MAY FOREVER

20 3 0
                                    

MAY FOREVER
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

Nakatingin lamang sa alarml Clock si Jonas nakatulala lamang ito kasabay ng kaniyang pag iisip ng malalim. At napapabugtong hininga na lamang siya habang iniisip ang mga pangyayari sa buhay niya na sa isip isip na tila wala naman kabuluhan.

Halos nasa kaniya na ang lahat dahil mapera na siya sa mga nagdaang maraming mga taon. Ngunit napapaisip pa rin siya kung ano nga ba ang nangyari sa buhay niya? May kabuluhan nga ba o wala....

Sa kaniyang pag iisip ngayon, Ang mabuhay ay tila isang sumpa sa kaniya. Dahil Para kanino? Para saan pa siya nabubuhay? Kung lahat ay iniiwan siya at sa mga nagdaang taon tila pinasasakitan pa siya ng panahon. Dahil dapat wala na siya sa mundo. Dahil sa tumatakbo ang oras lumilipas ang panahon ngunit siya ay tila hindi umuusad at naroon pa rin.

"Ayaw ko ng mabuhay.... Lahat na lamang ng mahal ko sa buhay unti unti silang nawawala habang ako naririto nabubuhay pa rin... Nabubuhay sa kalungkutan... Habang pinaparusahan ako ng panahon... Sa mga sakit na meron. ako.." Lumuluhang sabi ni Jonas sa kaniyang isipan dahil hirap na siya magsalita pa o kahit bumigkas man lang..

Hanggang sa tumunog na ang alarm clock hudyat sa pagsabog ng Timer Bomb na sinet up niya sa kaniyang kuwarto. Sumabog ang Mansion sa lakas ng Timer Bomb na iyon at ang katawan niya ay nagkalsog lasog.

Wala naman nadamay sa pagsabog dahil siya lang naman mag isa sa mansion. At bago siya magpakamatay ibinahagi na niya ang lahat ng kayamanan niya sa mga mahihirap. Upang hindi mawalan ng saysay ang mga perang hindi na nagbibigay sa kaniya ng saya...

Ngunit matapos ng pagsabog na iyon, nagising siya na tila naidlip lamang siya. At ang pinagtataka niya kung bakit may katawan pa siya matapos ng pagsabog na iyon? at ang lugar na kinaroroonan niya ay hindi nasa kaniya pamilyar.

"Paanong.." Pagtataka ni Jonas sa sarili sa kaniyang isipan..

Hanggang sa may isang boses na bumulong sa isipan niya at sabi nitong..

"Totoong sumabog ang katawan mo.. Kaya kinailangan ng ilang sandali para bumalik ang iyong katawan na may mga sari sari ng sakit. Hindi bat katutuwa? At buhay ka pa rin.. At sasaksihan mo muli ang kamatayan ng bawat tao sa mundo... Mananatili kang buhay magpakailaman... Hindi ba't ginusto mo maging Immortal! na hindi namamatay sa ano mang sakit o sa akin anu pa man.. Binigay ko ang kahilingan mo pero kailanman hindi mo na mababawi ito.."

Napaluha na lamang si Jonas dahil kahit Immortal siya. Patuloy pa rin siya sa pagtanda. At kahit na immortal siya tinatablan pa rin siya ng mga sakit ngunit hindi niya ito ikamamatay gaano man ito kalubha kahit na tila kinakain na ng sarili niyang laman ang kaniya balat..

At sa muli niyang pagbabalik sa mundo ng mga buhay ang Edad niya ay nasa 500 Years na at ngayon wala na siyang pera, Kaibigan o bahay na masisilungan kaya't mas hihirap ang dadanasin niya sa buhay niyang walang hanggan...

The End.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon