TAKOT NA DI MAWARI

19 0 0
                                    

HINDI MAWARING TAKOT
By Willy Verano

One Shot Story

My WATTPAD ACC : DAISUKEANGEL0691

MY YOU TUBE CHANNEL : KANTAKUTAN STORY

Gabi na iyon at kabilugan pa ng buwan nang magpasya nang umuwi si Caloy ng kanilang tahanan. At maayos naman siyang nagpaalam sa mga kainuman niya na kaniyang mga kumpare. ninong ito ng kaniyang nag iisang anak

Dala ng kalasingan..
Medyo pasuray suray pa si Caloy sa paglalakad habang ito ay pauwi na sa kanilang tahanan.

Ngunit kahit magkaganon man at pasuray suray sa paglalakad si Caloy. Tama naman ang tinatahak niyang daan pauwi ng kanilang bahay.

Subalit...

Nang makarating na si Caloy sa harapan ng kanilang pinto. Bigla na lamang itong kinilabutan ng matindi. Hindi niya maitanggi sa sarili ang pagkatakot dahil ramdam niya ang bawat ang paninindig ng bawat balihibo niya sa katawan.

Malamig man ang simoy ng hangin..
Subalit pinag papawisan pa rin ng matindi si Caloy dala ng hindi mawaring pagkatakot..

Hawak na ni Caloy ang Door Knob ng kanilang pinto at dahan dahan itong pinihit upang buksan ito. Sobrang ingat na halos wala ng ingay pang madidinig.
Sa pag bukas niya ng pinto marahan rin niya itong isinara.

Nagawa niyang tahimik ang kaniyang pag pasok...

Subalit .
Kahit nakapasok na ng bahay si Caloy. Ang nadarama niyang takot mula pa sa labas ay dala dala pa rin niya sa loob ng kanilang tahanan.

At Sa sobrang tahimik ng kaniyang pagkilos halos pati pag hinga niya ay nais na niyang pigilan kung maari lamang niya gawin ito .

Patay ang ilaw sa loob ng kanilang tahanan. At kasalukuyang nasa salah na siya ngayon.

At dahil madilim at pasuray suray pa siya sa pag lalakad. Ingat ingat siya na hindi makasagi ng gamit.

Nang biglang..
Nakarinig siya ng pagkilos sa bandang kusina nila...

Kinabahan si Caloy at sobrang natatakot na siya sa mga dandaling iyon. Animoy walang bisa ang alak sa takot na nadarama niya ngayon..

Pero sa puntong iyon lakas loob pa rin niyang binuksan ang ilaw para harapin ang kaniyang takot.

Subalit wala naman kung ano ang nasa kusina..

"Baka daga lang..."sabi nga ni Caloy.

Niligid pa ni Caloy ang paningin niya sa bawat sulok ng kanilang tahanan at wala namang kahit ano.

"Daga nga lang iyon wala dapat ikatakot
Makapasok na nga lang sa kuwarto."sambit ni Caloy at nag pasya na itong pumasok sa kanilang kuwarto.

Pero sa pag bukas niya ng pinto ng kanilang kuwarto..

Isang kahindik hindik agad na kaganapan ang nangyari kay Caloy...

"Aaaahhhhhhhh!

Agad Sigaw ni Caloy.

Habang pingot pingot ng asawa niya na napuyat na naman kakahintay sa pag uwi niya.

"Uminom ka na naman! Sabi mo may bibilhin ka lang! "Galit na sabi ng asawa ni Caloy na halos mag usok ang ilong

"Sorry na..
Nagkakayayaan lang kasi..."pag mamakaawa ni Caloy habang takot na takot sa asawa.

Ang asawa nga niya ang bigla niyang naalala ng siya papasok na sa kanilang tahanan kaya bigla itong natakot dahil alam niyang may kasalanan na naman siya at magiging Dragon na naman ang asawa niya.

End

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon