VACATION HOUSE

19 1 0
                                    

VACATION HOUSE
BY WILLY VERANO

MY WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

MY YOU TUBE CHANNEL : KANToKUTAN HORROR STORy

""Langya ka Pre! dinaladala dala mo kami dito sa bahay bakasyunan ninyo! para anu? para paglinisin ng mga alikabok rito?"pagrereklamo ni Vince.

"Huwag ka na mag reklamo diyan! kung mag tutulungan tayo madali lang natin malilinis itong kabuuhan ng bahay... sabi ni Philip..

"Oo naanu pa nga ba!"sabi muli ni Vince"

"Hoy! Hazel Bea! Tumulong naman kayo maglinis paupo upo lang kayo diyan!!"inis na sabi naman ni Vhong..

"Mga prinsesa kami! kaya'bawal kami mapagod.." pang aasar pa ni Bea.

""kayo nimyo na yan guyz!!! exercise din yan!" pangangantyaw pa ni Hazel.
At wala na nga sila nagawa pa kundi hayahan na lamang si Bea at Hazel.

At matapos nila maglinis ng bahay naghanda naman ng mireinda si Bea at Hazel upang makakain sila matapos nilang maglinis ng bahay bakasyunan na puno ng alikabok..

""Ayos din pala sa bahay bakasyunan ninyo philip presko ang hangin rito! Sarap sa feelings... sabi ni Bea habang dinadama ang sariwang simoy ng hangin.

""talaga? mabuti naman nagustuhan mo! Kaya enjoy lang kayo feel at home na rin dahil tayo tayo lang ang naririto!! do what u want!"sabi ni Philip sa mga kaibigan niya.

Nang biglang sumigaw ng pagkalakas lakas si Vince at nagulat sila sa biglaang pagsigaw ni Vince at pinagtinginan siya ng mga kaibigan niya..

"bakit kayo nakatingin sa akin?"tanong ni Vince..

""Kami ang dapat mag tanong? Bakit ka ba sumigaw? para kang tanga."sabi ni Phillip..

"Tanga agad? di ba kakasabi mo pa lang what u want? Kaya sumigaw ako trip ko sumigaw eehh"katwiran ni Vince.

At sa inis ni Philip dahil parang napelosop siya ni Vince hinabol niya si Vince, ganoon rin si Vhong nakihabol na  rin ito sa kanila..

"Lagot ka sa amin pag naabutan ka namin!"sabi pa ni Philip kay Vince.
habang hinahabol nila ito ni Vhong

"Sige lang habol lang! Hahaha!"pang aasar pa ni Vince..

"Hay naku! tignan mo sila!! parang mga bata na a naghahabulan"sabi ni Bea.

"Hayaan mo na nagkakatuwaan lang ang mga yan at ganyan naman ang mga lalake mga isip bata minsan....."sabi naman ni Hazel.

At sa kanilang paghabol kay Vince aksidente nilang nakita ang isang konkretong bahay na may tatlong palapag. Hindi kalayuan sa vacation house nila Philip.

"Pre di mo man lang sinabi sa amin na may malapit palang bahay sa bahay bakasyunan ninyo? at mukhang yayamanin.."agad na sabi ni Vince..

"Huh? Pero hi di ko rin alam na may bahay na malapit sa vacation house namin na ito. dahil after 5 yrs ngayon lang ulit ako napasyal dito."sabi ni Philip..

"Ganon ba? Umm.. pero di na mahalaga yun! Alamin na lang natin kung may magandang chicks diyan sa bahay na na pwedeng maligawan.."Sabi ni Vhong.

""Ako ang unang nakakita ng bahay na yan.. kaya pag may chicks diyan ako ang siyang dapat unang dumiskarte.."agas na sabi ni Vince.

"Puro kayo kalokohan!"sabi ni Philip.

at nagsimula na si Philip lumakad pauwi...

"Teka lang... di ba natin pupuntahan yong bahay makipagkaibigan lang naman tayo?"sabi ni Vince.

""bahala kayo! kung gusto ninyo makipagkilala bahala kayo! wag ninyo na akong idamay pa"sabi ni Philip.

"Tara na Vince bumalik na lamang tayo ang Kj kasi ng isa diyan!"Sabi ni Vhong"

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon