ANTIGONG SALAMIN
BY WILLY VERANOKabilang ako sa mga taong nahihilig sa mga ANTIGOng bagay. Pero hindi naman ako sagana sa salapi para bumili ng mamahaling mga antigong bagay. Kaya kadalasan mga mumurahing Antigong bagay lamang ang binibili ko sa mga Antique Shop.
At sa araw na iyon isang antigong salamin ang nakapukaw ng pansin sa akin. Unang kita mo pa lamang rito masasabi mo agad na antigo na ang bagay na ito. Dahil sa makalumang nga nitong disenyo.
'Mukhang Trip mo ang bagay na yan? ROBIN...
TAWAG sa akin ng may ari ng Antique Shop. Kilala na nga ako nito dahil madalas akong bumili sa kaniya ng mga antigong bagay.
"Ahh... Opo magkano po ba ninyo ibebenta sa akin ito?"tanong ko sa may ari.
"Binebenta ko yan ng 500 eehh.. Pero dahil suki ka naman.. 200 na lang para sayo. Pero sana lang tatakpan mo ang salamin na iyan tuwing sasapit ang gabi huwag mo iyon kakalimutan.
"Huh? Bakit naman po?"pagtatakang tanong ko.
"'Dahil sa pag kakaalam ko mula din sa pinag bilhan ko niyan. Pag mamay ari daw iyan ng isang babae. At iyan daw ay ang paborito niyang salamin. Madalas niya ayusan ang sarili niya sa salamin na iyan habang nag hihintay ang kasintahan niyang namatay sa digmaan...
"Sinasabi ninyo bang pinag mumultuhan niya pa rin ang paborito niyang salamin na ito?"
"Oo ayon sa ikinewento sa akin.. Alam mo ba madalas niya pa rin inaayos ang sarili niya sa harap ng salamin na iyan. Kakahintay sa muling pagbabalik ng kaniyang namaya pang kasintahan. Kahit batid na niyang patay na ito? Noong buhay pa siya At magpa sa hanggang ngayon..
Pero Hindi ko naman sinasabing maniwala ka? Pero sinabi ko na lang rin sayo itong kwento na ito para may alam ka sa Backround ng antigong salamin na yan.."pagsasalaysay nito sa akin.
Sa ikinewento sa akin ng may ari ng Atique Shop. Hindi ko naman gaano ito pinaniwalaan. Dahil sa marami na rin naman akong mga antigong bagay sa bahay. Pero wala namang nagpaparamdam sa akin kahit pa mag isa lamang ako sa bahay na tinutuluyan ko.
Sa makatuwid binalewala ko lang ang bilin sa akin ng may ari ng Antique Shop. At Wala nga akong balak na Takpan ang salamin tuwing sasapit ang gabi.
At Ang antigong salamin na ito ay inilagay ko sa aking kuwarto katabi ng antigong painting na binili ko rin roon..
At Bandang Hapon..
Nagpasya na muna ako matulog
Linggo kasi iyon at sinamantala ko muna na magpahinga habang wala pang pasok sa trabaho...At nang magising ako...
7:00 pm na pala ng gabi...
At pag bangon ko sa kama...Bigla akong napabalikwas sa gulat at takot ng may nakita akong isang babaeng nakaupo at nakaharap sa antigong salamin.
At malumanay niyang hinahawi gamit ng kaniyang ang kaniyang mahabang buhok para manatili itong maayos.
"Mu.... Multo......"sabi ko na lamang habang nakatingin sa multong iyon.
Halos ipag sisikan ko ang sarili ko sa isang sulok sa mga sandaling iyon. Dahil Hindi ako makapaniwala na totoo pala ang kwento s akin ng may ari
Totoong pinagmumultuhan ang antigong Salamin!
At mas nangilabot pa ako ng unti unting lumilingon na ito sa akin...
Pero....
Ang aking takot at hilakbot ay napalitan ng payapang damdamin...
Dahil sa Ganda ng multong nasa harapan ko ngayon hindi ko magawang sa kaniya ay matakot pa....At matapos niya ako lingunin
Muli itong humarap sa salamin at muling na naman niyang animoy sinusuklay ang buhok niya gamit ng kamay niya.Tila ba nahihibang na ako sa napakagandang multong ito.
Sa katunayan...
Gabi gabi masaya akong umuuwi galing sa Trabaho para muli siyang pagmasdan habang nakaupo siya at nakaharap sa salamin..
--------
"Napakaganda mo sa palagay ko nga mahal na kita.. At Maswerte naman yung lalaking minamahal mo at patuloy mo pa rin siyang hinihintay...
Para na akong tanga? Kinakausap kita kahit wala ka naman tugon sa mga sinasabi ko? Pero ayos lang napapasaya mo naman ako Gabi gabi...
Tila nahihibang na nga ako?
Kasi sa palagay ko talaga mahal na kita..At Sa mga lumipas pa na araw at mga buwan. Ako nga ay tunay ng nabihag sa napakagandang multong ito.
At desperado na nga ako na abutin ang mundo niya at baka sakaling mahalin niya ako at huwag na hintayin pa ang lalakeng pinakamamahal niya...
Kaya naisipan ko nang magpakamatay sa aking kuwarto. Bibigtiin ko na ang sarili ko para abutin lamang ang mundo ng babaeng minamahal ko.
END.