MATANG NAGMAMASID

19 1 0
                                    

MATANG NAGMAMASID
Author Willy Verano
REPOST STORY
One Shot Story

Si Jiya ay isang sales lady sa isang Mall
10 : 0 Am ang Oras ng trabaho niya at medyo alanganin ang gising niya ng araw na iyon.

9:00 am na kasi siya ng magising ito. Napuyat kasi siya kakabasa ng mga Horror stories.

At ang huli niyang nabasa na kanyang pinagpuyatan ay ang may pamagat na.

"ANG NAGMAMASID" kwento ng isang babae na nakakaramdam na may nagmanasid sa kaniya na hindi niya nakikita ngunit kaniyang nararamdaman.
Kaya naman sadyang nakakapangilabot ito.

At habang binabasa niya iyon kinakilabutan siya at nanayo pa ang kaniyang mga balahibo. Dahil sa ending ng Kwento nalaman niyang patay na ang bida sa kwento. at ang nagmamasid sa rito ay si Kamatayan. Na sinusundo na ang kaniyang kaluluwang gumagala gala pa sa mundo ng mga buhay.

"Naku naman? 9 : OO na pala? Kailangan ko ng bilisan maligo at malalate na ako." Sabi ni Jiya na nagmamadaling asikasuhin ang sarili upang hindi malate sa Work niya.

At Matapos niyang maligo agad agad na siyang lumabas ng bahay at pumara ng jeep sa Terminal. Pero hindi niya akalain na tila maisasabuhay niya ang kwentong kaniyang nabasa lamang

Ang Kwentong ANG NAGMAMASID hindi man eksakto sa kwento ngunit may kaunting pag kakahawig ito.

Dahil nga ramdam niyang nakatingin sa kaniya ang mga tao sa likuran niya na nag aabang rin ng masasakyang Jeep. Mga tingin na may bahid ng pagkabigla mga tingin na animoy kakaiba siya sa iilam Kaya napaisip na lamang siya na....

"Naku naman bakit ganoon na lang sila makatingin sa akin? Patay na ba ako? Tulad sa kwento? Pero bakit nakikita pa rin nila ako? Bakit ganoon lamang sila makatingin sa akin?" Mga tanong ni Jiya sa kaniyang isipan.

Na naghahatid naman sa kaniya ng kilabot lalo na kung maalala pa niya ang binasa niyang Horror Story  na may pamagat na.

"ANG NAGMAMASID"

Patuloy lamang siyang tinitignan ng mga ito kaya naman hindi niya maiwasang matakot sa mga mata nilang nagmamasid. At ang tuon ng mga ito ay sa kaniyang lamang.

"Ang tagal naman dumating ng Jeep kailangan ko ng umalis rito." Takot na sabi ni Jiya habang naghihintay ng pampasaherong Jeep.

Muli niyang pasimpleng pinagmasdan ang mga tao sa Terminal ng Jeep. At may ilan pa rin mga taong nakatingin sa kanoya na animoy mga nagmamasid. Kaya ng may dumating na pampasaherong Jeep agad siyang sumakay rito kahit puno na ito ng mga pasahero. At sa unahan lamang may bakanteng upuan sa likod ng Inuupuan Ng Tsuper ng Jeep.

"Usog usog lang sa dulo yung mga nasa kaliwa! Sampuan yan!" Sabi ng Barker ng Jeep.

Agad na sumakay si Jiya at umupo siya sa unahan bandang kaliwa sa likod ng Tsuper ng Jeep.  Tuwang tuwa siya dahil walang sumakay na mga taong kaninang nagmamasid sa kaniya sa Terminal ng Jeep na hindi niya maunawaan.

Pero laking gulat niya habang bumibiyahe ang Jeep. Napansin niya na tila lahat ng pasahero sa kanya ay nakatingin na wari bang kakaiba ulit siya sa lahat?

"Naku? Baka patay na talaga ako? Multo na ba ako?" Mga tanong muli ni Jiya sa kaniyang sarili habang pinagpapawisan na siya sa takot at kaba.

Dahil maging ang mga pasahero sa Jeep ay pawang mga nakatingin rin sa kaniya. Katulad ng mga tao sa Terminal ng Jeep kanina pero naisip niyang muli na..

"Siguradong buhay pa ako? Dahil kinakabahan ako? at pinagpapawisan? Pero bakit ganito? maging ang mga pasahero sa Jeep ay pawang mga nakatingin at nakamasid sa akin." Sabi muli ni Jiya na may halong pangamba takot at kaba.

Kaya naman ng huminto na ang Jeep sa kaniyang Pinagtatrabauhang Mall. Agad agad siyang bumaba ng Jeep at nag mamadaling lumakad palayo. Ngunit maging Sa Mall ang mga tao ay ganoon pa rin sa kaniya kung makatingin. Pawang sila ay mga nakatingin kay Jiya na wari bang kakaiba talaga siya.

Kaya naman hindi na niya napigilan pa ang sarili sa sobrang Tensyon ng nadarama ng buo niyang katawan at pagkatao. At kinikalabutan na nga siya ng Husto at napasigaw na lamang siya sa gitna ng mall habang pinagtitinginan siya ng karamihan...

"Lubayan ninyo na ako! Ayaw ko na! Ano bang kailangan ninyo! Huwag ninyo ako tignan! Huwag!" Sigaw ni Jiya sa Harap ng mga taong pinagtitinginan siya.

Hanggang sa isang Babae ang lumapit sa kaniya Habang siya ay lumuluha at nanginginig na sa takot sa mga matang laging nagmamasid sa kaniya na ayaw siyang lubayan.

"Miss paanong hindi ka pagtitinginan ng mga tao? Eehh.. May TAGOS KA KAYA?  Ayan oohh! Tignan mo ng makita mo! Anu ba yan! May paiyak iyak ka pa? Ohh itong "CAREFREE"  gamitin mo. Dont Worry No No No no No Check yan! Hataw galaw kahit meron pa!" Sabi ng Babaeng iyon.

At ng kapain niya ito doon nga niya nabatid na may tagos pala siya kaya pala kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao sa Terminal sa Loob ng Jeep at sa Mismong Mall na iyon. At hindi lang nila alam kung paano sasabihin kay Jiya Na may tagos siya dahil sa nahihiya sila mag sabi.

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon