HELL RIDE
AUthor Willy VeranoMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
isang biyahe ng puno ng kilabot ang mararanasan ng pamilyang mapapasakay sa isang train na pangmahabang biyahe.
Ang biyaheng ito ang maghahatid sa kanila at sa iba pang mga pasahero sa isang tila Hell ride!.
"Daddy mommy pupunta na ba tayo kanila lola?" tanong ng anak nilang si Rose.
"Oo naman Anak pupuntahan na natin ang lola mo... Kaya dapat behave ka." Sabi naman ni Joseph na siyamg tatay ni Rose.
"Ok na ba ang lahat? baka may nakalimutan pa tayong bagahe? tanong ng Nanay Rose na si Marie.
"Wala na..... ayos na ang lahat wala nang nakalimutan pa kaya halika na magtungo na tayo sa station ng train mahaba haba haba pa ang biyahe natin..."sabi ni Joseph
"Yehey!!! pupunta na kami kay lola!! excited na ako!"masayang sabi ni Rose.
"Excited na talaga ang anak natin sa biyahe tayo na nga pumunta na tayo sa train station.."sabi muli ni Marie.
At agad na pumara ng taxi ang mag asawa upang magtungo sa train station dahil sa mahaba habang biyahe pa ang lalakbayin mula sa kinaroroonan nila..
At pag dating nila sa train station agad silang bumili ng tatlong ticket para sa kanilang tatlo...
Ngunit sandaling naantala ang mga pasahero dahil sa mga tila importanteng dalahin na ilalagay sa train na nasa isang tila kulungan ng aso.
Solid ang bakal nito ngunit nababalutan ito ng itim ng tela na tila ayaw nilang ipakita ang nilalaman nito..
"Anu kaya ang mga yan?"
pag uusisa ni Marie.."Anu pa ba? kundi aso kaya nga nakatakip ng itim na tela para hindi makakita ng tao ng hindi tahol ng tahol..."sabi ni Joseph.
"Mga aso pala yun daddy..."sabi ni Rose
"Oo aso yun anak kasi kundi yun aso mga monster yun anak! monster!"
pananakot ni Joseph sa kaniyang anak."Anu Ka Ba Tigilan Mo na Nga Ang Anak Mo! Bala matakot pa yan.'agad na saway ni Marie sa asawa
"binibiro ko lang naman anak natin.."sabi ni Joseph.
Hindi lang isa kundi limang bagahe ang ipinasok nila sa tila kulungan ng aso na iyon at bantay sarado pa ito ng anim na security personel na animoy mga vip ito..
"Mukhang hindi naman aso ang nasa loob niyan bakit ganun na lang kung makabantay sila sa bagay na yan?" Pagtataka ni Marie.
"Bigla ko tuloy naisip na baka mga vault yan na naglalaman ng sandamakmak na pera...."sabi ni Joseph.
"Sa tingin mo yun nga ba?" Tanong ni Marie.
"ewan??? basta huwag na natin pag aksayahan ng panahon yan... nandito tayo para bumiyahe patungo kay nanay sa lola ng anak natin..."sabi ni Joseph
At Matapos Maipasok Ang Limang Bagahe Na Iyon sa Loob Ng Train.
Ito Ay Inilagay na Sa Pinakadulo ng train at tila inupuhan na nila ang bagon ng train na iyon upang walang ibang pasahero ang makapasok roon.
At naroroon pa ang anim ma security personel bantay sarado sa mga ito at iniingatang hindi mahawi man lang ang itim na tela na nakatakip dito...
At matapos nun sumakay na ang iba pang mga pasahero kasama ang magpamilyang sina Joseph, Marie at ang anak nilang si r
Rose.At nagsimula na ang biyahe ng train na iyon na may sampung Bagon at sila Joseph ay nasa pangwalong Bagon ng train kaya medyo tanaw nila ang dulong parte ng train na kung saan naroon ang mga misteryong bagahe na isinakay sa train.