MEN'S PARADISE VILLAGE
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Jake,Fred, Rocco, AT Jack, ay napagpasyahang mag Joy Ride sa malawak na Probinsya.
Kung saan nila piniling mag bakasyon, planado nila ang bakasyon na iyon, lalo pa at mag kakawork mate lamang sila pero mag kakaiba ng Department.
At meron pa silang pagkapareho pareho, parehas silang mga Single...
Kaya ang motto nilaNG apat ay...
"STAY SINGLE LESS GASTOS!"
Kahit ang totoo naiingit sila kapag may nakikita silang couple, at sinasabihan nilang walang Forever.
Malakas sila man trip lalo pa at kapag sila ay mag kakasama..
Umupa sila ng isang kuwarto sa isang hotel, para sa pag stay nila ng isang lingggo sa probinsya na iyon.
At matapos nila mag inuman sa kalapit na Bar sa Hotel kung saan sila naka Check in.
Napag pasyahan nilang MAG JOYRIDE kasama ang dalawang babae na nakilala nila sa Bar, at ito ay sina ROXANNE, AT Bella..
--------------
Kutis artistahin ang mga ito, at mahilig silang sumama sa mga ekstranghero o sa mga bago nilang kakilala sa Bar para sa excitement...
Ang kotse na minameho nila ay pag mamay ari ni Jake..
Pero ang pinag papamaneho niya ay si Jack, lalo pa at gusto rin naman nito na siya ang mag maneho ng kotse.
Masaya pa rin silang nag iinuman kasama ang dalawang babae sa Loob ng kotse.
Palibhasa probinsiya..
Maluwag ang kalsada kahit tanghaling tapat pa ng mga sandaling iyon.
Kaya naman tila karerista si Jack kung imaneho niya ang kotse ni Jake..
Sarap na sarap naman sila Fred, Rocco, at Jake sa tila pag lalandi sa kanila ni Bella at Roxane sa passenger seat, kaya inggit na inggit naman si Jack na nag mamaneho at bigla niyang itinigil ang kotse.
-------------
"Teka ang unfair naman bakit sila lang pumupunta sa langit?" Inis na sabi ni Jack.
"Ano ka ba! Nag mamaneho ka kaya! Mamaya niyan sa langit talaga tayo mapunta niyan eehh!..."sabi ni Fred.
"Iandar mo na ang kotse! Joyride nga di ba!" Sabi naman ni Rocco
"Huwag ka na mainis mamaya naman paiinitin kita."Malambing na sabi ni Bella sabay haplos sa labi ni Jack.
"Sabi mo yan huh…"Nakangiting sabi ni Jack at muli niyang minaneho ang kotse.
-------------
Pero...
Ilang minuto pa ang lumipas..
Muling inihinto ni Jack ang kotse dahil sa nakita niyang Karatula na..
"MEN'S PARADISE VILLAGE"
"OOHH.. Ano naman ba yan? Bakit ka huminto?" Tanong ni Jake.
"Mga bulag ba kayo? Tignan ninyo! Nasa tapat na tayo ng kalangitan ang MEN'S PARADISE VILLAGE! b.c kasi kayo sa landiaan ninyo dyan!" Sabi ni Jack.
-------------
At doon na nga nila napansin na nasa tapat na nga sila ng Men's Paradise Village..
"WTF? TOtoo ba yan?" Agad na sabi ni Jake.
"Di pa kami sapat? At mukhang gusto ninyo pa pumunta dyan."tila nag tatampo na sabi ni Roxane