MULTO SA KALSADA
AUTHOR WILLY VERANOSa aking paglalakad sa isang kalsada na kung saan napagbabalitaan na may multong nagpapakita sa mga taong dumaraan roon. Ako'y nahiwagan? At dahil akoY isang curios na tao at may tapang din na maipagmamalaki.. sinubukan ko dumaan roon ng mag isa sa kalagitnaan ng gabi. Nagpahatid ako sa Tricycle sa kalsadang pinapakitaan DAW ng multo. Ngunit sa bungad pa lang ng kalsadang iyoN agad na akong ibinaba ng tricycle na sinakyan ko.
"Pasensya ka na pre, hanggang dito na lang ako hindi ko na kayang dumaan pa diyan pag ganito kadilim na" sabi nito sa akin.
'Ganoon ba? Ayos lang." Tugon ko sa kanya.
"Sige maiwan na kita nga pala may multong nagpapakita rito! At lahat ng pinapakitaan niya tila isumpa na ang kalsadang ito." Sabi pa sa akin ng Tricycle Driver.
"Alam ko ang tungkol sa bagay na iyon, at gusto ko siyang makita kung totoo man siya." Tugon ko sa kanIya.
"Bahala ka, ginusto mo yan sige maiwan na kita" sabi muli ng Tricycle Driver.
At umalis na ito at ako ay naiwan ng mag isa at naglakad at mag isang tinahak ang kalsadang binabalutan raw ng kababalaghan.
AT Sa aking paglalakad wala Naman akong nararamdamang kakaiba? Pangkaraniwan lamang kaya na dissapoint ako, dahil gusto ko makaranas ng totoong kababalaghan sa aking mga mata..
Hanggang sa kalagitnaan ng kalsada sa aking paglalakad nakaramdam na NGa ako na tila may sumusunod sa akin likuran. At agad ko itong nilingon ngunit wala akong nakita, buong akala ko may multo na akong makikita ngunit sa aking pagharap muli..
Isang magandang babae ang biglang lumitaw sa aking harapan.
Napakaganda ng babaeng ito, at may mga labi siyang natural ang pagkapula, mga matang mapupungay, makinis na kunis artistahin ang dating. Pero inakala ko pa rin na siya ay isang multo. Kaya sinubukan ko siyang hawakan at laking gulat ko na nagawa ko siyang hawakan."Hindi ka multo?" Tanong ko sa kaniya.
"Samahan mo naman ako, natatakot kasi ako" sabi ng babaeng ito sa akin.
"Teka, Bakit ka nandirito? Gabi na?" Tanong ko sa kaniya.
Pero hindi na ito umimik pa bagkus hinawakan niya ang aking kamay, napakalamig ng kamay niya na tila tumagos sa aking buto. At agad akong kinilabutan agad akong napabitaw sa kanya. Hindi ko akakain sa tapang kong ito kikilabutan ako.
"Samahan mo ako... Samahan mo ako." Paulit ulit na sabi nito.
Hanggang sa nangitim ang kabuuhan ng kaniyang mata at ang boses niyang malumay ay naging kakilakilabot.
"Samahan mo ako!" Sabi muli nito.
Gusto ko ng mapasigaw sa mga sandaling iyoN pero sa sobrang takot hind ko na iyon nagawa pa. Tumakbo na lamang ako sa pinakamabilis na makakaya ko. Pero sa aking paglingon wari ba hindi ako umuusad sa aking kinaroroonan, tila ba tumatakbo ako pero nananatili lamang kung saan ako naroon.
At sa muli kong paglingon nasa likuran ko muli ang babaeng iyon, iba na ang pananamit nito puno na ng mancha ng Dugo ang damit nito at ang katawan niya ay puno na ng malalim na sugat. Hindi ko na kinaya pa ang aking nakikita sa isang iglap nawala ang tapang ko. At agad napalitan ito ng Takot.
Hanggang sa...
Nagising na lamang ako loob ng isang Tricyle na ang Driver ay ang lalakeng naghatid sa akin ng gabing iyon. Natagpuan na lang pala niya akong walang malay sa kalsadang iyon. Sa umagang iyon.
"Naniniwala ka na ba? Na may multo talaga huwag mong sagarin ang tapang mo dahil may mga bagay na dapat nating katakutan" sabi ng Tricycle Driver na iyon.
Hindi na ako nakapag salita pa, dahil totoo ngang binalot na ako ng Takot ng mga sandaling iyon.
Isang bagay na ginusto kong tuklasin pero sa dulo na pag isip ko na sana hindi na lang pala. Dahil ang takot na iyon ay dadalhin ko na sa buong buhay ko..
Isang malaking katanungan pa rin kung bakit ito nag mumulto sa kalsadang iyon, tuwing sasapit ang gabi. Marahil nasagasaan? O pinatay siya sa kalsadang iyon pero kung anu pa man ang totoong dahilan ayaw ko nang alamin pa, dahil baka pagsisihan ko pa.
"ANG TAPANG NILALAGAY SA TAMA, AT HINDI SA WALANG KWENTANG BAGAY"
----------
CONTINUATIONS.
Other Encounter...Kinilabutan ako ng minsang mapadaan ako sa isang madilim na kalsada Lalo na at sa gilid nito ay mga matatayog na puno lamang at walang kabahayan. Walang ilaw sa parte ng kalsadang iyon dahil sa hindi ito na bibigyan pansin ng mga karatig na lugar. Nakakakilabot ang dumaan rito mag isa lalo na sa kalaliman ng gabi
Yung tipong kahit hindi ka naniniwala sa multo, ay bigla mo na lang paniniwalaan ito lalo na sa dilim ng paligid at pakiramdam na animoy may nagmamasid sa iyo Na hindi mo naman nakikita? Tinatayuan ako ng balahibo at ang lamig ng simoy ng hangin sa sobrang takot ko tumatagos ito hanggang buto.
Nakakasar kasi na Flat pa ang gulong ng kotse ko sa kalsadang iyon! na wala na halos dumaraan sa ganoong oras. At ngayon hindi ko alam ang gagawin? Kung lalabas pa ba ako para palitan ang gulong ng kotse ko? O mananatili na lamang ako sa loob hanggang sa sumapit ang umaga? Nakakakilabot kasi kung lalabas pa ako ng kotse.
Pero hindi ko na kaya pa hintayin ang sumapit pa ang umaga, gusto ko ng makaalis sa kalsadang iyon. Kaya lakas loob akong lumabas ng kotse ko at kinuha ang extrang gulong sa likuran ng kotse ko. At sinimulan ko na ang pagpapalit ng na flat kong gulong, agad kong nakalas ang flat na gulong ng kotse ko at agad ikinabit ang Extrang gulong ng biglang may naramdaman akong nakatayo sa aking likuran.
Malamig ang simoy ng hangin ngunit tagaktak ang aking pawis dahil sa kilabot na aking nararamdam. Ayaw ko ng lingunin pa kung ano man meron sa likuran ko? Lalo na at may kutob akong multo iyon! Kaya dali dali kong hinigpitan ang gulong ng kotse ko. At agad agad pumasok sa kotse, wala na akong balak pang kunin ang flat kong gulong, gusto ko na umalis pero ng paandarin ko na ang kotse ko. Isang kamay ang humawak sa balikat ko, na naghatid ng kilabot sa buong katawan ko lalo na ng magsalita ito.
"Samahan mo ako..." Sabi nito.
Tinig ng isang babae na animoy galing sa hukay at sa takot ko, dali dali akong lumabas ng kotse at nagtatatakbo. Ng mga sandaling iyon wala na akong pakialam pa sa kotse ko. Ang nasa isip ko na lamang ay makalabas sa nakakakilabot na kalsadang iyon.
At sa aking pagtakbo nakatAnaw ako ng isang babaeng hindi sumasayad sa lupa ang mga paa. Nakalutang lamang ito at dumadag pa sa kilabot ko ang duguan nitong damit at batid kong siya ang multong nagpaparamdam sa akin at muli itong nagsalita.
"Samahan mo ako.....
Kaya muli akong tumakbo pabalik sa aking kotse sa sobrang takot. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na may pasalubong na palang kotse at agad akong nabundol nito.
At kinaumagahan nagising na lamang ako sa isang Ospital, tila bangungot mula sa gising ko diwa ang pangyayaring iyon sa nakakakilabot na kalsadang iyon.
Ano nga ba misteryo sa babaeng nagpapakita sa kalsadang iyon? Bakit siya nagpapakita at nagpaparamdam? Kung ano man iyon ayaw ko nang alamin pa dahil lalo ko lang tatakutin ang sarili ko.
END
AUTHOR WILLY VERANO