THING OF THE DEMON 2

14 0 0
                                    

THINGS  OF THE DEMON
PART 2
{REVENGE OF THE}
{LIPSTICK AND ERASER}
AND THE MISSING WHITE SANDO
Author Willy Verano

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Sa nakaraan nagawang maisaayos ni Willy at Rogie ang kaguluhang hatid ng mga kagamitan na ipinagkaloob sa kaniya ng isang Demonyo na nagbalat kayong isang tao.

At siyempre sa tulong ng nakababata niyang kapatid na si Abby na hindi sadyang nailigtas ang mundo. Ng pag punit punitin nito ang mga pahina ng notebook na galing sa mga kagamitan na ipinagkaloob kay Willy.

Kaya hindi na nakalikha pa ng kaguluhan, ang Notebook na iyon lalo pa at kung ano anung klaseng halimaw ang iginuhit roon ni Willy na tiyak mag hahatid ng malubhang kaguluhan.

Pero natapos man ang gulo, naging trahedya naman ito sa eskwelahan na pinapasukan nila Rogie at Willy. Dahil doon mas maraming nasawi at nasagutan.

At ang eskwelahan nila ay naging laman ng balita sa mga lumipas na araw. At si Willy ay medyo naging pamilyar at kilala na ng karamihan! Dahil nga sa pagharap niya sa isang lalaking na siyang nakakuha at gumamit ng bandanang pula na nagbigay rito ng kakaibang ibayong lakas! Ngunit kapalit nun ang kaisipang makapangwakas! At mananakit ng sino man.

Nagpatuloy pa rin ang eskwelahan matapos ng isang linggong pagsasara nito, para na rin sa mga pamilya ng mga Estuduyante na nasawi sa kaguluhan na iyon na halos hindi maipaliwanag ng lahat.

Hindi na pinaliwanag pa ni Willy, ang ugat ng kaguluhan sinabi na lamang niya sa mga mamamahayag na isa itong kababalaghan lamang na mahirap maipaliwanag nino man. At sa sinabi niyang iyon hindi na siya inusisa pa ng mga ito.

Dahil bukod kay Willy at kay Rogie na pinagsabihan niya ng katotohanan. Magiging isang walang kasagutang kababalaghan ma lamang ito sa kaisipan ng mga tao.

Kahit na ang sabi sabi tila alam talaga ni Willy ang mga nangyayari! Bago pa mangyari ang kababalaghang dulot ng mga kagamitan....

"Parang kahapon lamang nangyari ang lahat, hindi pa ako maka Move on.." Sabi ni Rogie.

"Natural lang naman iyon, dahil hindi naman talaga ganoon iyon kadali malimutan. At may dapat din ako pasalamatan sa nangyaring iyon" sabi ni Willy..

"Ano naman iyon?" Tanong ni Rogie.

"Eehh, kasi kahit paano mas madalas na ako pansinin ni Kimberky. Kapag pinapansin niya ako parang nawawala ang lahat ng tao sa mundo. At kami lamang ang natitira."Sabi ni Willy na may matamis na ngiti.

"Kainis nga! May eksena na rin naman ako pero bakit parang ikaw lang ang mas sikat! Ako kaya ang kumuha ng Bandanang pulA!" Sabi ni Rogie.

"Hayahan mo na.. Ililibre na lang ulit kita mamaya." Sabi ni Willy.

"Dapat lang kasi dapat ako yung mas sikat." Sabi ni Rogie at nagtungo na sila sa classroom para sa simula ng klase

SAMANTALA....

Isa pobreng mangingisda ang natagpuan sa kalagitnaan ng karagatan sa kaniyang paglalayag ang Lipstick at Eraser. Napasama niya ito sa lambat na panghuli niya ng mga isda sa laot.

At dahil mukhang pwede pa naman gamitin pinasya niya itong ipasalubong aa anak at asawa niya.

Sakto pang pudpud na ang pambura ng kanila kaisa isang anak na babae. Na si Ana 8 Years old at Lipstick naman sa pinakamamahal niyang asawa.

Payak lamang ang pamumuhay nila, kaya sa mga maliliit na bagay tulad ng lipstick at pambura ay ikinatutuwa nila ito.

At pag dating ng mangingisda na si Manong Kulas sa kalupaan. Agad niyang ibinenta ang mga nahuli niyang isda.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon