PATAY ANG DIYOS

6 0 0
                                    

TITLE : PATAY ANG DIYOS
BY WILLY VERANO

WATTPAD ACC DAISUKEANGEL0691

"Naisip ko lang pwede rin pala mag prank during Mahal na araw?" Biglaang sambit ni Jomar habang nakatambay tila sa tapat ng isang tandahan kasama ang dalawa niyang kaibigan na si Athan at Rj.
"Oo nga nuh! Pwede nga rin? Kaya lang parang ang sama naman nun di ba?"sabi ni Rj na animoy tutal sa naiisip ni Jomar.
"Hahaha! Maganda yung naisip ni Jomar! At saka lagi naman may nagaganap na April Fools tuwing ika unang araw ng april na natatapat sa mahal na araw. Hindi nga lang napapansin ng karamihan. Pero iba si Jomar napansin niya ang bagay na yun!"tila pagpuri naman ni Athan kay Jomar.
"Ohh di ba! Ang galing ko! Ano kaya kung magprank tayo sa April 1! Sakto HUWEBES Santo iyon."mungkahi ni Jomar sa dalawang kaibigan.
"Hindi ako sure sa bagay na yan."pag dadalawang isip ni Rj.
"Huwag ka ngang Kj diyan! Gawin na natin ito."pagpilit ni Athan kay Rj.
"Oo na nga ano pa nga ba magagawa ko? Pero sino naman ang i prank natin?"Tanong ni Rj sa kanila.
At agad may naisip na tao si Jomar na kanilang ipaprank.
"Si Rodrigo ang ipaprank natin! Mahilig yun sa Horror eehh? Maniniwala siya sa pananakot natin sa kaniya."mungkahi agad ni Jomar.
"Sige deal na ako diyan i paprank natin siya."sabi ni Athan bilang pag sang ayon at si Rj ay pumayag na lamang rin sa trip nilang dalawa.
At sa pagsapit ng April 1 huwebes santo niyaya nga nila si Rodrigo na mag alay lakad. Pinilit nila ito kahit ayaw nga nito sumama sa kanila. Dahil sa mas pipiliin pa kasi nito manood ng mga karamuldumal na horror movie kesa mag alay lakad. Pero wala nga siya nagawa sa pagpupumilit ng tatlo niyang kaibigan.
"Ano ba yan para ka namang di katoliko allergic ka talaga sa alay lakad."pabirong sabi pa ni Jomar.
"Hindi naman sa ganoon hindi ko lang talaga nakasanayan. At patay daw ang diyos during mahal na araw. Kaya nakakatakot dahil malamang nasa paligid lamang ang mga masasamang espiritu.'"takot na sabi ni Rodrigo na animoy paranoid na sa mga napapanood niya.
"Huwag mo dalhin ang lahat ng napapanood mo sa reyalidad relax lang."sabi ni Rj.
Nakatatlong simbahan na sila ng gabing iyon sa kanilang pag aalay lakad. Ng mapadaan sila sa isang sementeryo pero planado talaga nila Jomar. Ang pagdaan roon para nga i prank nga nila si Rodrigo.
"Dito na tayo dumaan sa sementeryong ito may shorcut na daan rito patungo sa susunod na simbahan."mungkahi ni Athan pero iyon na rin ang simula ng pag paprank nila kay Rodrigo.
At sa paglalakad nila sa Sementeryo sa gitna ng dilim na tanging puting bilog na buwan lamang ang tangalaw nila sa daan. Nagsisimula nang mahilakbot sa takot si Rodrigo. Dagdagan pa ng katotohanan na nasa sementeryo sila kung saan naroon ang mga taong sumapit na sa huling hantungan nila.
"Shorcut ba talaga ito? Kanina pa tayo naglalakad eehh? Mukhang naliligaw na tayo! Magbaliktad na kaya tayo ng damit para malabanan natin yung panliligaw sa atin ng kung ano mang engkantong naririto."tensionadong sabi ni Rodrigo bakas talaga ang takot sa ikinikilos nito.
"Yan ang napapala mo kakapanood ng Horror Movies! Hahaha!"natatawang sabi pa ni Athan.
"Teka lang iihi lang ako hanap lang ako ng maiihihan."sabi ni Jomar.
"Teka sama ako!"sabi naman ni Athan na agad sinundan si Jomar.
"Pambihira naghanap pa talaga sila ng maiihihan? Pwede naman dito na lang akala mo naman mga babae."sabi ni Rj na naiwan kasama ni Rodrigo.
Pero lahat ng iyon ay alinsunod sa plano. At palalabasin nga nilang nawawala si Athan at Jomar sa sementeryong iyon dahil nga sa hindi na nga sila nakabalik pa.
"30 minutes na ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Jomar at Athan. Baka napahamak na sila dahil sa mga masasamang elemento dahil patay ang diyos malaya nilang magagawa ang lahat sa ating mga tao."agad na hinala ni Rodrigo na may bakas na pagkabahala
"Ano ka ba! Huwebes Santo pa lang hindi pa pinapako ang diyos buhay pa siya. Kaya Relax lang may diyos pa."pabirong sabi ni Rj para naman kumalma kahit paano si Rodrigo. Dahil una sa lahat hindi naman niya trip ang ginagawa niyang ito napalitan lamang siya.
"Nagkakamali ka! Patay na ang diyos kaya nga may linggo ng pagkabuhay dahil huwebes siya ipinako at namatay!"giit agad ni Rodrigo sa seryoso nitong pananalita.
"Aahh.. Oo nga nuh? Sorry naman."sabi na lamang ni Rj dahil wala rin naman siyang balak na makipagtalo pa.
"Kinakabahan at natatakot na ako sa mga nangyayari sa atin ngayon! Nasaan na nga na ba sila? Hindi pa rin sila bumabalik" Labis na pag aalala ni Rodrigo.
Pero sa sandaling iyon unti unti na pa lang naglalakad sa likuran ni Rodrigo si Athan at Jomar. At balak nga nilang gulatin ito habang suot suot ang maskarang nilang aswang. Tahimik lang naman si Rj upang hindi mabatid ni Rodrigo na nasa likuran na pala niya si Athan at Jomar. At sa senyas nga ni Jomar sabay na nilang ginulat si Rodrigo. At dahil napaka realistic ng maskara nilang aswang. Sobrang napaniwala at natakot nila si Rodrigo at humantong nga ito sa...
"Aaaahhhhhhhh!"
Agad na sigaw ni Jomar ng matarak ni Rodrigo ang Cross Knife niyang dala na nakatago lamang sa kaniyang bulsa. Gulat na gulat nga si Rj at Athan sa ginawang iyon ni Rodrigo.
'Teka lang Rodrigo! Kami lang ito ni Jomar! Prank lang ito!"agad na sabi ni Athan magtatanggal na sana ito ng maskara pero agad din siyang sinaksak sa leeg ni Rodrigo.
"Aaahhhhhh!"
At dahil nga sa napuruhan niya ang dalawang ito sa leeg agad ngang mabilis biniwian ng buhay si Athan at Jomar. Ang mga dugo nila mula sa leeg ay patuloy ang pagdilig nito sa lupa.
"Napatay mo sila.... Rodrigo napatay mo sila.."hindi makapaniwalang sabi ni Rj habang nakatanaw sa dalawang kaibigan niyang wala ng buhay.
At Wala pa rin nga sa matinong pag iisip si Rodrigo sa mga sandaling iyon. At wala siyang pagsisisi sa nagawa niya bagkus masaya siyang makapatay ng aswang. Dahil iyon na nga ang tingin niya kay Jomar at Athan.
"Hindi mo ako malilinlang.."sambit ni Rodrigo na nagpunta na pala sa likuran ni Rj. At siya naman ang sinaksak nito sa leeg gamit ng kaniyang Cross Knife. Na pinaniniwalaan niyang panlaban at pampaslang sa aswang. At bumagsak na nga rin ang wala na rin buhay na si Rj.
"Napatay ko sila kahit patay ang diyos! Kaya ko pala ng walang tulong ng diyos! Kaya ko! Nagawa ko."masaya pang sabi ni Rodrigo habang tumutulo pa ang sariwang dugo nila Athan, Rj, at Jomar mula sa Cross Knife nito.
Nang biglang nakaramdam na nga si Rodrigo nang isang malamig na simoy na hangin na animoy galing pa sa kailaliman ng lupa. At ito nga ay ikinatindig agad ng balahibo ni Rodrigo at sa kaniyang paglingon sa kaniyang likuran. Nakita niya ang sarili na walang humpay sa pagtawa habang tinutubuan ito ng sungay halintulad sa isang demonyo. At dahan dahan itong itinutusok sa dibdib ni Rodrigo ang Cross Knife nito na hawak para ibaon sa puso nito.
Sa labis na pagkasindak at hilakbot ni Rodrigo. Hindi na niya napaglaban pa ito hanggang sa tuluyan ng bumaon sa puso niya ang talim ng kaniyang Cross Knife. Na ipinangkitil niya sa kaniyang mga kaibigan at maging sa sarili niya.
Oo maging sa sarili niya sa kadahilanang imahinasyon lamang ni Rodrigo. Ang nakita niyang sarili na nasa katauhan ng Demonyo. At siya lang mismo ang nagtarak ng Cross Knife sa kaniyang puso na humantong sa kaniyang sariling kamatayan. NagawA lahat ito ni Rodrigo sa kadahilanang dumadanas na siya ng PSYCHOLOGICAL sa kaniyang pag iisip sa sobrang obsessed nito sa mga Horror Movies.

ANG HOBBY AY KASAMA SA BUHAY BILANG TAO. PERO NAKAKASAMA ITO SA BUHAY NG TAO. KAPAG UMABOT NA SA OBESSESION ANG ISANG GAWAIN MO NA DAPAT AY HOBBY LAMANG.
END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon