GHOST IN THE HIGHWAY
BY WILLY VERANO
ONE SHOT STORYMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}'PRE NAniniwala ka ba sa multo?" Tanong ni Joshua sa kaibigan niyang si Cesar isang Securiry Guard na gabi na kung umuwi.
"Multo? Yun mga ganiyang bagay hindi dapat pinaniniwalaan? At kung totoo man sila? Hindi ako matatakot sa kanila! Dahil patay na sila! Haha! Mas Matakot ka sa buhay!"sabi ni Cesar na natatawa pa.
"Kasi kaya ko nasabi? Dahil nitong mga nag daang araw may nagpapakita daw na White Lady! At napapatakbo agad sila! Bago pa sila nito malapitan! Diyan mismo sa madilim na Highway? Kasi naman napundi na yung poste ng ilaw! At ang nakakainis pa hindi pa ito inaasikaso? Dalawang buwan na madilim roon mapuno pa naman sa gilid gilid."takot na sabi ni Joshua.
"Alam mo kapag hinayahan mong pangunahan ka ng takot? Maduduwag ka talaga? Hindi ka na lang tumulad sa akin! Ehh, apat na beses na ako napapadaan sa madilim na highway na iyan! wala naman akong nakikitang White Lady? At Minsan nilalakad ko lang pauwi kapag walang masakyan kapag off duty na ako bilang guard.'sabi ni Cesar.
"Ganun ba? Ang tapang mo talaga wala ako masabe.'pag kabilib ni Joshua.
-----------
At kinagibahan..
Pinasya muli ni Cesar lakarin ang madilim na Highway.
Tanging liwanag lamang ng buwan ang nag sisilbing liwanag ng madilim na highway na iyon.
Na pinagpapakitaan ng White Lady..
"Multo? Haha! Kalokohan!" Sabi pa ni Cesar, habang nag lalakad muli sa mAdilim na highway.
At sa kaniyang paglalakad.
Bigla siyang nakadama ng panlalamig.Hindi lang basta panlalamig!
Dahil sa nag tayuhan ang mga balahibo niya sa katawan.
Subalit...
Wala naman siyang nadaramang takot.
---------
"Pambihirang lamig ito? Mga balahibo ko ay tumatayo."sabi ni Cesar, na kalmado lang
Hanggang sa...
Mula sa di kalayuan..
Nakatanaw siya ng nakaputing kasuotan"
Hindi lang basta puti....Dahil napakaputi ng kasuotan nito..
Kitang kita sa dilim ng gabi.
Sa ilalim ng bilog na buwan...Bahagyang napahinto si Cesar..
Kasabay ng pagkabog ng kaniyang dibdib
Habang dahan dahang palapit ito sa kaniya.Bahagyang napapaatras na si Cesar, ngayon lang niya nadama ang pakiramdam na matakot?
Sa isang nilalang na hindi niya pinaniniwalaan...
Agad pinagpawisan sa takot si Cesar, at ang mabilis pagkabog ng Puso niya ay
Hindi na mapigilan pa.At hindi na nga niya kinaya pa ang takot
At napasigaw na nga si Cesar."Mu... Multo! Aaaahhhhh!"
Sabay karipas ng takbo ni Cesar, kAhit malayo pa naman ito sa kaniya...
---------------
"Hala? Bakit siya tumakbo? Baka totoo ngang nakakagulat ang Puting Hatid ng Tide? Kaya lagi na lang silang nagugulat kapag nakikita nila ako? At ang napakaputi kong damit? Akalain mo yun? Totoo pala ang commercial ng Tide"Sabi ng inaakala nilang White Lady sa highway.
THE END.