REALITY MOVIE
AUTHOR WILLY VERANO
CHAPTER 2Matapos hatawin ni Torn Prince ng Base ball bat si Gambi agad ngang bumagsak ito. At matapos nun sinunod naman niya si Rocco. Hinampas siya ni Torn Prince ng base Ball bat sa binti nito kaya naman agad nanlambot ang tuhod ni Rocco at agad bumagsak ito.
Si Alice naman ay hindi na alam ang gagawin? Lalo na at hindi naman nila nakikita ang multong tinatawag na TORN PRINCE.
"Rocco.. Gambi.." Nag aalalang sabi ni Alice.
Agad namang nagsumikap tumayo si Rocco para sa kaniyang mga kasamahan at agad niyang inalalayan si Gambi.
"Kailangan natin makalabas sa bahaging ito! Narito ang isa sa mga multo hindi lang natin alam kung sino siya!" Sabi ni Rocco.
"Iwan ninyo na ako! Magiging pabigat lamang ako sa inyo!" Sabi ni Gambi.
"Hindi ka namin iiwan! Walang maiiwan." Sabi ni Rocco.
"Rocco! Gambi nag iiba na naman ang mga ayos ng mga salamin may mga nagsasara at nagbubukas." Sabi ni Alice.
"Tara na kumilos na tayo magtungo roon sa pasarang bahagi." Sabi ni Rocco.
Ng bigla na namang hatawin na naman siya ni Torn Prince ng Base Ball Bat at na hataw siya nito sa ulo.
"Aahhhh!"
"Rocco!" Pag aalala ni Gambi at Alice.
Agad nag dugo ang ulo ni Rocco ramdam niya ang pagkahilo sa pagkakahampas sa kaniya ng Torn Prince sa ulo. Gayunpaman nahihilo man desidido pa rin si Rocco na malagpasan ang lahat ng ito.
"Alice pakialalayan si Gambi tumuloy na kayo dali na!" Sabi ni Rocco.
"Pero..." Nag aalangang sabi ni Alice.
"Hahamunin ko siya na ako ang puntiryahin niya! at habang ginagawa ko iyon tumakas na kayo!' Sabi ni Rocco.
Ayaw man nila wala na silang pagpipilian pa nag patuloy si Alice habang inaalalayan niya si Gambi patungo sa pasarang bahagi salamin. At muling hinataw ng Torn Prince si Rocco sa katawan nito.
"Aaahhhh!!
Pero agad din siyang tumayo para ipakita kay Torn Prince na balewala ang mga pag atake niya.
"Sige lang! dahil hindi naman ako nasasaktan.. You cannot Hurt me..." Sabi ni Rocco kahit lubha na siyang nasasaktan.
At nagawa nga niyang agawin ang pansin ni Torn Prince kahit hindi niya ito nakikita. At paulit ulit siya nitong pinaghahampas sa katawan.
''Aaahhhhhh!!
Samantala matagumpay ng nakapasok sa pasarang salamin si Gambi at Alice at sa paglingon nakita na lang nila ang nakahandusay na katawan ni Rocco.
"Rocco!" Sabi ni Alice.
"Nakakaasar! Wala man lang ako nagawa...." Inis na sabi ni Gambi.
At dahil wala na silang magawa pa sa kalagayan ni Rocco nagpatuloy na lang sila muli gustuhin man nila puntahan ito hindi na pepwede pa dahil nakasara ang bahagi ng salamin na pinasukan nila at hindi na nila ito mabuksan pa.
At sa pagpapatuloy ni Alice at Gambi sa paghahanap ng Makena na siyang nag papatakbo ng mala Maze Glass House na iyon narating nila ang isang bahagi ng lugar na iyon at nakarinig sila ng boses na animoy mula sa batang lalake.
"You wanna play? You.... Wanna play?" Paulit ulit na sabi nito sa isang nakakapangilabot na boses.
Agad sinenyasan ni Gambi si Alice na huwag magsasalita dahil malakas ang kutob niya. Na ang boses na iyon ay galing sa multo na tinatawag na THE FIRST SON sa oras na magsalita sila iisipin nito na nakikipag laro ito sa kanila at gamit ng kaniyang maliit na palakol tatagain sila nito. Na parang isang laro lamang sa kaniya.