TIKTIK ENCOUNTERS
By Willy Verano
One Shot StoryMy WATTPAD ACC : DAISUKEANGEL0691
MY YOU TUBE CHANNEL : KANTAKUTAN STORY
Sa isang probinsya na malayo sa maingay at magulong siyudad.
Ang lahat ay nangangamba lalo na ang mga buntis dahil usap usapan na nga sa kanilang Karatig na Baryo ang pag salakay ng Tiktik.
Kaya ganoon na lamang ang labis na pag protekta ng mga kalalakihan sa mga asawa nilang nag dadalang tao. Dahil may ilan na ngang nabiktima ang gumagalang tiktik sa kalagitnaan ng gabi.
Maging ang ina ng sanggol na kinukuhan nila. Ay namamatay rin dahil na rin kinukuha ng mga Tiktik ang mga sanggol habang nasa sinapupunan pa ito ng babae dahil mas katakam takam iyon sa panlasa ng mga Tiktik.
"Mag roronda kami para naman mabantayan natin ng husto ang ating baryo."matapang na sabi ng ilang mga kalalakihan.
"Ang mga lalakeng may asawang buntis huwag na kayo sumama sa pag ronda manatili lamang kayo sa tabi ng inyong mga asawa. At mag lagay na rin kayo ng mga mabisang pangontra sa mga Tiktik sa paligid ng bahay ninyo."sabi ng namumuno sa kanilang baryo.
"Maraming salamat Pinuno! Naway mahuli ninyo ang Tiktik at walang mapahamak sa inyo. At ako naman ay magbabantay sa aming mga asawa na nag dadalang tao."sabi ng isa sa mga kalalakihan.
At sa pag sapit ng 6: 00 ng gabi ang lahat ay nag sipasok na sa kani kanilang bahay. Maliban lamang sa ilang mga kalalakihan na nag pasyang mag ronda para sa seguridad ng kanilang Baryo.
At sa isang kubo sa baryong iyon ay may mag asawa...
"Carding nakakatakot naman may gumagala na palang Tiktik? At kawawa ang mga nabibiktima niya."nag aalala sabi ni Belinda habang natatakot rin ito.
"Tiktik? Huwag ka mag alala
Lalagpasan lang tayo ng tiktik
Kaya matulog ka na lamang diyan "kampanteng sabi ni Carding.At natulog na ito sa tabi ng asawa..
At bagamat nangangamba at puno pa rin ng takot si Belinda. Sinikap pa rin nito na matulog katabi naman din niya ang kaniyang asawa kaya kahit paano panatag siya.
Subalit...
Sa kalagitnaan ng kalaliman na ng gabi..
Agad nagising si Belinda sa mga naririnig niya kaluskos o ingay sa kanilang bubungan.Hindi pa naman sila nag lagay ng pangontra sa Tiktik. Dahil kampante naman si Carding na hindi sila sasalakayin ng Tiktik.
Subalit..
Mukhang Tiktik na nga ang nasa taas ng kanilang bubungan...
Hanggang sa..
Unti unti napatingala na nga lang si Belinda..
At kitang kita niya kung paano butasin ng Dila ng Tiktik ang kanilang bubungan para kunin ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.
"Carding! May Tiktik!"agad na tawag ni Belinda at sa takot nito hindi nga nito magawang makakilos pa.
Buti na lang rin agad nagising si Carding at agad na tinapyas ang dila ng Tiktik gamit ng nakahanda niya laging tabak na nilalagay lamang niya sa ilalim ng kama.
At sa pag kaputol ng dila ng Tiktik agad nga itong umalis para tumakas.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasasaktan ng Tiktik?"pag aalala ni Carding
"Ayos lang ako
Salamat Asawa ko.."pagpapasalamat ni Belinda at napayakap pa ito kay Carding.Nang biglang
Mapaisip bigla si Carding.
Na parang may mali?"Aba! Teka lang paano pupuntahan tayo ng Tiktik! Imposible kang mabuntis! Baog kaya ako!"galit na sabi ni Carding kasabay na ng pag dududa nito sa asawa.
"Sorry ..
Na Tiktikan ako ni Kumpare..."agad na pag hingi ng tawad ni Belinda dahil buking na rin naman siya"Mga Taksil! Kundi pa dahil sa Tiktik di ko pa malalaman na Natiktikan na ako ng hudas kong Kumpare! Humanda siya sa akin siya naman ang puputulan ko"galit na sani Ni Carding.
At dahil nga Sa Tiktik..
Issng Pagtataksil ang hindi sadyang nabunyag.END