AKA MANTO
(URBAN LEGEND}
BY WILLY VERANO
{NEW VERSION}My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
"AAHH, TAENG TAE NA AKO.."Sambit ni Johny na nag mamadali mag tungo sa isang public toilet.
Dali dali nga ito bumaba ng bus kahit wala pa siya sa kaniyang destinasyon. Dahil nga sa nag aalburuto niyang tiyan. Agad niyang pinara ang bus upang maidumi na niya ito sa public toilet na nakita niya.
Anim ang cubicle sa Cr na iyon at ang lima roon ay may mga tao na nilalaman. Kaya napunta siya sa dulong Cubicle at laking pasasalamat niya na walang tao roon dahil taeng tae na nga siya.
"Wooh! Salamat naman muntikan na akong maabutan."pagpapasalamat ni Johny at agad na nga itong dumumi sa Cr.
At habang dumudumi siya isa isa na ngang nag aalisan ang mga taong nauna sa kaniya. Hanggang sa siya na lamang ang natitira sa Loob ng Cr. Isang nakakabinging katahimikan nga ang namayani sa loob ng Cr.
Nang biglang....
Kumurap kurap o nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng Cr.
"NAman! Bakit ngayon pa! Inis na sabi ni Johny.
At habang nagpapatay sindi ang ilaw sa Cr. Unti unti din bumubukas ang pinto ng kaniyang Cr. Laking gulat niya na nawala ang pag ka lock nito at dahan dahan ngang bumubukas. At sa pagbukas ng pinto tumambad nga sa kaniya ang isang babaeng walang expresion ang mukha! At ito ay naka Red Coat lamang at may dalang ASUL AT PULANG TISSUE..
"Mamili ka... Asul o pula?"tanong nito sa malumay na pananalita subalit nakakakilabot.
Mabuti na lamang tapos na dumumi si Johny at sa takot nga niya rito. Dali dali siyang lumabas ng Cubicle at tinangka lumabas ng Cr. Pero kahit anong gawin niya hindi mabuksan ang pinto.
"Saklolo! Saklolo!"sigaw ni Johny.
At ang babaeng walang expresion mukha ay unti unting ngumingisi habang tila lumuluha ito ng dugo. At ito ay palapit na ng palapit sa kaniya sa bawat pag sindi ng ilaw..
"Aaaahhhhhhhhhh!"
Mula sa labas ng Public toilet..
Walang kahit sino nakakarinig sa kaniya. Ang pagkalabog niya sa pinto ay wala din ingay sa labas kaya walang nakakaalam sa kung ano na nga ba ang nangyayari kay Johny sa loob ng Cr."Aaaahhhhhhhh!!
At ang sigaw nga niyang iyon ay ang huling sigaw na niya. Dahil kinalmot ng MISTERYOSONG BABAe Ang likuran niya gamit ng matalas nitong mga kuko! Hanggang sa masira ang balat at laman niya sa likuran at lumantad nga ang laman loob nito mula sa likuran.
At habang nag aagaw buhay si Johny dahil nga sa kawalan ng dugo at pagkadamage ng laman loob niya. Pinagmamasdan lamang siya ng babaeng iyon na nawalan ulit ng expresion sa mukha pero patuloy pa rin itong tila lumuluha ng dugo. Habang wala nga ito makakabakas na Emosyon sa mukha.
At sa pagkamatay muli ng ilaw at pag sindi nito. Biglang naglaho na ang misteryosong babae sa isang kisapmata. Kasabay nun ang tuluyan ng pag kasawi ni Johny.
At ilang minuto pa ang lumipas may pumasok na nga public toilet at tumambad nga rito ang wala ng buhay na si Johny. At naging laman nga ito ng balita dahil kabilang si Johny sa mga natagpuang patay sa loob ng Cr.
"Nakakatakot naman may pumapatay talaga sa Cr? At hindi pagnanakaw ang pakay."takot na sabi ni SHANICE dahil ito ang laman ng newsfeed niya sa Fb.
"Ahh. Oo nga nakakatakot.."sabi naman ni Renz sabay pasimpleng akbay kay Shanice.
"Ikaw huh! Pasimple ka!"sabi ni Shanice at agad niya inalis ang pagka akbay sa kaniya ni Renz.
"Hahaha! Yung killer sa Cr? Subukan lang niya mag tungo sa Cr ng school natin! Mabibigo lang siya! Haha!"pagyayabang ni Dhave.