DIS ORAS NG LAGIM
AUTHOR WILLY VERANO
One Shot story
REPOST STORY.Ako si Marilyn..
Isa akong Call center agent nagkataon gabi na ako laging nakakauwi kaya naman wala akong choice na maabutan ng hating gabi sa daan. Ako pa naman yung tipong matatakutin sa mga puno pa nga lang na pinaniniwalaang may nakatirang mga maligno o laman lupa kinikilabutan na ako tulad ng mga puno ng mga Balete.
By the way madalas akong sumakay ng taxi para hindi hussle sa biyahe at may aircon pa. Nagpapababa ako malapit sa lugar namin. Makipot kasi ang daan sa baranggay namin kaya hindi pepewede makapasok ang Taxi roon.
Agad akong pumara ng taxi swerte namang may huminto agad na taxi para sa akin. At isang matanda ang driver ng taxi na iyon. Agad akong sumakay sa likuran at hindi sa tabi ng Driver.
Agad kong sinabi ang destinasyon na aking pupuntahan at sinimulan ng paandarin ni Manong Taxi Driver ang Taxi.
Swabe siya mag maneho kaya naman ramdam mo na safe ka sa taxi niya. Tahimik lamang siya sa pagda drive habang nakikinig ng kanta sa radio ng biglang tila nawawalan ng signal kaya naman gumaralgal ang boses ng radio.
At habang kinakalikot ng driver ang antena ng radio niya para maisaayos ang signal. Napansin ko sa salamin sa harapan na pasimpleng nakatingin siya sa akin.
At nakita ko na namumula ang mata niya at napansin niya yata na nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Kaya naman agad nitong sinuot ang black shades niya na animoy nahiya siya.
Bigla akong nangamba dahil nag black shades siya sa hating gabi? Baka mahirapan siya makakita ang daan at maaksidente kami? gayunpaman nanahimik na lamang ako habang patuloy ang biyahe ng bigla siyang magalita.
"Miss nandito na tayo..." Sabi ni Manong Taxi Driver.
Agad naman akong bumaba at nagpasalamat..
"Salamat po.." Sabi ko..
At nagmadali na akong maglakad lalo na dahil may mga ilang puno sa amin patungo sa mismong tahanan namin. Bumalik na naman ang kilabot ko yung tipong wari bang may nagmamasid sayo? Dahil sa mga nakakatakot na mga puno sa paligid.
At baka bigla na lamang may isang kaluluwang magpakita sa hating gabi sa bilog na buwan at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.
At ang bilis ng pintig ng puso ko kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko. hindi ko kasi magawang makatakbo. At dahil sa takot ko na rin. Ang paglakad ng mabilis lang ang tanging nagagawa ko. At mas binilisan ko pa ang paglakad ng makarinig ako ng yabag ng paa sa aking likuran.
Ayaw ko ng linguin pa ito dahil baka hindi ko kayanin kung ano man ang makikita ko. At sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kasabay ng panginginig at biglang pagtulo ng aking pawis. Hanggang sa isang kamay ang humawak sa aking balikat at sinabi nitong....
"Walang hiya ka! Ang ganda mo pa naman! Tatakasan mo lang pala ako! Mag wa one two three ka lang! Hindi jeep ang sinakyan mo! Taxi! Yun miss! Hindi na uso ang thank you ngayon bayaran mo ang metro ng taxi ko! Kung ayaw mong ipapulis kita at hawaan pa ng sore eyes ko!" Galit na sabi sa aking Ng Taxi Driver sa akin.
"Langya naman? Akala ko talaga multo o maligno na ang nasa likuran ko? si Manong Taxi Driver lang pala. Kasalanan ko nakalimutan ko magbayad nauna kasi ang kaba at takot ko? Hahaha! At ayaw ko ngang mahawaan ng sore eyes niya ewwwwww! Now i know kung bakit siya nag black shades.
"Lesson"
"Huwag kalimutan mag bayad.
THE End.