WHAT SO FUNNY?
{KILL THE CORNY!}
CHAPTER 1
Author Willy VeranoMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Isang serial killer na nasa wangis ng isang clown ang naghahasik ng karumaldumal na pagpatay sa siyudad na tila isang libangan lamang para sa kaniya. Sa mga taong nabibiktima niya na hindi siya napapatawa sa mga joke na naririnig niya mula rito. Dahil sa lagi niyang tanong sa mga ito ay..
"Joke or Die?"
ISANG GABI na animoy isang mapayapang Gabi ang Hindi akalain NI manong ANDRES na ITO ang kanyang magiging huling gabi sa kamay ng isang serial killer Clown na ang kasiyahan AY pumatay.
Nang gabing yun nakipag inuman si mang ANDRES sa mga kumpare niya at kaibigan at katulad nang dating gawi Sagot NITO ang patawa sa mga joke niya na wala siyang pakialam kung may matatawa mam o Hindi..""Pareng Andres!! Tama na mga joke mo ang Lawsi kasi! Panahon pa NI kopong kopong!! Reklamo ng isa niyang kumpare
"Tumawa ka na lang!!! Support na lang pare!! Support hahaha!!"Tawang sabi ni Andres
""Hayaan mo na si pareng Andres masanay ka na lang! Pero teke di ka pa rin ba sanay? Hahaha!!" Sabi pa ng isa pa sa mga kainuman niya..
Matapos nang inuman nagkayayaan na sila mag uwian. At naghiwalay hiwalay na sila at ang lasing na si Mang Andres ay pakanta kanta pa habang naglalakad at pasuray suray pa sa daan. Nang biglang napadaan siya sa isang bakanteng lote na madalas naman niyang madaanan dahil kasama ITO sa ruta pauwi ng bahay nila.
Nang may marinig syang pagtawa sa palagid.""Hi hi hi!!!!"" Tawa NITO.
Napalingon naman si mang Andres sa kaniyang likuran at nakita nya sa kaniyang likuran ang isang tao naka costume bilang clown at nakangisi ITO.
"OK yang custom mo nakakatawa!! Teka clown ka ba? Clonggo?? Hahahaha!!
"Clonggo? Dahil Mukhang ka kasing unggoy na nagbihis ala clown hahaha!!
Lumapit naman ang clown na ITO sa kaniya at nagsalita ITO..
""Yan na ba ang joke mo o meron pang iba? Ttanong NITO kay Andres
"Ah? Gusto mo pa ng isang joke pagbibigyan kita..""
""sige makikinig ako kapag hindi mo ako napatawa huhugutin ko ang bituka mo hanggang sa pinakadulo NITO.... Nakangising sabi ng Clown.
"nakakatakot naman hahaha!! OK makinig ka ITO na ang joke ko AT ITO ang pinaka best joke ko.walang kahit sino ang Hindi natawa sa joke ka na ITO.
"Ganun ba! sige sabihin mo na ang joke mo! dahil gusto ko lamang sumaya. Pero kapag dinismaya mo ako katapusan mo na"nakangising sabi NITO.
Ang Hindi alam NI manong Andres nakahanda na ang napakatalas na patalim sa likuran ng clown dahil papatayin siya agad NITO sa oras na Hindi siya matawa sa joke nito.
"natatakot akong mamatay kaya papatawanin na lang kita hahaha!!
Sabi ng lasing na si Andres.At sandaling tumahimik si mang andres at nag joke na ITO.
"Bakit inangat NI Andres bonifacio ang itak na hawak niya sa ilang rebulto niya?
"BakiT?" TANONG ng clown.
"Tinatanong niya kasi kung kaninong ITAK YUN KAYA'T INANGAT NiYA at sinigaw niya na ""mga KATIPUNERO KANINONG ITAK TO!! HAHAHA!!!
Pero hindi natawa ang Clown.
"CORNI"" sabi NG clown at bigla niyang mabilis na hiniwa ang tiyan ni manong Andres at dahil nga sa talim NITO lumuwa ang bituka NITO. Bumulugta agad si Manong Andres at naghihingalo ITO at di na makapagsalita pa.