SLEEP WELL

16 0 0
                                    

SLEEP WELL..
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Mula nang malaman ni Sep ang patungkol sa Lucid Dreaming.

Agad siyang nag karoon ng pagkainteres rito. Lalo pa at tunay na nakakamangha ang karanasan sa pagkakaroon ng Lucid Dreaming.

Dahil sa iyong Lucid Dreaming! Makakaya mong gumawa ng tila sarili mong mundo na tila ikaw ang diyos. Kahit sa panaginip lamang...

Pero hindi ganoon kadali mag karoon ng sariling Lucid Dreaming..

Gayunpaman..

Hindi nawalan pag asa si Sep na magkaroon ng Lucid Dreaming. Kahit isang beses lamang.

Nais niya kasing makita at makasama kahit sa panaginip lamang ang kaniyang Ama at ina na maagang yumao dahil sa isang aksidente noong siya ay bata pa lamang.

Iyon ang pinaka determinasyon niya kaya niya laging sinusubukan magkaroon ng Lucid Dreaming, kahit lagi lamang siya nabibigo sa pailang ulit niyang pagsubok rito.

Pero gaya nga ng sabi sa isang kasabihan kapag may tiyaga may nilaga!

Dahil sa wakas nagbunga na ang kaniyang pagnanais! Ang mga nakaraang panaginip niya na pilit niyang inaalala, at ang pag tulog ng wasto sa oras na alinsunod sa mga dapat gawin upang magkaroon ng Lucid Dreaming ay naganap na!

At Sa kaniyang panaginip..

Kaniyang nagunita na siya ay nasa mundo ng sarili niyang panaginip. Isang katunayan na ganap na siyang nasa Lucid Dreaming.

Ginawa muna niyang blanko ang kaniyang mundo, walang ibang naroon kundi siya lamang.

Isang sandaling katahimkan muna ang namayani sa buong paligid ..

At muli niyang inisip ang dati nilang tahanan noong buhay pa ang kaniyang mga magulang.

At sa isang iglap nabuo ang dati nilang tahanan. Isang tahanang kay saya dahil kumpleto pa sila sa bahay na iyon.

Tila agad bumalik sa isipan ni Sep ang lahat lahat ng masayang alaala niya sa tahanan na iyon kasama ang kaniyang mga magulang, noong ito ay mga buhay pa.

Kasabay ng pagkabuo ng kanilang tahanan, ninais ni Sep na siya ay bumalik sa pagkabata na agad naman nangyari.

At nais niyang sa pag pasok niya sa kanilang tahanan ay naghihintay na roon ang kaniyang mga magulang na labis na niyang na miss.

"Mama... Papa....." Nakangiting sabi ni Sep na nasa anyong bata pero ang kaisipan niya ay naroon pa rin..

Hindi matutumbasang ngiti ang namumutawi sa labi ni Sep sa sandaling iyon. Dahil muli niyang nasilayan ang kaniyang mga magulang.

Agad niya itong niyapos ng yakap wala na siyang sinayang na sandali.

Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ama at ina...

Yakap na tila wala ng bukas pa..

Dahil batid niya ang katotohanang doon lamang sa panaginip niya na ito mahahagkan ang kaniyang mga magulang..

Niyapos rin siya ng yakap ng kaniyang ama at ina..

"Papa.. Mama... Ayaw ko ng magising pa dahil baka hindi na ako makabalik pang muli sa mga yakap ninyo." Lumuluhang sabi ni Sep habang yakap ang magulang.

"Anak... Hindi na kami mawawala sa piling mo.. Magkakasama na tayo at wala ng maiiwan pa." Tugon ng magulang ni Sep.

---------------

Sa mga sandali na iyon sa reyalidad, ay may nagaganap ng sunog sa kalapit bahay na inuupuhan ni Sep. At sa kinasamaang palad kasabay ng natutupok ang bahay na inuupuhan ni Sep..

At si Sep ay kasalukuyan ng natutupok ng apoy habang mahimbing ang kaniyang tulog....

Bagamat nasunog ng buhay si Sep, namatay siyang payapa namatay siyang masaya dahil sa wakas na tuldukan na ang matagal na niyang pangungulila sa kaniyang mga magulang.

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon