PARANG WRONG TURN

28 1 0
                                    

PARANG WRONG TURN
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

LImang magkakaibigan ang nag pasyang mag hiking sa isang hindi pa masyadong popular na kabundukan.

Subalit napakainam nito puntahan lalo na sa mga tulad nilang mahilig sa Hiking.

Ang magkakaibigan na ito ay ang magkasintahan na si Khent, at Layla.
Kasama si Sheena, Cogie, at Dello.

Sila ay magkaka work mate sa isang kompanya at nagkataon naman na holiday at dahil sa hilig din naman nila ang Hiking napagpasyahan na nilang mag Hiking sa hindi pa kilalang kabundukan.

Sa pangunguna na ni Cogie .

At sa kalagitnaan ng kanilang Hiking, biglang nabanggit ni Cogie, ang Wrong Turn Movie.

Si Cogie ay sadyang mahilig sa mga Horror Movie lalo na sa may mga brutal na pagpaslang.

At siya rin ang pumili ng Lokasyon ng kanilang pag ha - hikingan.

"Alam ninyo kaya ko pinili ko ang kabundukan na ito? Para kasi akong na love at First Sight ng makita ko ito sa internet last year pa? Para kasing itong sa kagubatan ng Wrong Turn? Kaya naman talagang pinag handaan ko ang pagpunta natin rito! Sobrang na thi - thrilll ako? Yung pakiramdam na yung mga killer sa movie ay narito sa kabundukan na ito."sabi ni Cogie.

"What? Anong pag iisip yan? Iba ang movie sa Reyalidad."agad na pag basag ni Sheena.

"Hahaha! Wrong Turn mga tanga naman bida dun? Nasa likod na nila ang killer hindi pa rin nila pansin? Hahaha!" Natatawang sabi ni Dello.

Napakapit naman ng mahigpit si Layla sa Bf niyang si Khent

Dahil sadyang matatakutin si Layla, sa mga Horror Movie

'Tama na ang usapan na Guys! Natatakot na si Layla."sabi ni Khent, Sabay yakap kay Layla.

"Asus! Yakap pa more."sabi ni Sheena.

"Mag Bf ka na kasi! Para may yumakap sayo? Pili ka si Dello? O si Cogie?" Sabi ni Layla.

"What? Eeeww! Di bale na lang! Tatanda na lang akong dalaga!" Sabi ni Sheena.

"Grabe ka naman sa amin? Sige ka baka ligawan ka namin ni Cogie."sabi ni Dello.

"Game ako diyan!" Pabirong sabi ni Cogie.

----------

Nang biglang..

Napalingon si Sheena sa bandang kaliwa dahil sa pag iwas niya kay Cogie at Dello.

Nang biglang..

Mapasigaw siya!

Dahil nakakita siya ng isang taong Deform ang mukha tulad ng mga Killer sa Wrong Turn.

"Aaaahhhhhhh!"

Ikinagulat nila Layla, Khent, Dello, at Cogie ng biglang napasigaw si Sheena.

"Hoy? Anyare? Bakit ka biglang sumigaw na para kang nakakitang multo." Agad na tanong ni Cogie na nagtataka.

"Oo nga? Para kang nakakita ng multo sa sigaw mo kanina."sabi din ni Dello.

"Multo.."takot na sabi ni Layla at napakapit ng mahigpit ito sa bisig ni Khent.

"Ano Sheena? Ano bang nakita m0? Mag salita ka?" Sabi ni Khent.

Huminga muna ng malalim si Sheena, bago muli mag salita.

Bakas pa rin ang takot nito.

--------

"Kanina kasi sa lkod ng punong yun! Nakakita ako ng tao! Isang tao Deform ang mukha! At kamukha niya ang mga killer sa Wrong Turn!"sabi ni Sheena na takot na takot.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon