WISHING WELL
AUTHOR Willy VeranoPaano kung isang hiling mo ang hindi inaasahan matupad handa ka ba sa magiging consequence nito
sa isang hiling mong hindi na mababawi pang muli..."Wala wenta!! Walang thrill!! wala man lang kahit anung kababalaghan sa abandonadong hotel na ito? nagsayang lang tayo ng oras at pagod at higit sa lahat kailangan ko pa mag pa full tank ng gasolina ng kotse badtrip!! sabi ni Reymark.
Kasama niya rin ang pito pa niyang kaibigan na sina, Jessy, Quennie, June, Rj, Dennis, at Tristan, at Cathy
"Alam ninyo guys.. nagtataka lang ako eehh... bakit may balon dito sa labas ng abandon hotel na ito? Kailangan ba talaga ng balon ng mga hotel? tanong ni Rj"
"Ummm siguro kaya may balon diyan.. dahil probinsya na rin naman ito.. i think nandyan na yan bago pa maitayo ang abandonadong hotel na ito"paliwanag ni Quennie"
historoan ka na pala ngayon hahaha"pabirong sabi ni June
"Wait guys di ba sabi nila pag naghulog ka ng coins sa balon? matutupad ang kahilingan mo"sabi ni Cath
"wishing well? Haha! nasa tunay na mundo ka wala ka sa fairy tail"sabi ni Tristan.
Pero dahan dahan lumapit si Jessy sa balon na iyon at pumikit. at may binigkas siyang mahina kasabay nun hinulog niya ang coins na hawak niya"
"uyy... ang serious mo naman anung hiniling mopag uusisa ni Quennie
"Hiniling ko na sana makapiling at makitang muli nila ang mga taong labis nilang namiss para maging masaya sila"sabi ni Jessy"
"wow naman nakakatouch"sabi ni Cath
"ang korni ninyo naman mag wish!! kung hihiling kayo gandahan ninyo na! Yung astig"sabi ni Dennis
"Guys! May naiisip akong astig na wish pero no sense din kasi di naman magaganap"sabi ni June.
"Ano ba yang iniisip mo? tanong ni Reymark"
"gusto ko kasi makakita ng warewolf o vampire? ang astig kasi if real na nag eexcist sila sa mundo?? sabi ni June.
"Hahaha!!! ehhh di mag wish ka!! malay mo mangyari"sabi ni Reymark.
At agad naglakad si June patungo sa balon at humiling kasabay nun inihulog niya ang kayang coins sabay nagtawanan ang lahat.
"wow lakas ng tama ninyo ni Jessy! talagang nag wish kayo!!! pang aasar ni Rj"
"tara na Reymark alis na tayo... wala naman kwenta dito!! sabi ni Tristan.
Kaya iisa na silang nagtungo sa kotse ni Reymark sa gitna ng tirik na araw biglang kumulog ng malakas.
"iba na talaga ang panahon ngayon.. biruin mo yun kumulog sa gitna ng katanghalian hahaha!!sabi ni Dennis
"anu ka ba? nangyayari talaga ang ganun may scientific explanation yun",sabi ni Cath"
"00 na ikaw na matalino!!! hiyang hiya naman ako sayo!! sabi ni Dennis.
At agad na nilang nilisan ang abandonadong hotel na iyon. Dismiyado ang lahat dahil wala silang napala sa pag ghost haunting nila sa hotel na yun. nanghihinayang sila sa effort at sa isang gabing pinamalagi nila dito.
At sa kalagitnaan ng biyahe tila dumilim ang kalangitan..
Sandaling inihinto ni Reymark ang kotse at pinagmasdan nila ang dilim na bumabalot sa katanghalian tapat. Pero sila ay nagulat dahil ang inaakala nilang dilim ay mga naguumpukang mga paniki pala.
"omg!! ang daming panaki halos magdilim ang kalangitan"sabi ni Quennie
'Mukhang patungo sa siyudad ang mga paniking yun"sabi ni Rj