WHAT'S SO FUNNY CHP 3

11 0 0
                                    

WHAT SO FUNNY?
{ I AM SINNER }
CHAPTER 3
Author Willy Verano

Makaraan ang isang taon matapos madakip ng mga pulis. Si Arthur na nagtatago sa pangalang A - Clown bilang walang patawad na serial killer. Ito ay kasalukuyang nasa mental Hospital pa rin dahil nga sa diperensiya nito sa pag iisip kaya nagagawa niya ang ang karumaldumal na pagpaslang sa mga tao kapag ang joke nila ay korni.

Gayunpaman hindi pa rin siya ligtas sa batas sa mga nagawa niyang pagpaslang kahit napatunayang may diperensiya ito sa pag iisip. At sa sandaling bumalik ito sa katinuan dadalhin na siya sa bilangguan kasama ng mga presong nahatulan ng pagkabilanggo.

Si Trina at Erich ay patuloy pa rin sa pagdalaw kay Arthur, dahil naiintindihan nila kung  bakit ito nagkakaganito. Sobrang pag ka trauma sa utak ang sanhi ng kaniyang pagkabaliw. Dulot ng isang serial killer Clown na pumaslang noon sa kanilang mga kaibigan. Umaasa silang babalik ito sa sarili niyang pag iisip at mabigyan ng isa pang pagkakataon. Para makapamuhay ng normal.

Pero nababalot pa rin ng pangamba ang siyudad dahil sa loob ng isang taon may mga pagpatay pa rin na nagaganap at ang mga natatagpuang patay ay may plakard at nakasulat roon na..

"Makasalan ako huwag tularan"

Hindi pa rin matuton ng mga kapulisan kung sino ang serial killer sa mga pagpatay na iyon. At tila ba ginagaya nito ang serial killer Clown? Ngunit ang sa kaniya naman ay tila tungkol sa kasalanan ng  tao...

Sa paglipas pa ng mga araw may mangilan ngilan pa rin natatagpuang patay sa siyudad. Na pawang nagsasabi na...

"Makasalanan ako huwag tularan"

Kadalasan ang mga biktima ay tadtad ng maraming saksak sa katawan. At ang iba roon ay may putol na parte ng katawan. Kaya naman kahabaghabag ang sinasapit ng mga biktima sa kung sino man pumaslang sa kanila.

At sa siyudad maraming mga taong relihiyoso, sumasamba sa diyos nagsisimba tuwing linggo. Ngunit ang iba nagsisimba lamang ng hindi taos sa puso? Nagsisimba dahil may bagong damit na ipagyayabang? Sabi nga sa isang kanta.

Sa simbahan natural ng mag kumpisal ang mga tao sa kanilang pagkakasala bilang isang katoliko. At si Padre Burgos, ang namumunong pari sa siyudad. Mahal siya ng lahat. Dahil dama mo ang bawat sermon niya sa misa. Laging malaman ang kaniyang bawat sasabihin walang patapon na salita sa kaniya. Dahil tungkulin niya liwanagin ang kaisipan. at puso ng mga tao kung ano nga ba diyos? Sa buhay ng bawat isang tao sa mundo.

Siya na rin madalas ang umuupong pari sa kumpisalan, kahit na may iba pa siyang kasamahang pari sa simbahan.

"Sige na anak... Mag kumpisal ka makikinig sayo ang diyos at ikaw ay kaniyang patatawarin.." Sabi ni Padre Burgos sa kumpisalan.

"Padre.. Malaki po ang pagkakasala ko sa asawa ko.. Nagawa ko siyang lokohin.. At nabuntis ko pa ang babaeng iyon. Nagsisisi po ako pero hindi ko alam kung paano ako ipagtatapat ito. Makasalan ako padre labis po akong makasalanan.." Pangungumpisal ng lalaking ito kay Padre Burgos.

"Paglilaylilayan mo ang pagkakasala mo, ikaw ay mali. At ang kamalian mo ay dapat mong ipagtapat sa asawa mo. upang ito ay itama. Ang itinatagong pagkakasala ay lalabas at lalabas pa rin. kaya mas mainam na ipagtapat mo ito. Kaya kasabay ng iyong pagsisisi humingi ka ng tawad sa diyos.at sa iyong asawa. Kung ano man ang magiging desisyon niya kailangan mo itong respetuhin." Payo sa kaniya ni Padre Burgos..

Tila naliwanagan naman ang lalaking iyon sa mga payo sa kaniya ni Padre Burgos. At nagpasya nga siyang magtapat sa kaniyang asawa sa pagtataksil na ginawa niya.

Ngunit kinagibihan matapos niyang mangumpisal ng hapon na iyon natagpuan na lamang itong wala ng buhay sa siyudad. Putol na ang Ari ng lalaki! puno ng mancha dugo ang suot nitong Short sa pagkaputol ng ari niya. Sabayan pa ng napakaraming saksak sa katawan at ang plakard na nagsasabing..

HORROR NOVEL COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon