TK - THE KILLER
AUTHOR WILLY VERANO
CHAPTER 1My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
"AAAAAHHHHHH!"
Nagmamakaawang sigaw ng isang lalaking nakagapos sa malapad na mesa na gawa sa bakal.
"Tama na.... Tama na nakikiusap ako sayo... Huwag... Huwag! Aaahhhhh!"
Sa kabila ng pakiusap ng kaawawang lalaki tinuloy pa rin nito ang pagpapahirap sa kaniya.
'"Aaaaahhhhh!"
Patuloy na pag sigaw ng lalaki, walang bakas ng pagkaawa ang makikita sa taong nagpapahirap sa kaniya.
Ito ay naka maskara na isang Joker, nakangiti ang maskara niyang Joker. At pinahiran pa niya ng sariwang dugo ang kaniyang maskara kaya naman mas nakakakilabot pagmasdan ang maskara nito.
Sariwang dugo mula sa kaniyang kasalukuyang biktima ang pinahid niya sa kaniyang maskara..
"Tama na... Tama na nakikiusap ako.." Nagmamakaawang sabi muli nito.
Pero.....
Tuloy pa rin ito sa pagpapahirap sa kaniya..
'"Aaaaahhhhhhh!"
Lapnos na lapnos na ang balat sa dibdib ng lalaking iyon. Dahil mabusising tinatanggal ng taong iyon. Ang kaniyang Tatoo sa dibdib gamit ang plancha na nasa pinaka mainit na temperatura nito.
"Aaaahhhhhhhh!" Patuloy na paglahaw nito sa labis na sakit.
Diniin pa nito ng husto ang napakainit na plancha, upang burahin ang tatoo nito sa dibdib.
Mga tatoo na labis niyang kinasusuklaman! Kaya nais niyang tanggalin ang lahat ng tatoo sa mga tao sa abot ng kaniyang makakaya...
At ng mabura ang tatoo sa dibdib ng lalaki, sobrang lapnos na ito at kita na ang nasunog na laman.
Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap niya. Dahil sinabuyan pa siya nito ng Alcohol na may kasamang asin ng taong nagpapahirap sa kaniya.
Kaya naman labis ang palahaw nito sa sobrang sakit lalo pa at sinentro pa ito sa na lapnos niyang balat..
"Aaaahhhhhhh!!"
At habang namimilipit pa sa sakit ang lalaking iyon. Nanlaki ang mata niya dahil isusunod naman nito burahin ang tatoo niya sa Leeg..
"Huwag... Huwag... Aaaahhhhhhh!!
Sa punto na iyon batid ng lalaking iyon, na iyon na magiging malagim ang niyang katapusan sa mga kamay ng taong iyon.
At hanggang sa huli patuloy pa rin siyang nakikiusap para sa kaniyang buhay.
Pero tinuloy pa rin nito ang pagbura ng kaniyang Tatoo na nakamarka sa leeg nito.
"Aaaaaahhhhhh!"
Palahaw ng lalaki iyon nang lumapat na ang napaka init na plancha sa kaniyang leeg! Na unti unting sumusunog sa kaniyang balat, at bumubura ng kaniyang Tatoo. Habang unti unti rin nasusunog ang kaniyang lalamunan....
Nangisayngisay pa ang lalaking iyon, habang patuloy lamang ang paglancha sa kaniyang tatoo sa leeg..
Hanggang sa wala na nga siyang nasambit pa, dahil sunog na ang kaniyang lalamunan na kaniyang ikinasawi. At kasabay ng pagkasawi nito tuluyan na rin nabura ang tatoo niya sa leeg..
At matapos nun.....
Dinala na niya ang bangkay nito sa imbakan niya ng mga patay, sa mistulang Storage Room ng kaniyang tahanan. Doon niya itinatambak ang mga una niyang pinaslang na pawang may mga Tatoo rin.