ZOMBIE HEARTBREAK

11 0 0
                                    

ZOMBIE HEART - BREAK
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
My Page
{Willy Verano Story Maker}
{One Piece Tagalog Wcv}

"Diane kailan mo ba ako sasagutin? May balak ka ba talagang sagutin ako? Dalawang taon na kitang nililigawan pero heto wala pa rin tayo? Pinapaasa mo lang ba talaga ako sa wala? Sana naman kung wala talagang pag asa hindi mo na pinatagal ng ganito. Dahil sa bawat araw na lumilipas mas minamahal kita. At magiging lubhang masakit sa akin kung mauuwi lamang ito sa wala matapos ng lahat ng effort ko? Alam mo ba na halos gawin na kitang mundo ko dahil sa mahal kita." Paglalahad ng saloobin ni Darwin kay Diane.

"Pero.... Hindi pa talaga ako sigurado kung mahal ba talaga kita? O hanggang kaibigan lamang. Ayaw kong pumasok sa isang relasyong hindi ako sigurado sa nararamdaman ko." Tugon ni Diane kay Darwin.

"Diane naman! Dalawang taon na kitang nililigawan matagal na nga iyon sa panahon ngayon. Hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin alam kung anong damdamin mo para sa akin? Isang tanong isang sagot mahal mo ba ako o hindi? Ayaw ko na mag hintay pa bawat oras naman pinararamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin." Muling sabi ni Darwin na umaasang tatanggapin na ni Diane ang Pag ibig niya.

Ngunit bumitaw sa mga kamay ni Darwin si Diane sabay sabing..

"Patawad Darwin... Hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko unawain mo naman ako." Sabi ni Diane.

Tumahimik sandali si Darwin at napaluha ito dahil labis niyang mahal si Diane. Ngunit tila ang damdamin nito ay hindi nakalaan para sa kaniya.

"Ibig sabihin lang niyan, hindi mo talaga ako kayang mahalin... Diane huwag ka mag alala mahal pa rin kita pero masakit, napakasakit ng ginawa mo sa akin na ito, at pagmasdan mo hindi ko mapigilan ang luha sa aking mga mata.." Lumuluhang sabi ni Darwin.

"Sorry Darwin..."Lumuluhang sabi rin ni Diane, dahil sa naguguilty ito sa pagpapaasa kay Darwin.

Silang dalawa ay nasa siyudad sa lugar kung saan maraming tao, kakatapos lamang kasi nila mamasyal ng sandaling iyon, at saglit na nagpahinga sa isang park sa siyudad na iyon. At doon nga naisipan ni Darwin na pilitin muli ang sarili niya kay Diane na dalawang taon na niyang nililigawan. Ngunit muli siyang nabigo sa pag ibig na inaasam asam.

At ang sumunod na pangyayari ay hindi inaasahan ni Diane, dahil sa walang ano ano bigla na lamang nanikip ang dibdib ni Darwin na animoy inaatake ito sa puso. At agad bumagsak si Darwin at mabilis na binawian ng buhay.

"Darwin! Darwin! Anong nangyari? Bakit nagkaganito Darwin!" Pag aalala ni Diane.
Ngunit wala na talagang buhay si Darwin.

Pero sa siyudad na iyon at sa iba pang panig na lugar at bansa. May mga halintulad ni Darwin na bigla na lamang nanakit ang puso. At agad nawalan ng buhay matapos makadama ng matinding kalungkutan mula sa damdaming nabigo sa larangan ng pag ibig.

"Darwin... Darwin..." Lumuluhang sabi ni Diane habang ang mga ibang tao ay nakatingin na sa kanilang dalawa.

Ngunit ilang minuto pa ang lumipas, muling dumilat ang mga mata ni Darwin. Nanlilisik na ang mga nito, at ang ngipin niya ay tila natatakam na kumagat na animoy isang mabangis na hayop. At sa pagkabigla ni Diane sa nakakakilabot na pagbabago ng behavior ni Darwin napaatras si Diane.

"'Darwin..." Sambit na lamang ni Diane, habang pinagmamasdan si Darwin.

Ikinagulat din ng mga tao sa paligid ang muling pagkabuhay si Darwin dahil patay na talaga ito ng mga sandaling iyon. At bigla na lamang agad itong mabilis na sumalakay sa isa sa mga tao sa paligid nila.

Nagkaroon ng ibayong lakas ang mga kamay ni Darwin at pati na rin ang kaniyang mga ngipin. Dahil kaya na nitong sumira ng katawan ng tao upang kunin at kainin ang puso ng kanilang bibiktimahin.

"Aaahhhhh!" Sigaw ng taong iyon habang unti unting kinukuha ni Darwin ang sariwa nitong puso sa mismo nitong katawan habang siya ay buhay pa upang kainin ito.

Sa eksenang iyon nagtakbuhan na ang lahat. Lalo pa ng malaman nilang hindi lang si Darwin ang nag kaganoon maraming pang iba ang nag mistulang naging mga Zombie.

'"Zombie!"" Sigawan ng mga tao na nangibabaw agad ang pangamba at takot para sa mga pansarili nilang kaligtasan.

Kasabay nga nun ang kabikabilang patayan na nagaganap. Sila nga ay tila nag mistulang mga Zombie ngunit ang tanging kinakain lamang nila ay puso ng mga tao at wala ng iba pa. Ang matinding emosyon sa puso nila ay siyang nagbibigay utos sa isipan nila na maging marahas at kunin ang puso ng iba. Dahil sa kabiguan nilang makamit ang puso ng kanilang sinisinta.

At habang abalang kinakain ni Darwin ang puso ng lalaking biniktima niya. Napatingin ito kay Diane na hindi agad makakilos sa mga biglaang pangyayari.
At kahit ganoon na sitwasyon ni Darwin lumuluha pa rin ang mga mata nito. Patunay lamang na labis talagang nasaktan ang damdamin ni Darwin. Dahil sa pag ibig niyang walang happy Ending.

At huli na ang lahat kay Diane. Huli na para tumakbo pa at tumakas. Dahil sa sinunggaban na rin siya ng ilan pang mga taong naapektuhan ng Epidemeyang yayanig sa buong mundo na tatawaging...

ZOMBIE HEART BREAK.....

"AAAAHHHHH!"

THE END.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon