang mukha, at naka jacket pa itong itim.

Nakatayo lamang ito at walang imik, kaya naman hindi na lang ito pinansin pa ni Marlon, at muling nag patuloy sa paglalakad..

Pero...

Muling nag lakad ang taong iyon At sa pagkakataon na iyon alam na niyang sinusundan na siya nito....

---------

"Ano bang kailangan niya sa akin? bakit niya ako sinusundan.."Sabi ni Marlon at siya ay kumakaripas na nga ng takbo.

At sa kaniyang pag lingon muli wala na ang taong sa likuran niya..

----------

Kaya naman saglit na huminto si Marlon, para huminga ng malalim dahil hiningal siya sa pagtakbo..

"Sino ba talaga iyon? Bakit niya ako sinusundan?" Sabi muli ni Marlon na nanginginig pa sa takot.

----------

At sa hindi niya inaasahan....

Umikot lang pala ito, at ito ay nasa likuran na niya! at hawak hawak na siya nito at ayaw ng pakawalan pa....

---------

"Huwag! Huwag mo ako patayin""Pag mamakaawa ni Marlon sa kaniyang Night Stalker...

At sinabi nitong..

"IKAW TALAGA PATAY KO! KAPAG IKAW HINDI BAYAD UTANG! LAGI IKAW TAGO! PAG SINGIL NA!" galit na sabi ng bumbay na laging tinataguan ni Marlon kaya gabi na siya kung umuwi..

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon