FOR RENT
(Ang pangalawang Yugto)
BY WILLY VERANO
CHAPTER 2My Wattpad acc DAISUKEANGEL0691
Si Margie ay inapmon nga ng isang mabuting Pamilya....
Na si Krispin at Ginang Amparo may mga edad na ito at nag iisa lang ang kanilang anak at ito nga Ay si Ken walang taon gulang..
At tila himala pa nga ang pag dating ni Ken sa buhay nila. Dahil sa nabuntis pa si Ginang Amparo sa kabila ng kaniyang edad. At ito ay malaking pinagpapasalamat nila sa diyos.
Dahil sinabin na ng doktor na mababa ang chansa na mag dalang tao sa Ginang Amparo noong unang pagsasama pa lamang nila bilang mag asawa.
Kaya dumaan ang maraming tao bilang mag asawa. Ang pagkakaroon ng sarili anak animoy isang pangarap na hindi nila maabot abot.
Pero inadya na rin siguro ng diyos sa biyayaan sila ng anak sa hindi inaasahang pagkakataon.
Pero dahil nag iisang anak lamang nila si Ken. Ninais nga nito na mag karoon kapatid subalit hindi nga sila nagkaroon muli ng anak bagay na ikinalungkot ni Ampara para sa anak nilang si Ken na sabik sa kapatid
Kaya sa huli...
Napagpasyahan nila mag ampon na lamang at nang makita nila ang kaawang kalagayan ng kapatid sa telibisyon.
Habang inilalahad ni Margie ang mga kaganapan bago pa umabot sa puntong pagpaslang ni Madie sa sarili nilang magulang..Doon pa lamang sa puntong iyon nag pasya na sila na sila na ang aampon sa mga ito. Dahil habag na habag sila sa magkapatid at kailangan talaga nila ng tunay na pagmamahal..
Pero sa huli si Margie lamang ang naampon nila dahil kailangan ilagak pa sa isang mental Facility si Madie na labis na apektuhan ang pag iisip..
At kaya ganoon na lamang ang tuwa ni Ken na mag kakaroon na siya ng kapatid. At sakto pa dahil magka edaran lamang sila...
"Bisitahin natin madalas ang ate niya para naman ma obserbahan din natin kung bumubuti na ba ang kalagayan niya."sabi ni Ginang Amparo.
"Isama rin nAtin si Margie sa bawat punta natin baka mas makatulong iyon sa pag galing ng ate niya."sabi ni Krispin.
"Tama ganoon nga ang gawin natin nakakawa talaga sila.. Wala talagang tamang idudulot ang sa buhay ng tao sisira lang ito ng pamilya."malungkot na sabi ni Ginang Amparo.
At habang naglalaro sa Garden si Ken at Margie. Biglang na lamang pumitas ng bulaklak na gumamela sa Ken at ibinigay kay Margie.
"Prinsesa para sayo.."sabi ni Ken.
"Pa... Para sa akin?"tanong na sabi ni Margie
"Oo.. Ganito kaya yung mga prinispe na napapanood ko... Binibigyan nila ng bulaklak ang mga Prinsesa di ba nga prinsesa kita..."sabi ni Ken.
"Ay.. Oo nga pala... Prinsesa pala ako.."ngiting sabi ni Margie.
At matapos nun inilagay ni Ken sa kanang tenga ni Margie ang bagong pitas niyang gumamela.
"Umm.. Bagay pala sayo Prinsesa huwag mo tatangglin yan..
"Oo... Prince Ken.."tugon naman ni Margie at muli silang nag habulan.
"Ohh.. Kita mo na? Mana sa atin ang anak natin dumidiskarte na.."sabi ni Crispin dahil pinag mamasdan nga nila ang mga ito.
"Hay naku! Ikaw talaga binigyan mo ng malisya kahit wala naman iyon malisya sa dalawang bata."sabi ni Amparo.
At habang naghahabulan si Ken at Margie biglang napahinto si Margie.
'Oohh.. Bakit ka napahinto? Bahala ka tatayain na kita.."sabi ni Ken.