HOSPI SHIP

12 1 0
                                    

HOSPI - SHIP
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Hospi - Ship...

Isang malaking barko na ginawa para maging HOSPITAL sa kalagitnaan ng karagatan.

Binubuo ito ng mga mahuhusay na Doctor, madalas mga mayayaman na tao at mga opisyales ang nagpapagamot sa HOSPI - SHIP, Dahil talaga naman na pang mayaman at mga importanteng tao lamang ang may afford magpagamot rito.

Sa laki ng perang ilalabas mo sa kanilang serbisyo na talaga namang napakahusay.

Nagagawa nila rito ang kahit anong operasyon, kahit gaano pa ka kumplikado naisasagawa nila ito ng walang kahirap hirap.

At 99% percent ang pagtatagumpay nila sa bawat opersyon at sa kahit ano pang sakit.

Talaga namang hindi matatawaran ang husay ng mga ito sa larangan ng medisina.

Kaya ang mga mayayaman na takot mamatay, ay talagang sinasadya ang HOSPI - SHIP sa gitna ng malawak na karagatan.

At isang business man nga ang nag tungo sa HOSPI - SHIP.

Lulan ng sarili niyang barko, dahil sa lumalaki na ang kaniyang puso at kailangan ito ma operahan sa lalong madaling panahon.

Ayaw na niyang lumala pa ito dahil ang kayaman ay hindi nadadala sa hukay.

Bukod sa Businessman may mga body guard itong kasama kabilang na si Jack.

Limang taon ng body guard ng Businessman si Jack.

At aminado siyang hindi kagandahan ang ugali ng boss nila, pero tinitiis na lamang nila ito dahil malaki naman ito mag pasweldo.

May dalawang anak ang Businessman, ang panganay na Babae na si Rose, na hindi masyadong binibigyan importansya ng kaniyang ama, dahil isa siyang babae.

Dahil mas higit na importante ang anak na lalaki, para sa kanilang ama.

Mas naniniwala itong may kakayahan mag patakbo ng negosyo ang isang lalaki.

At ang bunsong kapatid naman ni Rose, AY sobra sobra ang pagpapahalaga ang tinamasa sa ama at ang pangalan nito ay Greg.

Sunod lahat ng ang gusto nito kahit nasa labing anim na taon gulang pa lamang ito.

Ganun pa man iniintindi na lamang ni Rose, ang pamilya nila lalo pa at wala na ang kaniyang ina na yumao na limang taon ng nakakaraan.

"Aalis din agad tayo rito, after ko maka recover sa operasyon."Sabi ng Businessman na ama nila Rose, na si HENRY.

Agad inasikaso ng mga Doctor si Henry, para agad maagapan ang paglaki ng kaniyang puso.

Kasama ni Henry ang dalawang anak niya na si Rose at Greg, magkaiba man ang pagpapahalaga ni Henry sa anak niyang Rose.

Mag kasundo naman ang magkapatid na si Rose at Greg.

"Ate saan ba tayo mag i stay? Habang naghihintay matapos ang operasyon ni Daddy? Sa barko natin o sa kuwarto ng HOSPI - SHIP?" tanong ni Greg.

"Dito na lang rin tayo mag hintay para maiba naman ang natatanaw natin na paligid, at isa pa nag pareserba na si Daddy, ng kuwarto para sa atin."Sabi ni Rose.

Ang WALO SA sampung body guard ng kanilang ama, ay pinabalik muna ni Rose, sa kanilang Barko, na hindi masyadong kalakihan tulad ng HOSPI - SHIP.

At naiwan si Jack, at Baron para bantayan ang magkapatid sa labas ng kuwarto.

"Pumasok na rin kayo sa loob.'Anyaya ni Rose kay Jack, at Baron.

"Ahh, Huwag na po ayos na po kami rito na mag bantay sa labas."Sabi ni Jack.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon