THE LAST CAROLING
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORYMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}Si Angie at ang tatlo niyang kaibigan na sila Mae, Piolo at Marvic ay nag pasyang mangaroling sa darating na buwan ng Disyembre, Sisimulan nila ang pangangaroling pagsapit ng ika-16 ng Disyembre. Naisipan nilang mangaroling upang makalikom ng pera para sa pinagplanohan nilang Christmas Party.
At dahil pawang mga studyante pa lamang sila wala pang kakayahan ang bawat isa sa kanila na magtrabaho. Kung kaya't naisipan nilang mangaroling.
At sumapit na nga ang ika-16 ng Disyembre, nagpasya na ang apat na magkakaibigan na mangaroling sa mga bahay bahay at kung saan sila dalhin ng kanila ng mga paa.Maganda ang tinig ni Angie ganoon rin naman si Mae at marunong naman maggitara si na Piolo at Marvic. Kung kaya't makaaawit sila ng mga himig pamasko ng maayos at maganda sa pandinig ng mga taong kanilang pangangarolingan.
Nagsimula na si lang mangaroling at may mga nagbibigay ng salapi ang iba ay umaabot pa ng dalawandaan. Pero minsan wala silang natatanggap dahil hindi maiiwasan na may kuripot talaga sa mundo.
Gayunpaman hindi nila iyon minamasama dahil nasa tao ang pagpapasya kung magbibigay ba sila o hindi at dapat na lamang nilang respetohin iyon..
Lumipas pa ang ilang araw nag patuloy sila sa pangangaroling gabi gabi para makalikom ng sapat na salapi. Hanggang makarating sila sa isang subdivision.
"Akalain mo yun? May Subdivision palang malapit sa lugar na ito." Sabi ni Marvic.
"Oo nga eehh.. At mutikan pa natin malampasan ito, pero bakit walang Guard ang subdivision na ito?" Pagtataka ni Piolo.
"Hayahan mo na, pumasok na lamang tayo." Agad na sabi ni Marvic.
At sa pagpasok nga nila sa Subdivision na iyon. Natuwa sila dahil mukhang mayayaman ang mga naninirahan roon.
At wala na silang sinayang pa na sandali nangaroling sila sa mga bahay bahay roon.
At hindi sila nabigo dahil tila galante ang mga naninirahan roon. Sa katunayan nakatanggap pa sila ng one Thousand sa isa sa mga taga roon. dahil natuwa ito sa kanilang pangangaroling.
Halos walang nilaktawan na pamamahay sila Angie, Mae, Marvic, at Piolo upang sulitin ang perang maaari nilang maipon sa pangangaroling nila.
Hanggang sa narating na nga nila ang pinakadulong bahay ng Subdivision na iyon.
Ngunit habang papalapit pa lamang sila rito bigla na lamang namatay ang mga ilaw sa bahay na iyon sa dulo ng Subdivision.
"Tara na umalis na tayo, pinatay nila ang mga ilaw marahil matutulog na sila?" Sabi agad ni Mae na nagpasyang umalis na lamang sila.
"Kunsa bagay kasi alas Otso na rin naman ng gabi at may mga tao natutulog na talaga ng ganitong oras" Sabi ni Angie kasabay ng pagtingin niya ng oras sa kanyang Relos.
Ngunit sa kanyang Relos ay alas sais pa lamang ng gabi. Ito ang oras ng pagpasok nila sa subdivision na iyon.
"Nagkadiperensya yata ang relos ko? Huminto ito sa alas sais." Agad na sabi ni Angie.
Tinignan naman din naman nila Marvic, Mae, at Piolo ang kanikanilang Relo at katulad ni Angie lahat ay huminto sa 6
o'clock.Nakahinto rin sa alas 6'clock ang oras sa kanilang mga Cellphone. Kaya naman hindi nila malaman kung anong oras na nga ba talaga? At nakapagtatakang wala ng signal ang kanikanilang Cellphone.
"Wow huh? Ano ito walang signal? At yung oras hindi natin magetz?" Sabi ni Mae.
"Nakapagtataka naman? Baka naman may signal jammer rito? Para mawalan tayo ng signal.'" Hinala ni Piolo.