PET CEMETERY

20 0 0
                                    

PET SEMETERY
AUTHOR WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

Nagkayayaan ang magkakaibigan na sila Roxie, Troy, Levi, Marvic, at ang kasintahan ni Roxie na si Khian. Na mag out of town upang dayuin ang isang Beach Resort sa isang probinsiya.

Pawang mga may trabaho na ang bawat isa kaya hindi nila sinayang pa ang dalawang araw na Holiday. Para muli silang magkita kita at magsama sama, dahil minsan na lamang nila magawa ito. Magbuhat ng na Bc na sila sa kanikanilang Trabaho.

Nakabili na ng sariling kotse ang kasintahan ni Roxie na si Khian. Dahil na rin sa na promote ito at medyo tumaas na ang kaniyang sinasahod.

Maluwag ang dinadaanan nilang Highway patungo sa Beach Resort na nais nila puntahan. Wala rin gaanong sasakyan sila nakakasalubong kaya tila pagmamay ari nila ang Highway na iyon.

Kaya pinasya ni Khian, na bilisan ang pagmamaneho, na ikinabahala naman ni Roxie. At agad niyang sinabihan si Khian na mag hinay hinay ito sa pagmamaneho.

"Relax lang Beyb! Akong bahala hindi tayo madidisgrasya."sabi ni Khian.

Nang biglang....

Ikinagulat nila ng may marinig silang tila may nabangga sila na kung ano?

At agad naman inihinto ni Khian ang Kotse, upang alamin kung may nabangga nga ba siya.

At pag tingin niya sa harapan ng kaniyang Kotse. May bahid na ito ng Dugo mula sa isang Asong Gala na nasagasaan ni Khian.

At nakita nga nila ang Asong Iyon, na medyo malayo na sa kinaroronan nila. Wala na itong buhay at medyo nahahati na ang katawan nito. Ng Hindi sadyang magulungan pa ito ni Khian.

"Aso lang pala... Akala ko tao na yong nabangga ko." Sabi ni Khian ng lapitan na nila ito.

"Tara na aso lang naman yan." Sabi ni Marvic.

"Umalis na tayo bago pa may dumaan na ibang sasakyan." Sabi ni Troy.

"Beach na Beach na ako! Tara na!" Sabi rin ni Levi.

Tanging si Roxie lamang ang nakadama ng pagkaawa sa Asong iyon.

"Teka, iiwan na lang ba natin ang asong yan sa ganiyang sitwasyon? Baka pwede naman natin siya ilibing." Sabi ni Roxie.

"Ilibing? Huwag na natin pag asayahan yan Beyb. Its Just A Dog."Sabi ni Khian.

"Pero, nakakaawa talaga.." Sabi muli ni Roxie.

Hanggang sa may matandang lalaki ang bigla na lamang nagpakita sa kanila galing  sa kakahuyan.

"Nakita ko ang lahat sadya man o hindi. Napaslang ninyo pa rin ang asong iyan. At marapat lamang na ilibing ninyo ang aso na yan. At kapag ginawa ninyo iyon mananahimik ako sa aking mga nakita." Sabi ng matandang lalaki.

"Kainis may nakakita pala sa pagkabangga  ko sa asong ito." Inis na sabi ni Khian.

"Sige po ililibing po namin ang aso na iyan  at hindi po talaga namin sinasadya ang pangyayaring ito."Sabi ni Roxie.

"Lahat kayo ay may kinalaman sa pangyayaring ito. Kaya marapat lang talaga na ilibing ninyo ang aso na yan. Sa pinakamalapit na Pet Cemetery sa lugar na ito." Sabi ng matandang Lalaki.

At nagsimula na itong maglakad para gabayan sila patungo sa Pet Cemetery. Agad naman inilagay nila Ang Asong iyon sa isang sako at sinundan na nila ang matandang lalaki patungo sa sinasabi nitong Pet Cemetery.

Hindi na pinasama pa ni Khian si Roxie na iwan na lamang ito sa Kotse. Upang hintayin ang kanilang pagbabalik.

Patuloy nila sinundan ang matandang lalaki patungo sa Pet Cemetery na tinutukoy nito sa gitna ng kakahuyan.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon