BITTER KILL LIST
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
PUSONG NADUROG...
PUSONG NAWASAK..
PUSONG BINIGO...
NGAYO'Y PUSONG BINALOT
NA NG GALIT AT POOT...
BITTER KILL LIST...
May makakaligtas nga ba?
Sa mga tinakda na niya ang kamatayan....Si Veronica ay isang babaeng labis labis kung magmahal. Kaya labis din masaktan hindi siya yung tipong masasabing napakaganda na pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.
At dahil hindi siya kagandahan madalas ang ending pinagpapalit siya ng mga naging kasintahan sa higit na maganda sa kanya.
May magandang propesyon sa trabaho si Veronica kaya ang sinesweldo nito ay hamak na mas malaki sa mga pangkaraniwang manggagawa.
At dahil sa ulila na rin at walang mga kapatid. Sabik sa kalinga at pagmamahal si Veronica kaya naman labis itong magmahal kapag nag kakaroon siya ng kasintahan.
At ginagawa niyang mundo ang mga ito kahit na sinasamantala lamang nila ang pagiging mapera nito.
Halos lahat ng kasintahan niya ay halos pera lamang ang habol sa kanya at isinasabay pa siya sa mga kasintahan nilang iba bukod sa kanya.
At ang masakit na katotohan napag alaman niya pa na ang tatlong lalaking bumigo sa puso niya.
Ay magkakaibigan pala at tila pinagpasapasahan lamang siya ng mga ito nalaman niya ito ng minsan puntahan niya sa isang bar. Ang kasintahan pa niya nuon na si KIEL.
At may kasama itong ibang babae at ang mas ikinagulat niya kasama nito si Henz at Juvan. Na kanyang mga naging kasintahan rin at pinerahan lamang rin siya para tustusan sa kanikanilang girlfreind.
Anniversary nila ni Kiel ng malaman niya ang katotohanang iyon at hindi nga siya nagkakamali makikita niya sa paboritong bar nito si Kiel at kasama pa ang dalawa niyang kaibigan na pawang mga manloloko rin.
Hindi na siya gumawa pa ng eskandalo bagkus pumatak na lamang ang kanyang luha kasabay ng pag alis niya sa bar na iyon. At sa gabi na rin na iyon pinasya na niyang mag higanti para sa pusong labis na dinurog, winasak, at binigo ng paulit ulit.
Makalipas ng dalawang taon mag buhat ng tagpong iyon na labis ikinabigo ng puso ni Veronica. Pinili niya mo na mag pakalayo layo para sa pagbabalik niyang may kasamang paghihiganti na sisiguraduhin niyang hahantong sa kamatayan ng bawat isa sa kanila.
Samantala...Makalipas ng dalawang taon sila Henz, Juvan at Kiel ay ganoon pa rin. Dahil sila ay may anking kagwapuhan marami pa silang babaeng binigo.
Matapos kunin at ibigay ang lahat babalewalain na ito na parang isang basura. Masyado silang mapaglaro sa pag ibig at wala na silang pakialam makasakit man sila ng damdamin.
Hanggang sa may babaeng nag freind request kay Henz na nagnganngalang Veronica. Napakaganda nito at isa itong modelo.
"Veronica? Kapangalan niya yung pangit na Ex namin... Na mapera pero ibang iba ito ang ganda at model pa... At inad pa ako? Teka... Baka poser naman ito?" Biglang hinala ni Henz.
Pero inacept na niya ito, at nagulat siya ng gusto nitong makipag Video call sa kanya.
Kaya sa isip isip ni Henz hindi ito poser dahil nakikipag video call ito."Jackpot...." Nakangising sabi ni Henz at inaacept niya ang Video Call nito at nakita niya ito sa Web Cam.
"Hi..." Malambing na sabi nito.
"Hi Din Veronica... Ang ganda mo.."
Walang patumpit tumpit na sabi ni Henz."Mas maganda ako sa personal... Kapag may time ka punta ka Sa bahay ko i sent to you my Address.." Malambing na sabi ni Veronica.