SIMBA NA NAMAN
BY WILLY VERANOAko si Bimboy..
Bata pa ako noong mangyari ang ikwekwento kong ito.
Edad pitong taon gulang pa lamang ako ng mga sandaling iyon. Pero sapat na ang kaisipan ko na iyon para maalala ko pa ang lahat....Linggo...
Maaga ako ginising ni Nanay para mag simba at ako yung tipong bata na yamot na yamot sa pag sisimba pero wala akong magawa kapag ginusto ni Nanay...
Maaga ako nag gayak ng sarili para maging presibtable sa simbahan.'Huwag kang hihiwalay sa akin anak huh. Maraming tao sa simbahan."
Paulit ulit na bilin sa akin ni Ina na kinasasawahan ko na nga lang."Opo nay.."agad kong tugon.
At pag dating namin sa simbahan.
Gaya ng inasahan marami mga pamilya at magkakaibigan ang masayang nag sisimba ng linggo na iyon..Mabuti na lang sa dami ng tao sa loob ng simbahan may naupuan pa kami ni Ina.
At sa pagsisimula ng Misa.
Maayos naman ang lahat pero nang mag simulang ng umawit ang grupo mga Choir sa Simbahan..Nakadidinig ako ng boses na sadyang malalim na sumasabay sa grupo ng mga Choir. Nang mga sandaling iyon titig na titig ako sa mga Choir tinitignan ko maigi kung sino sa kanila yung may malalim na Boses. Subalit may kalayuan nga ang kinaroronan namin ni ina sa mga umaawit.
At hindi rin naman ako kung galing nga roon sa mga Choir ang nadidinig ko. Yung boses kasi naririnig ko ay hirap matukoy kung saan? Nakakatitiyak lamang ako na nasa loob ito ng simbahan.
"Anak ano ba yang nilingon lgon mo diyan?"
'Ummm.. Kasi nay may naririnig po ako na nakakatakot na boses na sumasabay sa mga kumakanta? Nadidinig ninyo rin po ba?"
'Anak... Ano bang pinag sasabi mo? Mala anghel ang mga Boses nila... Guni guni mo lang iyan."agad na sabi ni Ina sa akin.
Pero kung guni guni ko lamang talaga ito?
Bakit patuloy ko pa rin nadidinig? Sa tuwing umaawit sila? At bakit ako lang siyang nakakadinig sa boses na iyon..
Sa huli isinawalang bahala ko na lamang ito.At matapos ng misa...
Nagpasya na kaming lumabas ng simbahan ni Ina..Nang bigla akong mapahinto..
Nang makita ko ang anino ng isang taong nasa harapan namin pero nakatikod ito sa amin..
Takang takang kasi ako sa kung bakit may parang buntot sa anino nito..
"Nay nakikita ninyo rin po ba yung Buntot?
Pero.. ..
Muling ako na naman ang tanging nakakakita nito. At Hindi ko naman nakita ang mukha ng taong iyon dahil nakaalis na rin agad ito..
At iyon na rin ang una at huling masasabi kong kababalaghan na aking naranasan.
Nahihiwagahan pa rin ako sa taong iyon?
Kapag naalala ko siya?
Dahil may mga tanong pa rin sa isipan ko.Sa kung Bakit siya sumusabay sa awit patungkol sa Diyos?
Pinupuri din ba niya ang diyos?
Posible ba yun?
Kunsa bagay mapagpatawad at mapagmahal ang diyos lahat ay kaya niyang tanggapin sa kaharihan kung labis itong magsisisi..
Pero sa ibang dako ng isip ko.
At Kung tama ang naiisip ko
Ang simbahan nga ay maari din pasukin ng mga Demonyo..END.