HELLVATOR
Author Willy Verano
CHAPTER 1My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Elevator isang pangkarinawang bagay na likha ng tao na nagpapadali sa mga taong makaakyat ng hindi na kailangan umakyat ng hagdan.
Pero paano kung ang elevator na masakyan mo ay maghahatid sayo sa kababalaghang ayaw mong maranasan? Sasakay ka pa rin ba sa elevator?Si Jerwin ay nagtatrabaho sa opisina taga saayos siya ng mga files at inventory ng kumpanyang pinagtarabauhan niya na may apat na palapag. At ang pinaka opisina nila ay nasa ikaapat na palapag at ang production ng mga product na ginagawa nila ay nasa una at pangalawang palapag at nagsisilbing bodega naman ang ikatlong palapag.
Dalawa ang elevator ng kompanya ngunit iisa lamang ang ginagamit nila bago bago pa lang siya sa kumpanya na pinagtatrabauhan niya dalawang buwan pa lamang mula ng pumasok siya rito bilang office worker.At ayon sa kwento kwento may nagmumulto raw sa bakanteng elevator kaya hindi ito ginagamit limang taon ng nakakaraan. At ayon sa nalaman niya may namatay raw rito na isang lalake aksidenteng naipit ulo sa pinto ng elevator at sa muling pag andar nito mabilis naputol ang ulo nito na agad niyang ikinamatay. Kaya mula nuon bagamat maayos pa ang elevator wala ng nagtangkang gumamit nito sa tangkang magpakita at mag multo muli ang namatay roon.
Pinaniwalaan ito ni Jerwin kaya pati siya umiiwas rin sa elevator na iyon. Magkabilang dulo naman ang elevator at sa bandang kaliwa ang kanilang ginagamit at minsan nag lolokohan pA sila ang malalate dapat sumakay sa kaliwang elevator bilang penalty.
Pero kahit naman may malate pa wala naman sa kanila na gagawa nun dahil nga sa takot nila sa elevator na iyon.
Kaya naman totoo man o hindi ang kwento kwento about sa elevator. pinangako ni Jerwin sa sarili niya na hindi siya sasakay o papasok elevator sa kanan. Dahil baka kapag totoo nga ito baka pagsisihan pa niya ito."Uyyy tulala ka na naman diyan ano bang iniisip mo?" Tanong ni Diane na ka office work rin ni Jerwin.
"Ahh wala naman as usual mga bayarin ang iniisip ko ako lang naman kasi inaasahan ng magulang ko at yung batugan kong kuya." Inis na sabi ni Jerwin.
"Huwag mo masyadong dibdibin ok? Relax lang." Sabi ni Diane.
"Ginagawa ko naman iyon pero wala eehh? Hirap talaga eehh." Sabi muli ni Jerwin.
At lumipas ang ilang oras nagbabaan na ang mga taga opisina para sa lanch break.
"Ano na? Hindi ka ba baba?" Tanong ni Diane
"Mauna ka na iaayos ko lang ito." Sabi ni Jerwin.
At ilang sandali pa siya na lamang ang natitira sa oposina. Upang isaayos ang mga kagamitan niya at matapos nun nagpasya na rin siyang lumabas ng opisina at nagtungo sa elevator.
Habang naglalakad patungo sa elevator naiisip pa rin niya yung kwento kwento tungkol sa elevator na kinakatakakutan ng lahat. kahit wala pa naman nakakapag patunay na may kababalaghan roon? Lahat ay ayon sa kwento kwento lamang dahil sa isang lalaking namatay roon."Ano ba itong iniisip ko? Hindi naman ito ang elevator na iyon." Sabi ni Jerwin.
At agad na niyang pinindot ang botton ng elevator para bumukas ito at sa pagbukas nito hindi niya akalain na makakita siya hindi niya inaasahan at napasigaw na lamang siya.
"Aaaahhhhh!!!"
Sa gulat kaba at takot natumba si Jerwin sa nakita niyang halimaw at ka muntikan na siyang mawalan ng malay. Kasabay nun ang tawanan ng kanyang ka office mate na si Jerry at Gary na pinagkaisahan siya ng magsuot ito ng nakakatakot na maskara. Nagkataon kasi si Jerwin ang nagbukas ng elevator kaya siya ang nabiktima ng mga ito.