SUICIDE FOREST

16 0 0
                                    

SUICIDE FOREST
AUTHOR WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Anim na magkakaibigan na sila Benjie, Claro, Paulo, Trisha, Pearl, at Miko ang nagpasyang mag Travel Trip sa Japan! At bisitahin ang isang Tourist Spot sa Japan na binabalot ng kababalaghan..

Ang tinatawag na Suicide Forest Sa Japan. Sa tawag pa lamang ng Kagubatang ito ay naroon na ang kilabot. At ibat ibang kwentong kababalaghan. Dahil ayon sa kwento ito ang puntahan ng mga taong nais magpakamatay o mga sawa na sa kanilang mga buhay.

Kaya sinasabi rin na ito ang Best Place of the World para magpakamatay.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan tila may mga humihikayat na mga elemento  sa mga tao at sinasabing sila ay dapat ng magpakamatay kahit wala iyon sa isipan nila.

Ngunit....

Hindi naman lahat nag pupunta sa Suicide Forest nais magpakamatay. Ang iba ay katulad lamang ng magkakaibigan na nais lamang pasyalan ang misteryosong Suicide Forest ng Japan..

----------------

"Oohh, Beyb huwag mong sabihin mag ba back out ka? nandito na tayo sa Airlines eroplano na lamang hinihintay natin." Sabi ni Miko sa kasintahan niyang si Trisha.

"Eehhh, kasi kinakilabutan na talaga ako.. Akala ko kaya ko magpunta ng Suicide Forest, pero Hindi pala.." Nanginginig pang sabi ni Trisha.

"Huwag ka mag alala, nandito naman kami, at narito ako pababayaan ba kita? Mahal kita kaya hindi ko hahayahang mapahamak ka. Kaya huwag ka na matakot naroon tayo para magsaya at sa kakaibang expireince rin." Sabi ni Miko para panatagin ang loob ng kasintahan.

"Hoy kayo diyan! Tama na yung lambingan! Parating na ang eroplanong sasakyan natin papuntang Japan!" Masayang sabi ni Pearl.

"Basta pagkatapos natin sa Suicide Forest puntahan pa natin ang iba pang mga Tourist Spot sa Japan." Sabi ni Benjie na kasintahan ni Pearl.

"Tara na! Excited na ako maka meet ng mga Legit na otaku roon!" Sabi ni Claro.

'Na mamanyak ka naman sa mga babaeng Cosplayers! Hahaha!" Pabirong sabi ni Paulo.

At sa pagdating ng eroplanong kanilang sasakyan. Agad na silang sumakay at naghintay ng ilan pang oras bago tuluyang lumipad muli ang Eroplano patungo sa Bansang Japan....

Nagkukulitan at nag aasaran sa loob ng Eroplano si Claro at Paulo. Habang ang magkasintahan na sila Benjie at Pearl, Trisha at Miko ay mahimbing lamang na natutulog....

Natulog lamang sila hanggang sa makarating na ang Eroplanong sinasakayan nila sa Bansang Japan...

Sa pagdating ng magkakaibigan sa Japan, naroon na ang Excitement ng bawat isa. Agad silang humagilap ng Hotel na pinakamalapit sa isa sa mga Tourist Spot ng Japan ang Suicide Forest.

Hindi naman iyon ang First time na magtungo sila sa Japan. At Marami rami na rin silang napuntahang mga ibang bansa. Pinasya lang nila muli bisitahin ang Japan para sadyang tunguin ang Suicide Forest.

Isang malaking kuwarto ang pinili ng magkakaibigan para sama sama na sila roon at makatipid na rin ng pera.

Magpapalipas muna sila roon ng isang gabi bago tunguin ang Suicide Forest. At balak nilang mag overnight sa Suicide Forest sa gitna ng kagubatan nito.

Hindi rito sang ayon si Trisha, ngunit mapilit si Miko at maging si Pearl gusto rin mag over night sa Suicide Forest. Hindi naman tutol rito ang kasintahan ni Pearl na si Benjie.

Habang si Claro at Paulo ay go To the Flow lamang ng anu pa mang Happenings sa kanilang magkakaibigan.

"Beyb natatakot ka pa rin ba? Huwag ka mag alala walang mamatay sa atin kahit suicide forest pa yan." Sabi ni Miko.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon