JOLLIBEE

14 1 0
                                    

JOLLIBEE
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Dis oras na ng gabi...

Nang matapos na sa office Work niya si Joven, pinatos na niya ang Overtime para dagdag kita na rin sa dami ng bayarin niya sa katapusan.

At sa tution Fee pa ng kaniyang dalawang anak..

At dahil nga roon halos panay hikab na siya sa sobrang antok...

Na kanina pa niya pinag lalabanan dahil may cctv sa opisina at hindi siya pepwede pumeteks lamang...

--------------

"Alas dose pasado na... Ang hirap talaga ng buhay."Napabuntong hininga na lamang na sabi ni Joven habang naglalakad.

At naisipan niya mag tungo na lamang sa pinaka malapit na Terminal ng Bus, para doon sumakay dahil dadaan naman ito sa lugar nila.

--------------

"Hindi pa naman paalis ang bus na ito, maka Cr na nga lang muna.."Sabi ni Joven matapos niyang makitang wala pa ang Driver at kunduktos sa Loob ng Bus.

------------

Meron lamang roon iilang pasahero, at dali dali na nag Cr si Joven, at nag iwan ito ng Barya sa lalaking bantay ng Cr ng Terminal ng Bus na kasalukuyang tulog.

-------------

"Kainis naman bakit kasi kailangan may bayad pa."Inis na sabi ni Joven kahit barya lang naman ang kapalit ng pag gamit ng Cr.

-----------

At nag Cr na nga si Joven, para komportable rin siya sa biyahe at hindi na kailangan mag Cr pa..

At matapos mag Cr ni Joven agad na siyang nag Flush ng Cr, at nag hugas na rin ng kamay. At lumabas na ito sa loob ng cr.

------------

Ngunit 

Sa paglabas niya ng Cr, ang kaninang lalaking tulog na bantay ng Cr ng Terminal..

Ay gising na ito, at ito nga ay nakatingin sa kaniya ng masama..

Animoy tila papaslangin siya nito, kung ito ay makatingin. Malaki pa naman ang pangangatawan ng lalaking iyon.

Agad Nakarandam ng kaba at labis din na kumabog ang dibdib ni Joven, kaya dali dali niya itong nilagpasan upang iwasan na rin ito..

-------------

Ngunit..

Ito ay tumayo sa kinauupuan nito, habang titig na titig pa rin sa kaniya...

Mas lalong binilisan ni Joven ang paglalakad patungo sa Bus, pero paalis na pala ito at siya naiwan na nito..

---------+

'Hindi! Hintay! Hintay!" Tawag ni Joven na takot na takot.

----------

Pero patuloy lamang ang bus at hindi na nga siya nakasakay pa, at ang lalaking iyon Ay nasa kaniyang likuran na..

At wala ng iba pang tao sa Terminal ng Bus sa mga sandaling iyon..

Tanging siya na lamang at ang lalaking bantay sa Cr ang naroroon..

At huli na para matakasan pa niya ang lalaki..

Dahil hawak na siya nito sa balikat..

Damang dama niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang balikat, na mas nag pa igting ng takot niya rito..

---------------

"Pakiusap huwag mo ako papatayin... May asawa at anak ako... "pag susumamo ni Joven na nanginginig na sa takot habang hawak siya sa balikat ng lalaking iyon na masama kung tumingin..

At sinabi nitong..

"Anong papatayin? Kaya kita hinabol kasi limang piso lang binayad mo! Tumae ka kaya! 10 pesos ang halaga ng pag Tae! Tatakas ka pa talaga!" Inis na sabi ng lalaki alam niyang tumae si JOven Dahil gumamit ito ng Flush ng mag Cr ito.

At nakita nga niya na 5 pesos lang iniwang barya ni Joven..

Kaya naman hiyang hiya si Joven na nagbayad muli ng 5 pesos sabay sabi ng..

"Sorry po..."

"Sa susunod Sa Jollibee ka na lang tumae! Libre dun! May welcome pa! Sige na alis na!" Pagpapalayas sa kaniya ng lalaki.

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon