SUBJECT 44

27 1 0
                                    

SUBJECT 44
{GALANG ZOMBIE}
BY WILLY VERANO

MY WATTPAD ACC
[DAISUKEANGEL0691]

Isang kamay ang umahon sa isang tambakan ng patay. Pagkarami raming bangkay sa malalim na hukay na iyon na siyang pag lilibingan ng mga patay na katawan na naroroon.

"Teka... Nasaan ako? At bakit narito ako? At bakit napakaraming patay sa paligid ko? At.... Sino nga ba ako? Bakit wala ako maalala...."pagtataka ng lalaki dahil sa wala nga siyang maalala na kahit ano.

At pinag masdan pa niya ang sarili kung may malalang pinsala ba siya. Dahil inakala ngang patay na siya kaya siya itinambak kasama ang mga patay.

"Wala.. Wala naman akong sugat o galos man lang? At pati yung mga bangkay na ito wala rin silang mga sugat o galos?" Ano ba talaga itong nangyayaring ito?" Patuloy niyang pagtataka.

At sinikap nga niya na akyatin ang itaas ng hukay na kinalalagyan niya kasama ng mga sandamakmak na bangkay. At nang makaahon na siya sa malawak na hukay dali dali siyang lumayo sa lugar ng hukay.

Hubot hubad siya nang magkamalay na siya roon at wala siyang mahagilap na damit dahil pawang hubod hubad din ang mga bangkay na kasama niya roon.

Mabuti na lamang at nasa gitna sila ng kabundukan kaya walang nakakakita ng hubad niyang katawan.

"Kailangan ko maghanap ng masusuot? Pero saan naman kaya? Nasa gitna pa naman ako ng kabundukan."sabi ng lalaki habang patuloy sa paglalakad.

Nang biglang magsuka siya ng dugo..

"Du... Dugo? Sumuka ako ng dugo? May malala ba akong sakit? Bakit parang wala naman ako nararamdaman?" Pagtataka nito habang pinupunusan ang dugo na naiwan sa kaniyang labi.

At sakto namang nakahagilap siya ng isang ilog. At doon siya ay naghilamos napakalinaw ng tubig sa ilog na iyon at napagmasdan nga niya ang sarili niya na nangangayayat na nga..

"Napakapayat ko? Ang mga mata ko nanlalalim pa? Pero bakit parang balewala sa akin ito.."pagtataka pa rin nito.

"Ano ba talaga ang nangyari? At napasama pa ako sa mga bangkay roon?"

At matapos mag hilamos nagpasya na itong muling maglakad. Pababa ng kabundukan tanging malaking dahon lamang ang pantakip niya sa private part niya.

Nang biglang nakaramdam siya ng matinding pagkahilo at tila ba nagtatalo ang dugo niya sa loob ng kaniyang katawan. Hanggang sa nawala nga siya ng malay at dahil nasa tabing ilog siya ng mawalan ng malay.

Tuluyan na siyang inagos ng ilog at dinala sa kung saan...

At ng agusin nga ng ilog ang lalaki na iyon tinangay siya nito hanggang sa ibabang bahagi ng kabundukan. Sakto namang may dalagang patungo roon para mag laba ng mga labahan nilang damit. At gulat na gulat nga siya ng makita ang lalaki na walang malay at hubad pa nga ito sa tabing ilog.

Patihaya pa naman ang pagkaka ayos nito at kitang kita nga niya pati na rin ang private part ng lalaking iyon at napapapikit pa nga ito ng mata.

"Naku naman ang aga aga ito agad ang nakita ko.."sabi ng dalaga.

"Patay na ba siya? Patay na ba ang lalaking iyon?" Mga tanong sa sarili ng dalaga habang pikit mata pa rin ito.

Pero sa huli pinasya nga niyang alamin kung buhay pa ang lalaking iyon. Kaya lakas loob niyang nilapitan ito. At pinakiramdaman ang paghinga nito.

"Buhay siya buhay ang lalaking ito..."sabi ng dalaga.

Nang biglang hawakan ng lalaki ang kamay niya.

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon